Chapter 52
Sa beach resort.
“Zean!” tawag ko habang kinakatok ang pinto ng kwarto niya.
Pagdating namin, dire-diretso siyang pumasok sa kwarto—siguro napagod kanina.
“Come in!” narinig kong sabi niya.
Pumasok ako at nakita siyang nakahiga, nakapikit ang mata, at nakalagay ang isang braso sa noo niya. Lumapit ako at sinalat ang leeg niya.
“May sakit ka ba?” tanong ko.
He opened his eyes and shook his head. “I feel sleepy. Low battery.”
“You want to sleep?” I asked. He just nodded. “Okay, labas muna ako.”
“Come here, I need to recharge…”
Hinila niya ang kamay ko, kaya naupo ako sa kama. Humiga siya sa lap ko at hinawakan ang kamay ko.
“Nakita ko sina Dorine at Tyrone, naka-couple shirt sila. Ang sweet nila,” nakapout kong sabi, parang batang nagsusumbong.
Ngumiti ako at hinahaplos ang buhok niya, “Gusto ko rin mag-suot tayo ng ganun!”
“Ugh, I don’t want to. It’s so cringe.” naiinis niyang sagot.
“Eh ano gusto mo?” tanong ko.
“Manatili ka lang sa tabi ko…” pinisil niya ang kamay ko.
Pinikit niya ulit ang mga mata niya. Sumiksik siya nang mas mahigpit sa tiyan ko. Hinimas-himas ko ang buhok niya hanggang sa makatulog siya.
Grabe, napagod siya sa kunting groceries at isang kahon ng cake.
Dahan-dahan kong inalis ang ulo niya sa lap ko at lumabas ng kwarto para tulungan si Mama magluto.
Nagulat ako nang isasara ko nasa ang pinto—nandoon si Matthew sa likod ko.
“Can I talk to you?” tanong niya.
Tumango lang ako at sinundan siya papunta sa dalampasigan. Ang sarap ng hangin.
“Salamat kasi inimbitahan mo ako sa birthday mo.”
“Sus, syempre naman! Kunting bagay lang eh!” pabiro kong sabi.
Kinuha niya ang isang bagay sa pocket niya. Isang bracelet. Pero hindi basta bracelet lang—isang butterfly bracelet. Bigla akong kinabahan. Kinuha niya ang kamay ko at isinuot ang bracelet.
“Happy Birthday, Jea. Sorry kung ito lang yung regalo ko.” nginitian niya ako.“Nabalitaan ko kasi paborito mo ang butterfly kaya ito ang pinili ko sa jewelry shop.”
“Ano ka ba! Salamat,” sabi ko sabay tapik sa balikat niya. “Saka mahal ito, gold eh.”
“Hindi naman… Siguro mas maganda pa yung gift ni kuya kaysa sakin…”
“Wala siyang gift sakin.” nakasimangot kong sagot.
---
Ang ingay! Pakiramdam ko sasabog na ang tenga ko sa boses nila. Tinakpan ko na gamit ang dalawang kamay pero nakakalusot pa rin yung ingay nila.
Birthday ko nga, ‘di ba? Pero bakit sila mas nag-e-enjoy kaysa sakin? Next time, hindi ko na sila iimbitahin. Sobrang wild nila. Mukha na akong tanga dito sa gilid.
“Babe, kantahin natin ‘to together!” Tuwang-tuwa si Tyrone, at binigay pa niya kay Dorine yung mic. At siyempre, sweet na sweet pa silang dalawa habang kumakanta.
“Cheers!” sabi ni Smoke sabay taas ng bote ng alak.
“Happy birthday, Jea! We love you!” At si Matthew, nag-flying kiss pa sakin.
BINABASA MO ANG
Perfect in Bad BOOK 1
Roman d'amourAng mahalin siya ay wala sa plano ko. He's chaos and dangerous. Katulad siya ng kidlat na hindi dapat hawakan. And yet... Sa bawat ngiti, sa bawat tingin at sa bawat haplos niya para akong hinihila papalapit sa kanya. Ang Love dapat hindi mapanganib...
