Chapter 20

3.8K 110 11
                                        

Chapter 20

Jea's POV

Break time niyaya ako ni Matthew sa park. Hindi ko rin alam kung bakit dito niya naisipan akong dalhin. Akala ko magiging awkward ang sitwasyon naming dalawa, pero hindi pala. Masaya ako dahil pakiramdam ko mas naging komportable kami sa isa’t isa matapos ang lahat ng nangyari. At ramdam ko ring ganoon din siya.

“Ito oh, ice cream.” Inabot niya sa’kin ang binili niyang dirty ice cream kay manong.
“Salamat.” Ngumiti ako at tinanggap ang ice cream mula sa kamay niya.

Tumabi siya sa’kin at malambing na tumingin sa mga mata ko. “Ang saya ng ganito, no? Parang mas gumaan…”

Alam ko kung ano ang tinutukoy niya.

“Oo nga eh…” umiwas ako ng tingin at tumingin sa ibang direksyon. “Wow! Ang sarap ng ice cream!” sabay dilaan ko rito. Bigla akong nailang sa atmosphere naming dalawa.

“Si kuya…” mahina niyang sabi, malayo ang tingin.

Natigilan ako sa pagdila sa ice cream at napalingon sa kanya. Kita ko ang lungkot sa mukha niya.

“Iniwan sila ni Mommy dahil sa’kin, kaya sinisisi ako ni kuya.”

“Bakit?” mahina kong tanong.

Huminga siya nang malalim bago magsalita.

“Bago magkakilala si Daddy at Mommy matagal na silang hiwalay ni Tito Greg. Umuuwi lang doon si Mommy para kay kuya.. Gusto kasi ni Mommy na kunin si kuya kaso pinagbantaan siya ng Lolo ni Kuya— na kapag kinuha niya ang kaisa isa niyang apo ipapakulong daw siya. At hindi malabong gawin niya yon, makapangyarihan sila.” Tumingala siya at dahan-dahang dinilaan ang hawak niyang ice cream

“But Mommy still chose to go back for Kuya. When she found out she was pregnant, everything changed. Her visits became fewer, and as Kuya grew older, that distance slowly turned into anger—directed at Mommy.”

Malayang tumulo ang luha niya habang nagkukuwento. Mabilis niya itong pinunasan at pilit na ngumiti. Hinaplos ko ang likod niya. Ramdam ko ang lungkot sa bawat salitang binibitawan niya.

“Before Mommy passed away, she begged me to go see Kuya—even just for a moment—so she could see him. But Kuya was stubborn. He didn’t go.”

“Mabait ba si Tito Greg?” may halong pangamba ang tanong ko. Gusto ko malaman baka hindi rin magtagal ang relasyon nila ni Mama. Ayokong masaktan si mama.

He sadly shook his head and smiled at me. “Don’t worry. Tito Greg is a good man. They separated because my mom couldn’t stand the idea of an arranged marriage.”

Bunga pala ng kasunduan si Zean.

“Madalas sinasabi ni Mommy si kuya ang pinakamagandang nangyari sa kanya dahil sa arrangement na yon.”

Mabilis niyang pinagaan ang sitwasyon napansin niya kasing medyo nag-aalala ako.

“Sana naririnig ni Zean yan." Tugon ko.

“Sana..” Dinilaan niya ang ice cream at napabuntong hininga.

I patted his shoulder. I didn’t know how to comfort him. Kahit ako, nasasaktan para sa kanya. Ang lupet talaga ni Zean—parang pusong bato at di marunong umunawa sa sitwasyon. Hindi ko hinuhusgahan ang feelings niya pero parang sobra yata siya sa galit. Hindi kaya nabrainwash siya?

Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya at ngumiti ng bahagya, malungkot. “Kaya… girlfriend, magpakabait ka kay Kuya.”

Napakunot ako sa noo, naguluhan, pero pilit na ngumiti. “Girlfriend?”

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon