Chapter 48
Nagising ako sa sikat ng araw na sumisilip mula sa bintana. Hirap na hirap akong imulat ang mata ko. Tapos, nakita ko ang isang gwapong nilalang na nakatayo sa harap ko. Nakangiti siya. Ang ganda ng simula ng umaga ko—walang iba kundi ang boyfriend ko.
Kinikilig pa rin ako sa isipin na siya talaga ay boyfriend ko.
Unti-unti siyang lumapit sa mukha ko. Teka… hahalikan ba niya ako?
Mabilis kong hinarang ang kamay ko sa bibig ko.
“Tumigil ka! Anong ginagawa mo? Hindi pa ako nagtotoothbrush!”
“Masama bang bigyan ko ng good morning kiss ang girlfriend ko?” sagot niya na may ngiting mapang-akit.
Pumatong siya sa itaas ko. Dahan-dahan niyang hinaplos ang mukha ko, ang ilong ko, tapos ang mga labi ko. He looked at me seductively first, then kissed me passionately.
Napabalikwas ako at bumagsak sa sahig.
Aray, ang sakit! Nanaginip lang ba ako? Bakit parang totoo?
Bumalik ulit ako sa taas ng kama, tumalukbong at pilit inaalis sa isip ko ang panaginip na iyon.
“At talagang bumalik ka pa sa pagtulog ah! Hoy babae, gumigising ka na! Malalate na tayo sa school!”
Kilala ko ang boses na iyon… nandito ba siya sa kwarto ko?
Tinanggal ko ang kumot sa mukha ko at humarap sa kaliwang side ng kama. Sobrang bagal ng pagbukas ko ng mata… tapos nakita ko si Zean. Nakahiga siya sa tabi ko, nakatingin sa akin, at may napakalapad na ngiti sa mukha. Ang aliwalas ng mukha niya. Gosh… am I dreaming again?
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at kinurot ko ang pisngi niya.
“AHHH!!” malakas ang sigaw niya.
Napa-upo ako.
“Totoo siya! Hindi panagi—AAHHH!”
Bigla niyang kinurot ng malakas ang pisngi ko.
“HOW DARE YOU PINCH MY CHEEKS!”
“Aray! Bitawan mo ang pisngi ko, ang sakit na!” pagrereklamo ko, hinahampas ang kamay niya.
“Inaamin mong talo ka na?” nakangisi niyang tanong.
“Oo na, talo na ako… kaya please, bitawan mo na!”
Binitawan niya ang pisngi ko at ramdam ko ang pamumula nito. Tatayo na sana ako para maligo, bigla niyang hinawakan ang kamay ko at sabay humiga. Hawak kamay sa kama… kilig na kilig ako!
“I’ll go out later. I just want to hold your hand for a little while,” he said, then kissed the cheek he had pinched. “Does it hurt?”
Umiling lang ako. Medyo OA lang kasi ako minsan, kaya ganoon ang naging reaksyon ko—nagpapabebe lang.
Nanatili kaming ganon nang ilang minuto, nakahiga, nakatingin sa kisame, at tahimik.
“Go take a shower, baby..” Mahina niyang sabi at hinalikan ang lips ko.
Lumabas na siya ng kwarto samantalang ako naiwang nakatulala at kinagat ang kumot sa sobrang kilig. Wala sa sarili na napahawak ako sa labi ko na hinalikan niya.
“Parang tanga, ang hilig niya talagang manghalik kapag hindi pa ako nagtotoothbrush.” kinikilig ako habang kausap ko ang sarili ko.
I shook my head. Bago pa ako tuluyang mabaliw sa kilig, naligo agad ako, nagbihis, at bumaba. Nakahanda na ang almusal. Naka-upo na rin si Zean at kumakain, pero nang makita niya ako, tinignan niya ako at parang na-iinis.
BINABASA MO ANG
Perfect in Bad BOOK 1
RomanceAng mahalin siya ay wala sa plano ko. He's chaos and dangerous. Katulad siya ng kidlat na hindi dapat hawakan. And yet... Sa bawat ngiti, sa bawat tingin at sa bawat haplos niya para akong hinihila papalapit sa kanya. Ang Love dapat hindi mapanganib...
