Chapter 18
Jea's POV
"You don't need to dress up so much... you've had my attention.."
Gusto kong iumpog sa pader ang ulo ko. Parang sirang plaka, paulit ulit nagrereplay sa utak ko ang mga binulong niya kanina. Ano bang ibig niyang sabihin doon?
Pagkatapos namin kumain niyaya kami ni Tito sa napakalaking bahay nila. Dito na raw kami matulog at masanay na kasi dito na raw kami titira pagkinasal sila ni Mama. Ayaw ko sanang pumayag kaso nag-agree na agad si mama kaya wala na akong nagawa.
"Can't sleep?" Muntik na ako mapatalon sa gulat nang may nagsalita sa likod ko. Nilingon ko siya. Grabeng face card yan, kahit madilim na ang paligid umaapaw parin ang kapogian ng isang 'to.
Naglakad siya palapit sakin. Umatras ako. "Huwag kang lalapit, Diyan ka lang.. Isa kang malaking pahamak sa buhay ko."
Dahil sa'yo nalilito na ang puso ko!
Pero bago pa ako makahakbang, mabilis niyang hinila ang bewang ko palapit sa katawan niya. Napalunok ako.
"Why? Nagugulo ko na ba ang buhay mo?" mahinang tawa niya.
Pati puso ko, hayop ka!
Iniwas ko ang mukha ko baka mahalikan niya ako sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Ano bang pumapasok sa isip niya? At ginagawa niya ang mga ganitong bagay? Paano kung may makakita samin sa ganitong sitwasyon baka ano pa isipin.
"Nak, hindi ka pa ba matutulog." Pareho kaming nagulat ng marinig ang boses ni Mama. Agad niya akong tinulak palayo. Nakita kong nakangiti siya kay mama.
"Good night po, Tita" Magalang na sabi niya. Napataas ako ng kilay. Kailan ka pa nagkaroon ng manners.
"Opo.. Susunod po ako." Tugon ko.
Ngumiti si Mama sa kanya. "Good night din Zean.." Tapos bumaling ang tingin niya sa'kin. "Sunod ka na ha? Malalim na ang gabi may pasok pa bukas."
"Opo."
Tumalikod na si Mama at pumasok na sa loob. Susundan ko na siya kaso hinila ako ni Zean sa gilid ng bahay nila. Madilim, tago at walang sinong makakapansin na nandoon kami. Kinabahan ako. Marahan niya akong sinandal sa pader. Ang isang kamay niya nasa gilid ko at ang isa nasa bewang ko. Para akong aatakihin sa puso.
"A..ano bang.. Ginagawa mo?" Nauutal kong tanong sa kanya.
"Bakit, Jea... may gusto ka bang mangyari?" nakakalokong tanong niya, may bahid ng panunukso sa boses.
Kahit hindi ko maaninag nang mabuti ang kabuuan ng mukha niya dahil sa dilim ng paligid-pero ramdam ko ang titig niya.
Parang hinihintay niya ang sagot ko...
"Hahalikan mo naman ba ako?" halos pabulong kong tanong, nanginginig ang boses ko.
"Kinuha mo na ang first kiss ko..." naputol ako sandali, at huminga. "Please... huwag mo nang kunin ang second kiss ko..."
Bago pa ako makapagsalita ulit, naramdaman ko ang labi niya sa leeg ko. Parang nawalan ng lakas ang tuhod ko. Gusto ko siyang itulak palayo pero ayaw gumalaw ng kamay ko. Inaamoy ba niya ako o hinahalikan?
"Fuck, I don't know why," he said in a low voice, "but your scent is something I keep craving." sinasabi niya yon habang inaamoy at hinahalikan ang leeg ko. "I'm obsessed."
Bago pa ako tuluyang mawala sa sarili ko, inipon ko ang lahat ng natitira kong lakas at tinulak siya.
Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya.
Pumasok ako sa kwartong inihanda ni Tito para sa'kin kanina. Isinara ko ang pinto at napasandal doon habang unti-unting nauubos ang lakas ko.
BINABASA MO ANG
Perfect in Bad BOOK 1
RomanceAng mahalin siya ay wala sa plano ko. He's chaos and dangerous. Katulad siya ng kidlat na hindi dapat hawakan. And yet... Sa bawat ngiti, sa bawat tingin at sa bawat haplos niya para akong hinihila papalapit sa kanya. Ang Love dapat hindi mapanganib...
