Chapter 42

2.3K 75 0
                                        

Chapter 42

Maaga akong sinundo ni Matthew sa bahay. Tumawag siya sakin kanina na siya daw ang maghahatid sakin sa school.

Apat na araw na siyang hindi umuuwi sa kanila, at hindi ko maiwasang mag-alala. Pero ang sabi ni Tito Greg, nasa condo daw si Zean.

Gulong-gulo ako. Ang puso ko parang sasabog sa lungkot at pangungulila na halos hindi ko maintindihan.

Sinusubukan kong tawagan siya, pero nakapatay ang cellphone niya. Para bang ayaw niya na makausap ko siya. Kaya heto ako, naiwan lang ako sa gitna ng kawalan, nagtataka at naguguluhan kung ano bang nagawa ko.

“Hey, are you okay?” Hinawakan ni Matthew ang kamay ko. Nilingon niya ako saglit at bumalik sa daan ang tingin. “Sure ka bang kaya mo nang pumasok?”

Tumango ako at ngumiti. “Oo naman..”

Kahit ilang beses ko na tinanong si Matthew tungol kay Zean pero wala itong maisagot.

Pagdating namin sa school. Saktong pagbaba namin ng kotse sabay din bumaba sa puting kotse si Scarleth at Zean. Nakahawak si Scarleth sa braso niya at hinahayaan lang ito ni Zean.

Wait...

Bakit sila magkasama?
Ano bang nangyayari?

Bakit parang hindi ako makahinga? Bakit parang may tumutusok sa loob ng dibdib ko?

Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko nang tumingin si Zean sakin. Walang reaksyon. Walang ngiti. Tanging malamig at blanko ang mukha niya.

Ano yun?

Hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko. Naramdaman ko ang kamay ni Matthew sa likod ng ulo ko bigla akong niyakap at inikot sa kabilang side para hindi ko makita ang dalawa. Bago pa ako tuluyang mawalan ng lakas tumakbo ako palayo. Narinig ko ang pagtawag ni Matthew sakin pero hindi ko siya pinansin.

Gusto kong makalayo dito..

Pumunta ako sa exit building ng school at doon umiyak nang umiyak.

Marahan kong sinusuntok ang dibdib ko dahil hindi ako makahinga.

“Jea, tama na..” mabilis na nasalo ni Matthew ang kamay ko para sana isuntok ko ulit sa dibdib ko.

Sinundan niya pala ako. Lumuhod siya at niyakap ako.

“Tama na please.. Ayokong nakikita kang nasasaktan.. Mas masakit sakin yon.” mahinang sabi niya habang hinahaplos ang ulo ko.

“Bakit siya ganoon, Matthew? Hindi ko siya maintindihan,” humihikbi kong tanong habang tinitingnan siya.

“Gusto ko siyang lapitan… gusto ko siyang kamustahin sa mga sugat na natamo niya… Gusto kong itanong sa kanya kung bakit niya ako iniwan noong araw na iyon, at bakit hindi niya ako dinalaw sa hospital. Pero bakit siya ganoon?” Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang luha ko, parang hindi ko na mapigilan ang sama ng loob ko.

“Sssh.. Wala akong maisasagot sa lahat ng yan Jea.. Please tama na..”

Ilang minuto akong umiyak sa dibdib niya hanggang sa mapagod ako. Pinunasan ko ang luha ko at tumayo. Pilit akong ngumiti kay Matthew.

“Tara na, pumasok na tayo..”

Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko. “Sige..”

Habang naglalakad kami sa Hallway. Kapag minamalas ka naman talaga nakasalubong ko silang dalawa. Paano ko ba haharapin ang dalawang ’to?

Pinisil ni Matthew ang kamay ko para bang sinasabi niyang nandiyan lang siya sa tabi ko.

“Hi Jea, how are you? Does it still hurt?” she said, her voice dripping with sarcasm, her hand draped over Zean’s arm. It was as if she was saying she had won.

Zean just stared at me, like he didn’t even know me.

Wala ba siyang sasabihin sakin? Bakit ganyan niya ako tignan?

“Let’s go,” he said firmly, pulling Scarleth along.

“Bye, dear!” Scarleth waved at me and blew a flying kiss, clearly teasing me.

Napairap ako.

“Pigilan mo ako, Jea. Sasampalin ko ’yon.” Nag-aakma si Matthew na sugurin si Scarleth.

Natatawa ko siyang pinigilan.

“Hayaan mo na siya. Mukhang may sayad ata sa utak ang babaeng ’yon.”

Sabay pa kaming tumawa nang malakas. Parang saglit na nawala ang bigat sa dibdib ko.

Ngumiti siya sa akin at marahang pinisil ang pisngi ko.

“Ganyan nga, Jea… ngumiti ka lang.”

Hindi ko alam kung bakit, pero sa simpleng pagpisil niya sa pisngi ko, parang may kung anong kumalma sa loob ko. Parang sinasabi niyang nandito lang ako.

“Aray ko! Masakit pa mukha ko.. Bitaw na!” nakanguso ako habang mahinang pinapalo ang braso ni Matthew.

Tinawanan niya lang ako at hinatid niya ako sa classroom. Nadatnan ko si Queency at Dorine nakaupo at parang hinihintay nila ang pagdating ko. I saw the worry written all over their faces, and I forced a smile—trying to hide the storm quietly raging inside me.

Mabuti at wala pa ang professor namin. Lumapit ako at umupo sa tabi nilang dalawa.

“Kayo ah! Nagka-boyfriend lang kayo, hindi niyo na ako sinusundo sa bahay!” reklamo ko, pilit pinapasigla ang sarili ko.

“Susunduin ka nga sana namin, kaso tinawagan kami ni Matthew. Sabi niya siya na lang daw ang susundo sa ’yo,” paliwanag ni Dorine.

“Saka… Jea…” marahang sabi ni Queency bago ako niyakap. “Kung gusto mong umiyak, nandito lang kami. Hindi mo kailangang itago sa amin ang nararamdaman mo.”

Shit. Guys, stop it. Ayoko nang umiyak.

“Huwag kang mag-feeling Wonder Woman, kasi hindi ikaw ’yon.” Natatawang nakiyakap din si Dorine.

“Para kayong mga tanga. Sino bang nagsabing hindi ako okay?” Kumalas ako sa yakap nila at pilit na ngumiti. “Okay ako… Kaya ko ’to!”

Tahimik silang tumingin sa akin.
At sa mga titig nilang ’yon, mas lalo kong naramdaman kung gaano ako hindi okay. Pero hindi ako pwedeng bumagsak. Hindi ngayon. Ayoko na, pagod na ako.

“Mabuti pa mag-beach tayo bukas, dahil libre ni Andrie…” Nagulat ako sa sinabi ni Queency.

“Nakauwi na siya? Bakit hindi siya tumawag sa akin? Walang sinabi si Mama.”

“Tinawagan ka daw niya, kaya lang hindi ka raw niya makontact. Sabi niya, ipaalam ko na lang daw sa ’yo,” dagdag pa ni Queency.

“Saan siya ngayon?” tanong ko, bahagyang nanginginig ang boses ko sa kaba.

“Nasa dating bahay niyo,” sagot ni Dorine.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung excited ba ako o kinakabahan.

“Nakikiusap ako sa inyo… wag kayong magkwekwento ng kahit ano sa kanya, please,” pakiusap ko sa dalawa, pero nagkibit-balikat lang sila.

Sana wala siyang malaman kahit ano. Ang daldal pa naman non baka magsumbong kay papa.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon