Chapter 47

2.2K 70 10
                                        

Chapter 47

Masaya ako dahil nagkaayos na kami ni Zean. Pagkatapos ng gabing iyon, parang bumalik kami sa dati. Ipinaliwanag niya kay Mama kung bakit niya nagawa ang lahat ng iyon, at ngayon mas naiintindihan ko na siya. Lahat pala ng ginawa niya ay para lang mailayo ako sa kapahamakan-para hindi ako masaktan.

Pero minsan, naiirita pa rin ako kapag naiisip ko... ayaw niya akong masaktan ni Scarleth physically, pero siya mismo ang nakakasakit sa akin emotionally.

Paglabas ko, nakita ko si Zean na nakasandal sa kotse niya, may isang kamay sa bulsa. Grabe... ang gwapo talaga ng lalaking 'to. Kinilig ako sa paraan ng pagtitig niya habang papalapit ako.

Nakangiti akong lumapit sa kanya.
"Zean, kanina ka pa ba naghihintay?"

Umayos siya ng tayo at ngumiti.
"Actually, diyan ako magaling, Jea."

Napakunot-noo ako.
Bakit parang may double meaning ang sinabi niya?

"Sana nag-text ka man lang o tumawag para alam kong naghihintay ka. Tapos hindi ka pa umuuwi doon," sabi ko, kunwaring nagtatampo at tinuro ang bahay nila.

Dalawang araw na ang nakalipas. Simula nang magkaayos kami, hindi pa siya bumabalik sa bahay nila. Hindi rin niya sinasabi sa akin kung bakit.

"Bakit? Namimiss mo ba?" tanong niya.

"Medyo," sagot ko sabay tawa..

"Come here..." He gently but firmly held my hand.
"Later, I'll head home. That grumpy old man keeps nagging me to go back... Come on?"

"Saan?" Nakakunot noo kong sabi.

"Let's go on a date," he said, pulling my hand gently as I climbed into his car.

Ito ang unang pagkakataon na niyayaya niya akong makipag-date. Nagtaka ako... saan kaya niya ako dadalhin?

The car ride was quiet. His hand held mine as he drove, and every so often, he would glance at me, making me smile without even realizing it.

Napansin kong patungo kami sa isa sa kanilang private resort. Biglang kumabog ang dibdib ko. Last time na pumunta ako rito, hinanap ko ang hairclip ko... at doon ko rin nakuha ang first kiss ko. Biglang uminit ang mukha ko sa alaala.
Inalalayan niya ako makasakay sa yate.

Umupo kami sa bow. Para sa akin, ito ang perpektong lugar para sa deep talks. Dito rin maganda ang tanawin ng sunset at dagat. Romantic na romantic.

Nagulat ako sa pagyakap niya sakin mula sa likod.

"I will not let that damn wedding between me and Scarleth happen," he said firmly, his voice full of determination and anger.

"Even if Grandpa gets mad at me or I lose my inheritance, I don't care. You're the only one I'll marry," he said, honest and wholehearted.

I could feel the weight of his words... and along with it, his courage to fight for what's right-and for his love for me.

"No matter what Grandpa does, I hope you promise me you'll stay by my side," he said, his voice heavy with sadness.

Humigpit pa ang yakap niya sa bewang ko. Nilapit niya ang mukha sa leeg ko at dahan-dahang inamoy ito, para bang humihingi ng kapanatagan sa presensya ko.

"Shit, I miss you scent.." bulong niya.

"Zean, bakit sa akin ka nagkagusto?" bigla kong tanong. "Ang dami namang mas higit pa sa akin. Mas maganda, mas sexy... kaya bakit ako?"

"Dahil hindi sila si Jea," sagot niya, matatag at tapat.

"I never planned to fall in love with you. But my heart chose you on its own. And for that, I'm grateful. Thank you."

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon