Chapter 08

4K 148 20
                                        

Chapter 08

Jea's POV

“Hi girls!”

I know that voice. Tumigil ako sa pag-gupit ng color paper at tinignan siya. Mukha akong tanga sa lapad ng ngiti ko. Naka-varsity jacket siya. Nakangiti siya sa‘kin. Grabe ang amo talaga ng mukha niya. Kinikilig na naman ako. May dala siyang tatlong C2 and sandwich.

“Hi Matthew!” Nakangiting sabi ni Dorine at kumaway pa.

“Hello.”

“Jea si Matthew.” Siniko ako ni Queency sa tagiliran.

Oo nakikita ko, nakatayo siya hindi mo na ako kailangan sikohin. Hindi ako bulag. Asar ka Queency. Baka isipin niya tuwang tuwa ako kasi nandito siya. Pero oo tuwang tuwa ako super!

Tumabi siya sa‘kin. Um-aalingawngaw ang bango ng pabango niya. Ang sarap yakapin.

“Gusto niyo?” Tanong niya sa dalawa tumago sila tapos inabot niya ang C2 and sandwich. He look at me, “Here... Baka nagugutom ka na.”

Hindi busog na ako nakita na kita! Nakapa-thoughful naman niya.

“Salamat.” Inabot ko ang C2 at sandwich.

“Ohmy.. Jea may kailangan pala kaming gawin mauna na kami.” Tumayo si Queency.

“Ingatan mo ang kaibigan namin ah?” Tinapik ni Dorine sa balikat si Matthew.

Nag-nod lang si Mattew tapos nagtakbuhan silang dalawa palabas ng gymnasuim.

Buti at marunong kayo um-exit kung kailan kailangan. Very good. Masusulo ko si my loves. Kinikilig ang kaluluwa ko.

“Sorry weird ng mga kaibigan ko..”

“No, they‘re funny.” He smile.

“Ah talaga? Parang clown ganon?”

“Medyo haha! Project mo?”

“Hindi kay Zean ‘to, pinagawa niya.” Sabi ko habang kinakagat ang sandwich.

Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Parang nainis na parang nalungkot. Nagseselos ba siya? Ayokong mag-assume pero sa expression ng mukha niya parang sinasabi niyang Jea nagseselos ako!"

“Hey, okay ka lang?” Worried kong tanong.

“Yeah, okay lang ako. Sorry..” Napakamot siya sa ulo, “Hmm, Jesha mag-ingat ka kay Zean. He‘s too harsh. Hindi ka dapat sumasama sa kanya. Narinig mo na ba ang tungkol sa kanya?”

Ano daw? Oo.. Medyo harsh si Zean pero hindi siya ang tipong mananakit kahit nag-attempt siyang tadyakan at sampalin ako alam ko hindi niya itutuloy yun. May good side siya. Teka? Nagagalit ba siya kasi kasama ko si Zean. Nagseselos nga siya?

“Matthew?” Iyon ang unang lumabas sa bibig ko wala akong masabi.

“Babe nalang..” He messed my hair while chukling.

Babe? Gusto ko yan!

“Huh?"

“Haha! Sige Matthew nalang.. Biro lang yun.. Ang seryoso mo kasi..”

Si Matthew, parang hindi maalis sa tabi ko—parang protective mode na agad siya.

“Seriously, Jea… Zean can be… um… difficult,” sabi niya, tinitingnan ako sa gilid ng mata.

Difficult?

“I mean, hindi siya yung tipo ng tao na puwede mong samahan nang basta-basta. Alam mo ‘yon, Jesha.”

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon