Chapter 33
Jea’s POV
3 Months later..
Natapos na ang bakasyon at balik-eskwela na naman. Second year college na kami, habang sina Zean ay nasa fourth year na—graduating na sila ngayong taon.
Ang bilis ng panahon.
Marami na ring nagbago sa loob ng tatlong buwan.
Si Queency at Nikolo? Halatang nagkakamabutihan na. Hindi man nila aminin nang direkta, pero kitang-kita sa paraan ng tinginan nila.
Si Dorine at Tyrone, going strong pa rin. Sila talaga ang definition ng steady lang.
Kami naman ni Zean… gano’n pa rin. Walang nagbago, pero mas tumibay. Mas naging sigurado. Mas naging tahimik ang relasyon—hindi na kailangang ipagsigawan pa.
Unti-unti na ring nagiging close sina Zean at Matthew. Hindi man agad naging madali ang samahan nila, pero kita ang effort sa isa’t isa. At para sa akin, malaking bagay iyon.
Si Scarleth naman, nasa ibang bansa pa rin daw at nagbabakasyon. At sa totoo lang… sana huwag na siyang bumalik.
Ang tahimik kasi kapag wala siya. Walang biglaang eksena. Walang tensyon. Simula nung nangyari sa basketball court, hindi na niya kami ginulo.
Pero minsan, mas nakakatakot ang sobrang katahimikan.
Parang bagyo bago tumama— walang ulan, mahinang hangin pero ramdam mong may paparating.
Hindi ko maiwasang kabahan.
Paano kung pagbalik niya, may dala siyang mas malaking pasabog? At kapag nangyari ‘yon… handa ba kami?
“I know I’m f*cking handsome. Don’t bother opening your mouth, baby.” he said casually, lifting one brow with effortless confidence.
May bahid ng kayabangan ang tono ng boses niya, pero may pilyong ngiti sa gilid ng labi niya na halatang nang-aasar lang
I snapped back to reality.
Grabe. Nakanganga na pala ako.
Ganito ba talaga siya kagwapo para mapatanga ako nang ganito?
Mabilis kong isinara ang bibig ko at inayos ang mukha ko, kunwari walang nangyari.
Magsasalita na sana ako nang biglang nagsitayuan sina Tyrone at pumalakpak.
“Nasaan ‘yung camera? Kunan mo sila ng picture, dali!” sigaw ni Smoke habang pinapahalungkat kay King ang bag nito.
Kinuha ni King ang camera at agad kaming kinunan ni Zean. Sinenyasan niya ako na ngumiti, kaya ngumiti ako, may peace sign pa.
Si Zean? Nakasimangot. Panay irap. Hindi marunong makisama. Nasaan ba kami ngayon? Nandito kami sa Bar ni Nikolo. Nagtataka nga ako eh, pumayag siyang sumama ako.
“Whoa! Presenting the ZeJe love team!” malakas na sabi ni Tyrone. “Swak na swak kayo tignan, dude! Hindi ko sukat akalain may igagwapo ka pa pala. Astig mo kapag maiksi buhok mo. Pakiss nga—”
Lumapit siya kay Zean at inakbayan ito, aakmang hahalikan siya sa pisngi—Biglang sinipa ni Zean ang binti niya.
“FUCK!” sigaw ni Tyrone habang patalon-talon.
Pinagtawanan naman siya nina Smoke at King.
“Nakakadami ka na sa’kin ah! Isa na lang, bibingo ka na!” banta ni Zean.
Napakurap ako.
So… ibig sabihin… nagbo-bromance sila? Kadiri.
Sino ba sa kanilang dalawa? Sino?!
Tumakbo si Tyrone kay Dorine at sumiksik sa gilid. “Babe, sinipa niya ako!” reklamo niya, halatang nagtatampo.
“Ikaw naman kasi ang kulit mo,” pabirong sabi ni Dorine habang hinahampas ang braso niya.
Bigla akong nilingon ni Zean.
“Let’s go.”
“Aalis na agad kayo? Maaga pa,” tanong ni Nikolo habang umiinom ng alak, halatang nagugulat.
“Jea, dito ka muna mamaya kayo umuwi,” sabi ni Queency habang tinitingnan ang relo niya. “10 pm palang oh!”
“Exactly 10 pm na. She needs to rest,” tugon ni Zean, panay tingin sa akin.
“Ay, ang daya niyo!” reklamo niya, halatang hindi makatarungan para sa kanya ang sinabi ni Zean.
“Sige una na kami, baka hinahanap na ako ni Mama.” pagpapaalam ko.
“Syanga pala Jea, birthday mo na sa susunod na buwan. Saan tayo?” tanong ni Queency.
Oo nga pala muntik ko na makalimutan sa susunod na buwan na pala ang birthday ko.
“Hindi ko pa alam, bahala na si Papa.”
“Uuwi si Tito?” Tanong Dorine.
Tumango lang ako. “Syempre uuwi yon birthday ng anak niya eh.. Sige mauuna na kami bye..”
“Ingat kayo sa pag-uwi.”
Hinila niya ako palabas ng bar Narinig ko pang sumigaw si Tyrone na "Enjoy!"
Ano ’yon? Bakit ako mage-enjoy? Saan ba kami pupunta? Idedate niya kaya ako? Sus, Jea, ano ba ’yang mga iniisip mo? Hindi ka niya niyayang mag-date, kaya puwedeng huwag kang asumera?
“Saan tayo pupunta?” tanong ko.
“Uuwi na. Saan pa ba?” sinuot niya sakin ang helmet.
“Pwede bang tawagan mo ang driver niyo at dalhin dito ang kotse mo?”
“Tara na ang dami mong arte.” naiinis niyang sabi habang inalalayan akong makasakay.
Ang sama talaga ng ugali.
Nakasimangot ako habang niyakap siya sa bewang. Bakit ba kasi ang hilig sa motor nakakinis! Mas komportable pa rin kayang sumakay sa kotse.
“Humawak ka nang mabuti.”
“Opo.” mahina sagot ko.
Umandar na ang motor. Mabilis ang pagpapatakbo niya kaya malakas na hangin ang humahampas sa mukha ko habang nagmamaneho siya yung isang kamay niya nakahawak lang sa hita ko.
Ilang minuto pa ang lumipas nang bigla siyang huminto sa isang ecopark. Napakunot ang noo ko.
Huminto siya at bumaba kami. Dahan-dahan niyang tinanggal ang helmet sa ulo ko.
“Akala ko ba uuwi na tayo? Anong ginagawa natin dito? At saka… parang sirado na yata dito, Zean,” sunod-sunod kong sabi habang nagpapalinga-linga sa paligid.
Tahimik ang buong lugar at tila kami lang ang tao roon.
“I don’t care if it’s already closed. King’s family owns this place,” he said with obvious pride as he wrapped an arm around me. “Come on, let’s head in.”
Tinanggal ko ang kamay niya.
“Eh ano naman kung pamilya niya ang may-ari? Papasok talaga tayo dito? Tignan mo nga, mukhang wala nang tao. Uwi na tayo,” inis kong sabi.
Tatalikod na sana ako pero hinila niya ako pabalik sa kanya.
“I rented this place, alright? There are people inside. Damn it!” He tugged at his hair in frustration. “Why do you have to talk so much? Why so many questions? You’re ruining the moment, you know that?”
I sealed my lips.
Sorry naman. Malay ko bang magmo-moment kami dito? Hindi naman niya sinabi na date pala ’to.
Hindi na ako umimik nang hawakan niya ang kamay ko at marahang hinila papasok.
Pagpasok namin, literal na napahinto ako. Ang ganda sa loob.
Nature ang bumungad samin malalaking puno na mga maliliit na ilaw na nakakabit sa bawat sanga. Para silang mga bituin na kumikislap kislap. Parang naglalakad ako sa ibang mundo.
Tahimik ang paligid. Walang ingay ng sasakyan, walang magulong tao. Tanging mahinang ihip lang ng hangin at kaluskos ng mga dahon ang maririnig.
Cozy. Warm. Safe.
Napatingin ako kay Zean. Hindi ko alam kung napansin niya ang pagkamangha ko, pero bahagya siyang ngumiti.
BINABASA MO ANG
Perfect in Bad BOOK 1
RomanceAng mahalin siya ay wala sa plano ko. He's chaos and dangerous. Katulad siya ng kidlat na hindi dapat hawakan. And yet... Sa bawat ngiti, sa bawat tingin at sa bawat haplos niya para akong hinihila papalapit sa kanya. Ang Love dapat hindi mapanganib...
