Final Wave

2.8K 79 14
                                        

*Final wave*

Napaigtad ako nang mag-ring ang cellphone ko. Dali-dali ko itong tiningnan kung sino ang tumawag.

Calling Tito Greg…

Bakit siya tumatawag? Sa loob ng dalawang taon, ngayon lang siya tatawag sa akin.

Kinakabahan akong pinindot ang answer button.

Paano kung galit siya sa akin?

“Hello, Tito.”

[Jea…] umiiyak ba siya?

Ano ‘to? Bakit siya umiiyak? May nangyari bang masama? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

“Tito? Bakit po kayo napatawag? Umiiyak po ba kayo? Teka… may nangyari po ba? Si Mama po ba? Anong nangyari sa kanya?” Nangangatal ang boses ko sa takot.

[Zean… he had an accident. His condition is serious right now, Jea, and we don’t know when he will wake up.]

Nabitawan ko ang cellphone. Bumabagsak ito sa sahig at namatay ang screen.

Na-aksidente? Bakit? Paano? Saan?

Isang minuto akong nanahimik. Biglang nagmanhid ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw.

No way… No! Hindi ito pwede! Hindi siya naaksidente!

Umiyak ako nang umiyak. Bakit malala? Malaki ba ang sugat niya? Matindi ba ang pinsalang tinamo niya?

Hindi pwede… Hindi pwede!

Mahina kong sinusuntok ang dibdib ko, hirap huminga sa bigat ng takot at pangamba.

I tried so hard not to cry… I tried so hard not to think about it… but I failed! It’s killing me!

How am I even going to face him? Do I sit next to him? Do I hold his hand? Shit… Wait for me, Zean… I’m coming to you… please, don’t leave me… I can’t… not yet…

Nagulat ako nang pumasok sa kwarto si Mama, kasunod si Papa at si Andrie. Halos mapaatras ako sa nakita ko.

“Bakit ka nandito?” nanginginig ang boses ko, naguguluhan, at ang kamay ko ay nanginginig habang itinuturo ang direksyon ni Mama.
Ngunit hindi niya ako sinagot.

Niyakap niya ako ng mahigpit, kasabay ang pagbuhos ng luha ko.
Lumapit si Andrie at Papa, at dahan-dahang niyakap din nila ako, parang sinasabi ng kanilang hindi ako nag-iisa sa sakit na nararamdaman ko.

“Shhh… stop crying, anak.” Papa’s gentle voice, accompanied by his hand softly rubbing my head, tried to calm me.

“Sabihin mo… bakit nandito si Mama?” I asked Andrie, my voice trembling.

“I think you should ask Tita Jane,” he replied, cautiously.

“Dahil nandito si Zean, Jea.” Mama’s answer came quickly, almost urgent.

I released her hug and stared at her, trying to make sure she was telling the truth. She just nodded.

Bakit siya nandito sa Canada? Dito siya naaksidente? Bakit dito? Bakit?

“6 months na siyang nandito Jea... Isa siya sa tumulong para bumalik agad sa ayos ang Restaurant ni Tito.” Mahinang sabi ni Andrie.

Napalingon ako kay Andrei at tinignan silang dalawa ni Papa. Bakit pakiramdam ko ako lang yata ang walang alam dito .

“Pa...” umiiyak kong sabi.

“Sorry, baby. Nakiusap siya sa’min not to tell you because he wants to preserve the peace he sees in you.” paliwanag ni Papa.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon