Chapter 60

2K 57 6
                                        

Chapter 60

"I CAN'T MARRY YOU, ZEAN!" sigaw ko nang malakas. Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng simbahan at tila sandaling natigil ang mundo sa mga salitang binitawan ko.

Biglang kumirot ang puso ko nang makita ko ang sakit sa mga mata niya. Para bang may pumiga sa dibdib ko. What the-! It hurts like hell. Parang gusto ko na lang mawala sa sandaling iyon.

"WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM, JEA?! WHY ARE YOU ACTING LIKE THIS?!" pasigaw niyang sabi.

Pagkatapos ay biglang humina ang boses niya. Pinagmasdan ko ang tuloy-tuloy na pagpatak ng luha mula sa mga mata niya, pero parang baliw siyang ngumiti. At lalo akong nasasaktan sa ngiti niyang iyon.

"Why? Why are you doing this to me?" nanginginig niyang tanong.
"Hindi mo ba nagustuhan ang mga paghahanda ko para sa kasal natin? May kulang ba dito? Sabihin mo... gagawan ko ng paraan. Alam ko, hindi ito ang kasal na pinapangarap mo..."

Huminga siya nang mabigat bago muling nagsalita.

"Jea, I promise... once I've made everything right, I'll give you the wedding of your dreams. But for now... please, just bear with this."

Jea, bakit mo ba ginagawa 'to?

Walang kulang mahal ko, Ito na ang pinakamagandang paghahanda sa buong mundo, Zean.

Simple man o engrande ang ginawa mo, matupad mo man o hindi ang dream wedding ko, wala akong pakialam. Ang mahalaga... ikaw ang naghihintay sa akin para dalhin ako sa harap ng altar, at sayo ko sasabihin ang 'I do.' Makasama ka habang buhay-iyon ang pangarap ko,

Bigla kong binitawan ang hawak kong mga bulaklak. Nakatingin lang ako sa kawalan, habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha niya. Shit... gusto ko sanang lumapit at punasan ang luha niya. Ang sakit.

"Maayos? Hindi mo pa maayos ang lahat, Zean, hangga't hindi ka pumapayag sa gusto ng lolo mo. Akala mo ba ganun kadali ayusin ang lahat?" galit kong sabi.

"Trust me... I can fix everything. Just be with me, please..." he cried.

"Marry Scarleth... because that's the only way to make everything right," I whispered.

"Fuck! adik ka ba? bakit ko pakakasalan si Scarleth? siya ba ang Jea ko? siya ba ang monkey monster ko? siya ba ang mahal ko? tangina naman, Jea! bakit mo ako tinutulak sa babaing yun? pinagbantaan ka ba niya? anong ginawa niya kay Tito?! tell me!" malakas niyang sigaw habang umiiyak.

Paano niya nalaman?

Pinunasan ko ang luha ko. Kailangan kong ipakita kay Zean na hindi ako naapektuhan sa mga sinasabi niya. Kailangan kong maging matapang.

Masakit din ito para sa akin, Zean. Gusto kong maging selfish. Gusto kong manatili sa tabi mo... pero kailangan kitang pakawalan. Hindi madaling basta ka na lang ipamigay, kasi akin ka eh. Pero may mas higit na nararapat sa'yo. Mahihirapan lang ang mga taong nasa paligid natin dahil sa pagmamahalan natin.

Ang weird... pero nakangiti ako. Gusto kong ipakita sa kanya na okay lang ako, kahit sa loob-loob ko ay parang namamatay na ako sa sakit.

"Sumama ka na lang sa lolo mo. Ituloy mo ang kasal. Mas makakabuti iyon sa lahat. Wala nang problema-magiging maayos na ang lahat. Mahihirapan lang tayo kapag magkasama tayo. Baka hindi mo kayanin ang buhay may asawa. Ano bang magiging buhay mo kung sa akin ka mapupunta?"

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon