Chapter 34

2.7K 82 13
                                        

Chapter 34

Jea's POV

Naglakad lakad kami habang magkahawak kamay. Napapapikit ako paminsan-misan dahil sa lamig ng hangin na tumatama sa balat ko. Sa sobrang tahimik ng paligid pero ang puso ang lakas ng tibok.

"Next month na ang birthday mo, what do you want for your birthday?" He suddenly stopped walking and turned to face me, his eyes locking onto mine.

Nagpanguso ako at kunwaring nag-isip. Ngumiti ako sa kanya. "Ikaw lang, sapat na."

Nakita ko siyang napakagat sa labi na para bang pinipigil ang kilig na naramdaman niya.

Ang cute niya.

"Kinilig ka ba, Zean?" panunukso ko sa kanya habang tinitignan ang reaksyon niya.

Kung ngayon ko lang siya nakilala, iisipin kong isa siyang malambing at mabait na tao dahil sa kalmado at soft na side na ipinapakita niya sa'kin ngayon. Pero hindi gano'n ang pagkakilala ko kay Zean.

Kilala ko siya bilang masama ang ugali, sa dark aura niya, mainitin ang ulo, at hindi basta-basta nagpapakita ng emosyon.

Kaya para sa'kin, napakalaking bagay na nakikita ko siyang ngumiti nang gano'n. Na napapasaya ko siya sa simpleng salita. At sa totoo lang...
Mas kinikilig ako sa ideyang ako ang dahilan ng ngiti niyang 'yon.

"No!" mariin niyang pagde-deny, pero kitang-kita ko ang walang tigil niyang ngiti. "Asa ka, ako kikiligin tss!"

"I love you." Nag-tiptoe ako at marahang hinalikan siya sa labi.

Halatang nagulat siya. Ilang beses siyang kumurap, parang hindi agad naproseso ng isip niya ang ginawa ko.

"Ang cute mo, mahal ko," natatawa kong bulong.

"Fuck Jea," mahina niyang mura sabay bitaw sa kamay ko at tinalikuran ako. "Stop it! You're making me look gay!"

Lalong lumapad ang ngiti ko. Natawa ako sa reaksyon niya. Halatang tinamaan siya at alam kong kinilig siya sa ginawa ko.

Niyakap ko siya mula sa likod at Sinilip ko siya, ngumiti at marahan siyang hinarap sakin. Kahit madilim kitang kita ko ang pamumula ng mukha at tenga niya.

"Yung aso ko.. nagbablush, kinikilig." Natatawa ako habang pinisil ang tenga niya.

This time ngumisi siya na para bang may kalokohan naiisip.

Hinila niya ako palapit sa kanya. Napasinghap ako nang bumangga ang mukha ko sa dibdib niya. Muntik na akong mawalan ng balanse kung hindi niya agad hinawakan ang bewang ko.

"My body." Biglang tumibok ng malakas ang puso ko sa narinig.

"Huh?" napakunot ang noo ko, naguguluhan.

"I'm giving it to you, It's all yours," he said, his voice low and teasing, making my heart race.

"Zean! Kadiri ka! Tumigil ka nga!"

Napatakip ako ng mukha, ramdam ko ang init na kumakalat sa buong pisngi ko. Narinig ko siyang tumawa ng malakas. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang noo ko. Sana hindi na matapos ‘to.

***
Pagpasok namin sa school, halos lahat ng mata nakatingin sa akin. Napakibit-balikat lang ako wala naman itong bago sa ginagawa nilang pagtingin sa akin.

“Quit staring her! Gusto niyo bang mamatay lahat?!” sigaw ni Zean, nagulat ako, at hinawakan niya ang kamay ko.

“Jea!” Nakita kong humahangos na lumapit si Queency at Dorine. Kasunod nila sina Nikolo, Tyrone, Smoke, King, at Matthew.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon