Chapter 05

4.4K 147 24
                                        

Chapter 05

Jea’s POV

Pasaway na puso 'to—ang lakas at ang bilis ng tibok. Kinakabahan ako. Niyaya niya ako maglakad lakad at
Ito ’yung araw na magtatapat ako ng feelings ko para sa kanya.

Sana maging successful.

“M-Matthew?” nanginginig kong tawag sa pangalan niya.

Relax ka lang, Jea. Kaya mo ’to.
This is it.

Ngumiti siya. “Why?”
Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang panginginig ng boses ko.

“Matthew,” sabi ko, halos pabulong,
“gusto kong malaman mo na ikaw ang kauna-unahang lalaking nagustuhan ko.”
Saglit siyang natigilan. “Gusto kita,” tuluyan kong sinabi.

Tahimik. Sobrang tahimik na rinig ko ang sarili kong paghinga. Parang bumagal ang oras. Parang may biglang huminto sa mundo. Nag-iba ang itsura ng mukha niya. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no’n. Nagulat? Naiilang? Naiinis?

“I can’t believe you’ve said that,” sabi niya.
Ang tono ng boses niya—hindi ko magustuhan. Biglang bumigat ang dibdib ko. Nawala ang ngiti ko at napayuko ako.

Ang sakit.

Isang segundo.

Dalawa.

Wala pa ring nagsasalita.

Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Takot ako sa makikita ko.

Tapos bigla siyang tumawa—mahina, parang pigil. Napatingin ako.
Ngumiti siya. Mas maliwanag kaysa kanina. Parang may halong hiya.

“Because,” sabi niya, sabay kamot sa batok, “Ako dapat ang unang magsabi niyan.”

Nanlaki ang mata ko.
“I think,” dagdag niya, umiwas ng tingin saglit, “before you liked me… I already liked you.”

Tahimik ulit.

Pero iba na ang katahimikan ngayon.
Hindi na mabigat—kundi nakakakilig. Nakakabingi. Nakakailang sa magandang paraan. Nagkatinginan kami. Sabay umiwas. Sabay napangiti. Sabay nanahimik ulit. Hindi ko alam kung saan ilalagay ang mga kamay ko. Siya rin—parang hindi mapakali.

“Jea,” tawag niya sa pangalan ko, mas mahina na ngayon, “Girlfriend na ba kita?”

Hindi agad ako sumagot.

Hindi dahil ayaw ko— kundi dahil kailangan ko munang huminga.
Tumango ako. Mabagal. Halos hindi halata.

“Oo,” sabi ko, mahina pero malinaw.
Ngumiti siya ulit. Mas lapit. Mas totoo.
Hindi kami agad gumalaw.

Walang yumakap. Walang humawak.

Tahimik lang kami— pero pareho naming alam na may nagsimula na. At sa katahimikang ’yon, pareho kaming napangiti.

“Jea?”

Lumapit siya sa mukha ko. Palapit nang palapit.  Hahalikan niya ako? I close my eyes. Ito na ‘yun ibibigay ko na sa‘yo ang first kiss ko.

“Jea?”

Lumapit siya sa mukha ko. Palapit nang palapit. Hahalikan niya ba ako?
Pinikit ko ang mga mata ko.
Ito na ’yon. Ibibigay ko na sa’yo ang first kiss ko.

“Jea?”

Konti na lang…

May kumalampag sa desk ko.
Nawasak ang panaginip ko. Ang ganda-ganda na ng eksena—may ilaw, may slow motion, may background music pa—TAPOS BIGLA NA LANG GANITO?!

Sino ba ang WALANG MODO na sumira ng moment?!

Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko.
At imbes na mukha ni Matthew—
Mukha ng striktong Prof namin ang bumungad.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon