Chapter 49

1.7K 63 3
                                        

Chapter 49

After we finished eating, we went outside, and Zean put a helmet on my head. Napapangiti ako tuwing ginagawa niya sakin yan. Hindi siya pumapalya kapag yung motor niya ang gagamitin namin papuntang school lagi niyang sinisiguro na maayos ang pagkakabit ng helmet sa ulo ko.

“Ayan... Maayos na.. Let's go?” malambing niyang sabi.

Napanguso at napairap ako sa kanya. Sweet lang kapag kaming dalawa. Sumakay na ako at mahigpit na humawak sa bewang niya.

“Jea, nag-aral ka ba? May exam daw tayo sa English Communication,” tanong ni Queency nang makalapit sa amin. Saglit siyang napatingin kay Zean bago bumalik ang tingin sa akin, at nakakalokong ngumiti.

“Ooyy, bati na kayo?” singit ni Dorine, halatang nanunukso. Hindi ko kasi nasabi sa kanila na okay na kami.

Umiwas ako ng tingin. Ramdam ko ang init sa pisngi ko.

“Paano na si Scarleth?” tanong ulit ni Queency kay Zean. Hindi siya sinagot nito—nanatiling seryoso ang mukha. “Hindi ko na siya nakikita dito sa school,”

“Sumuko na siguro.” Dagdag pa ni Dorine.

Bago pa ako makasagot, may tumawag sa pangalan ko.

“Jea!”

Sabay kaming napalingon. Si Andrie, tumatakbo palapit sa amin,

Napansin ko ang biglang pagbabago sa aura ni Zean. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya sa tabi ko. Nang silipin ko siya, sobrang talim ng tingin niya kay Andrie—parang kayang manunog ng tao.

“Fuck! The guy at the beach!” panay ang mura niya sa likod ko.

Mahina ko siyang siniko.

“Bakit ka nandito?” nakakunot noo kong tanong. “Diba, Sabi ko sa’yo Mamaya pa ako pupunta sa bahay.”

“I’m going home.” malungkot niyang sabi. At inabot sakin ang susi ng bahay namin. “Pakisabi nalang kay Tita hindi na ako makakabisita sa kanya..”

Uuwi? Ilang araw palang siya dito uuwi na agad siya?

“Huh? Bakit ka agad uuwi?” tanong ni Queency.

“Oo nga, akala ko ba nandito ka sa birthday ni Jea.. Debut na niya..” dagdag pa ni Dorine na bigla rin nalungkot.

Huminga siya nang malalim bago nagsalita bigla akong kinabahan.

“Aalis ka na agad?” Parang naiiyak na ako. “Diba sabi mo, sabay kayo ni papa babalik sa Canada pagtapos ng birthday ko.. Hindi ba siya uuwi?”

Tuluyan nang bumagsak ang luha ko. Nilapitan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko. Pinunasan niya ang luha ko at niyakap ako.

“Tito needs me..” hinaplos niya ang ulo ko. “Sabi niya, sabihin ko daw sayo na sorry dahil hindi siya makakapunta sa birthday mo dahil may aasikasuhin daw siya.. At sorry ulit daw hindi ka niya matawagan sa susunod pa na araw dahil sobrang busy siya.”

Kaya pala lately hindi na siya tumatawag sakin. Kung hindi siya makakauwi sa birthday ko ito ang unang birthday na wala siya.

“Eh bakit hindi siya mismo ang magsabi sakin yan...”

“Busy nga siya...”

Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at doon ko nakita na maluluha din siya. “May nangyari ba? Bakit pakiramdam ko may tinatago kayo sakin?”

Umiling siya at ngumiti ng pilit. “Wala, wag kang mag isip nang ganyan. Pinapauwi niya lang ako dahil dagsa daw ang customer sa restaurant kailangan yata ang tulong ko.”

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon