Chapter 38

2.3K 76 3
                                        

Chapter 38

“Come on, Ze, eat… just a little, please.” sabi ni Tito Greg habang pilit sinusubuan si Zean ng lugaw na niluto ni Mama kanina.

Pinagmamasdan ko sila mula sa labas ng kwarto. Pilit kong pinipigilan ang tawa ko sa itsura ni Zean—parang diring-diri sa ginagawa ng tatay niya. Paano ba naman kasi, halos i-baby siya ni Tito.

Cute.

Hindi ko maiwasang maalala si Papa.

“Kahit nakakatakot siya, pwede rin pala maging cute ang boyfriend mo, anak,” natatawang bulong ni Mama sa akin sabay marahang siko.

Ngumiti ako at tumango. Sumandal ako sa balikat niya at agad naman niyang hinimas ang braso ko—parang pinaparamdam na masaya siya para sa amin.

“Salamat, Ma… sa inyo ni Tito. Hinayaan n’yo kaming magmahalan.”

Mas humigpit ang yakap niya sa akin.

“Oo naman dito lang kami susuporta sa inyo, anak,” mahina niyang sagot. “Kahit anong mangyari, piliin mong maging masaya, okay?”

Tumango ako bilang pag sang-ayon. Nakita kong umirap si Zean kay Tito. Sinasabi niya sa tingin nito na Lumabas-na-kayo-look.

"Maybe nahihiya siya sa'kin. Sige lalabas muna ako." Pagkasabi nun ni mama lumabas siya ng kwarto.

“Labas na din ak—.”

Pinutol niya ang sasabihin ko nang magsalita siya.

“Stay here. I’m not telling you to leave — I’m talking to this grumpy old man. He’s so annoying!”
His eyebrow was raised in pure irritation.

“What? The moment I heard you were sick, we rushed back just to see you.”

Tito held Zean’s hand gently this time. “I’m sorry, son… for always leaving you on your own. You don’t have to be strong right now. Daddy’s here. Open your mouth.”

Kung titignan mo si Tito ngayon, kitang-kita ang pag-aalala at pagmamahal sa mga mata niya para kay Zean—kahit na palagi siyang inaaway nito. Showy si Tito pagdating sa paglalambing at pagpapakita ng pagmamahal. Pero si Zean, iba. Tahimik siya magmahal—hindi lantad, hindi madaling basahin.

“Let go of my hand… damn it. Why are you acting like this? It’s annoying,” Zean muttered, clearly flustered. “You’re making my fever worse.”

“You’re just embarrassed,” Tito teased softly. “Now open your mouth.”

He shouted in frustration, “Urgh! So annoying! I demand that you stay away from me! And take off that stupid Doraemon apron!”

Tito just shook his head. “No. Eat first. How are you going to get better if you don’t eat?”

Feeling ko dumugo na ang ilong ko sa mag-amang ’to.

Iyon lang ang ginawa niya—pinagmamasdan lang ng masama si Tito.

Lalaking 'to, talaga! Ayaw ba niyang inaalagaan siya ng tatay niya? Kung sa bagay, matanda na rin siya para i-baby.

Lumapit ako at tinapik ang balikat ni Tito. “Uhmm… Tito, ako na lang po ang magpapakain kay kuya.”

Ngumiti ako, sakto na tinitingnan ko si Zean nang matamaan niya ako ng tingin. Halos kainin na ako sa talim ng tingin niya.

Nag-fake smile ako, “He.he… Si Zean po pala..”

Sinubukan ko lang naman kung bagay sa kanya tawagin siyang kuya.. Kaso mukhang ayaw niyang tinatawag siyang kuya. Gustong gusto ko pa naman siyang tawaging kuya.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon