Chapter 26

2.4K 89 11
                                        

Chapter 26

Jea's POV

"You guys can manage things here. We're sneaking off for our honeymoon." Tito grinned mischievously at Mama.

"Zean, ikaw na ang bahala sa anak ko. Sana hindi kayo mag-away. Ipagkakatiwala ko siya sayo." Hinawakan ni Mama ang kamay ni Zean at ngumiti.

Oo nga pala lumipat na kami dito sa bahay nila. Dito na kami nakatira ngayon.

"Kung magiging makulit si Jea, pagpasensyahan mo na lang, ha?"

"Don't worry, Tita, She's in good hands." at nginitian niya ako nang nakakaloko.

Good hands? Mas tamang sabihin nasa panganib po ang anak niyo sa kamay ko.

Lumapit si Tito kay Zean at niyakap ito.

"Zean, don't get up to any mischief while I'm gone, okay..." His tone was full of worry as he looked at me. "Don't play too much. Don't cross the line."

Cross the line saan?
Omygosh!

Tapos niyakap ako ni Tito. "Jea, if Zean does something stupid, call me immediately, okay?"

Anong ibig niyang sabihin? May alam na ba siya tungkol sa amin ni Zean?

Hinawakan ni Zean sa damit si Tito at hinila palayo sakin. "You talk too much!"

Nagpaalam na sila at sumakay sa kotse. Sinundan namin sila ng tingin habang papalayo ang sasakyan nila.

"Tara, pasok na tayo. Madilim na." Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahang hinila papasok.

"May alam ba si Tito?"

"Yeah, he knows."

Napabitiw ako sa paghawak niya sa kamay ko. "Ano? Paano kung mag-sumbong siya kay Mama? Tapos magalit siya sa akin? Alam mo namang mali ito diba?" nag-aalalang sabi ko.

"Relax, he won't tell her. At stop saying ‘Mali’ dahil lang sa mahal natin ang isa’t isa. Kahit kailan Jea, hindi naging mali ang mahalin ka.” Ngumiti siya, at para bang may magic ang ngiti niya. Napanatag agad ang puso ko.

"Go take a shower first, then come downstairs after I finish cooking dinner." Hinalikan niya ako sa noo.

Magluluto siya? Marunong siyang magluto? Parang kinikilig naman ako. Paglulutuan ako ng halimaw.

Pagkatapos kong maligo, naamoy ko na yung niluluto niyang Pineapple Butterfly Pork Chops. Paniguradong super sarap niyan.

Ang macho-macho niya talaga sa suot niyang white sando tapos naka-apron pa. Ang mga biceps niya... jusko po, parang ulam na.

Oo nga pala, tatlong araw pa bago umuwi sila Mama. Ibig sabihin- Gosh. Si Zean at ako... kaming dalawa lang sa bahay. Ngayon lang nagsink in sa utak ko yung naisip ko. Kaming dalawa lang ni Zean. Baka matuloy yung hindi dapat matuloy.

Umiling ako at sinampal ko ng mahina ang sarili ko. Ang OA mo, Jea. Hindi niya pa gagawin 'yon sa'yo kapag nag-eighteen ka na daw.

Mababaliw na yata ako sa mga naiisip ko.

"Nandiyan ka na pala. Umupo ka na, matatapos na 'to." Kaswal niyang sabi habang inaayos yung mesa.

Imbis na sundin siya, niyakap ko siya mula sa likod. Ganito ba siya magmahal? Pakiramdam ko ginagawa niya akong prinsesa. Parang hindi na siya ang Zean na kilala ko. Nasaan na ang Dark side niya, nawala na ba?

"Why?" Binitawan niya ang hawak niyang pinggan at hinarap ako.

"Bakit parang hindi ko deserve ang bagong Zean?" naka-pout kong sabi.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon