Chapter 07
Jea's POV
“Ito idagdag mo ‘to..” Binigay niya sa‘kin ang isang libro, “Bayaran mo na sa counter.” Ginulo niya ang buhok ko at binigyan ako ng pera.
Isa isa kong nilapag sa counter ang pinamili niya. Nagulat ako may Harry Potter book? OMG!! Mahilig din ba siya magbasa?
“Mam, 5,500 po lahat.” Sabi nung babae sa counter habang sinisilid ang mga pinamili ko.
“Ito po.” Inabot ko sa kanya ang perang binigay ni Zean kanina. At ang sukli syempre tinago ko. Joke.
Pagkatapos kung magbayad lumabas kami ng NBS at naglibot libot saglit sa mall.
“Mahilig ka palang magbasa ng libro?” I asked. Nilingon ko siya pero hindi siya nakatingin sakin.
“Sometimes.” Ang haba niya sumagot ‘no?
“Favorite mo si Harry Potter?!” Ngumiti ako.
“No.” He muttered.
“Hindi? Eh bakit mo binili?” Akin na lang please.
“Kanina mo pa tinitignan yan kaya binili ko. Mukha kang desperadang tanga eh.” Then mabilis siyang naglakad. I didn‘t hear anything.
Binili niya para sa‘kin? May kabutihan din palang tinatago ang isang Zean Calvin Harris. Binabawi ko na lahat ng pinagsasabi kong masama tungkol sa kanya mabait siya. Akalain mo binili niya ako ng libro for me. May Idadag naman ako sa collection ko.
“Hoooy!!” Hinabol ko siya.
“What?” Iritang tumigil siya at hinarap ako.
“Salamat sa libro.” I give my most sincerly smile. Bukal sa loob ko ang ngitian siya.
“Tch.” Naglakad ulit siya, bago yun nakita ko ang pamumula ng mukha ang tenga niya. He blush! I made him blush.
“Aso, tignan mo—oh,” Tinuro ko ang cute Pink dress sa isang clothing store. Gusto ko itong isukat. Asar na huminto siya at sinundan ang kamay ko.
“Anong meron sa damit na iyan?” He said in bored tone.
“Saglit lang, isusukat ko ang damit wala naman bayad, diba?” Papasok na sana nang hinigit niya ako palabas ng mall at harsly na binitawan ang kamay ko, “Aray! Ano bang problema mo?!”
“Ang ganong damit nababagay lang sa magagandang babae! Bigyan mo naman ng kahihiyan ang designer!”
Sinabi ko bang mabait siya? Joke yun. Ang sama niya. Hindi siya marunong magpahalaga ng feelings ng iba.
I glance at him sharply, “Eh—ano kung hindi bagay sa‘kin, eh sa gusto kong isukat!”
“Panget tignan sayo, magmu-mukha kang pang regalo!”
“Bakit hinihingi ko ba ang opinyon mo?”
“Kesa naman ibang tao ang magsabi sayo. Masasaktan ka lang!” He hit my head.
“Argh! Stop hitting my head! Ouch!” He continue hitting my head but I dodge his hands. Akala mo ah.
“Hard headed Monkey Monster!”
“Devil Monster!”
“Wanna fuckin die?” He growled
“You die first!”
Nagkatinginan kami sa mata. May kuryente ang tingin namin sa isat isa. Kulang nalang magsuper sayan ako sa sobrang inis sa gagong ‘to.
Makalipas ang ilang segundo umiwas siya ng tingin. At naglakad na palabas ng mall.
BINABASA MO ANG
Perfect in Bad BOOK 1
RomanceAng mahalin siya ay wala sa plano ko. He's chaos and dangerous. Katulad siya ng kidlat na hindi dapat hawakan. And yet... Sa bawat ngiti, sa bawat tingin at sa bawat haplos niya para akong hinihila papalapit sa kanya. Ang Love dapat hindi mapanganib...
