Chapter 16

2.9K 82 2
                                        

Chapter 16

Jea's POV

“Nasaan na…” sobrang abala ko sa nakalipas na araw hindi ko na pansin nawawala na ang hairclip ko.

Binuhos at kinalat ko sa lapag ang lahat ng laman ng bag ko, umaasang baka nakasingit lang ito sa kung saan. Isa-isang nahulog ang mga gamit—cellphone, wallet, panyo—pero wala pa rin.

Naiiyak na ako.

Nasaan na…

Ang butterfly hair clip na regalo ni Papa noong 16th birthday ko.

Nawawala.

Hindi puwedeng mawala ’yon.
Hindi dahil gamit lang, Hindi dahil mahal yon—kundi dahil si Papa ang nagbigay.

“Hair clip, nasaan ka na?” bulong ko, halos nagmamakaawa. “Magpakita ka na, please…”

Muling kumirot ang dibdib ko habang nakatitig sa sahig na puno ng kalat—pero wala pa rin.

“Jea, bakit?” nag-aalalang tanong ni Queency habang mabilis na lumuhod sa harap ko.

“Nawawala ang hairclip ko!” Maiyak-iyak kong sabi.

Nanlaki ang mata ni Dorine. “What? Isipin mo kung saan mo nilagay—Jea, wait… naalala ko. Suot mo yung hairclip nung time na hinila ka ni Zean.”

Biglang bumalik sa isip ko ang nangyari.
Baka nakuha niya sa buhok ko ang hairclip nung hinila niya ako. Kailangan kong makuha ’yon. Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko, isinukbit ang bag sa likod, at agad na tumayo.

“Tatanungin ko si Zean baka nasa kanya."

“Sige,” sabi ni Queency.

Lumabas ako ng classroom at agad na hinanap si Zean sa tambayan nila. Pero wala siya. Sa halip, si Nikolo at Tyrone ang bumungad sakin—abala sa paglalaro ng video game, parang walang iniisip kundi panalo at talo.

“Tyrone, Nikolo… nasaan si Zean?” tanong ko.
Huminto sila sa paglalaro at sabay na tumingin sa ’kin. Ramdam ko agad ang tinginan nila—’yung alam na nila ang dahilan kahit wala pa akong sinasabi.

“Oyy~ hinahanap niya si Zean. Namiss mo?” tukso ni Tyrone.

“Nasaan siya? I need to talk to him.”

Sandaling katahimikan.

Parang doon lang nila naramdaman na seryoso ako.

“Okay, fine.” Tumayo si Nikolo. “Since atat kang makita siya…”

Hinila niya ako palabas. “Papahatid kita sa driver.”

Hindi ako pumalag.

Kailangan ko lang siyang makita. Kailangan ko siyang tanungin. Kapag wala sa kanya ang hairclip na yon. Iiyak talaga ako.

Pagdating na pagdating ko sa beach resort nila Zean, bumaba agad ako at tumakbo papasok.

Sabi ni Nikolo, nasa yate raw si Zean nag-uunwind.

Grabe talaga ang yaman nila. Kapag nababagot mag-yayate.

Sa kanya ba yan?

Pagdating ko sa may dagat, hindi pa ganoon kalayo ang yate. Nilusong ko ang tubig—sabay akyat. Sakto namang pag-akyat ko bumilis ang andar nito.

Nasaan na siya…

Wala sa loob.

Wala sa unahan.

Hanggang sa makita ko siya sa labas.
Nakatayo siya roon, hawak ang railings, nakatingin sa langit.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon