Chapter 35

2.8K 85 7
                                        

Chapter 35

Ilang segundo ang lumipas na tila ba tumigil ang mundo ko. Unti-unti kong naramdaman ang kamay niya na marahang dumampi sa pisngi ko.

Nakahawak siya sa mukha ko, ang mga daliri niya nanginginig. Hindi na galit ang nakikita ko sa mga mata niya. Ibang emosyon na iyon, halo ng gulat, pagsisisi... at takot.

“Jea...” mahina niyang sambit, parang ngayon lang niya narealize kung ano ang muntik na mangyari.

“Bakit mo laging ginagawa ’yan? Bakit lagi mo akong pinipigilan?” napapikit siya sa inis, mariing hinaplos ang mukha ko at pinupunasan ang luha ko.

“What if I lose control? What if I end up hurting you?” His voice trembled, no longer filled with just anger but laced with fear. “Do you think I could ever forgive myself?”

“Ayokong ako ang nagiging dahilan ng galit mo para tuluyan kang mawala sa sarili mo. ” Bulong ko habang humihikbi.

“Kaya kong sirain lahat.. lahat Jea para sayo..”

Humigpit ang hawak niya sa pisngi ko, pero hindi iyon masakit parang takot lang na baka mawala ako. “Please…” halos pabulong na iyon. “I’m begging you. Don’t ever do that again.”

Napatingin ako sa kanya. Ngayon ko lang nakita ang ganitong klaseng takot sa mga mata niya hindi takot para sa sarili niya… kundi para sa akin.

“This is unbelievable! Let’s see if you can still protect her.” tumalikod si Scarleth at naglakad palayo sa amin.

Iniwan niya kami sa isang nakakakabinging katahimikan, at ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binitawan niya bago siya tuluyang umalis.

“Jea okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Queency nang makalapit sa amin. Agad naman akong binitiwan ni Zean at umatras ng kunti.

“Ikaw sa susunod huwag mo nang gagawin yon, pasaway ka!” hahampasin na sana ako ni Dorine sa balikat pero nasalo agad ni Zean ang kamay niya.

“Don’t.” matigas na sabi ni Zean. Kinilig ako.

“Sorry, Zean..” pilit na ngiti ni Dorine sabay hawak sa kamay ni Tyrone na parang naghahanap ng kakampi.

“Ayan kasi.” natatawa si Tyrone habang inakbayan si Dorine.

“Kinabahan ako sa ginawa mo girlfriend..

Lahat kami ay napatingin kay Matthew. Bigla siyang natawa nang marealize ang sinabi niya. Muntik na siyang masuntok ni Zean.

“Sorry, kuya…”

“Possessive na halimaw,” natatawang biro ni Nikolo, sabay tapik sa balikat ni Zean.

“Fuck you, Nikolo,” naiiritang sagot ni Zean.

Nagtawanan kaming lahat, na para bang walang nangyari. Nakatinginan kami ni Zean, at nagpalitan ng ngiti. Hindi ko lubos maisip na minahal ako at pinahahalagahan ako ng isang gaya niya.

“I love you.” mahinang bulong niya.

***

“Jea, una na ako ah? May date pa kasi kami ni Tyrone,” pagbibigay-alam ni Dorine.

“Ako din. Nagtext na si Nikolo, naghihintay na sa baba… Sabay naman kayo ni Zean pauwi, diba?” tanong ni Queency.

Tumango ako.
“Sige, mauna na kayo. Bye!”

Narinig ko na lang ang yabag nila palabas. Naiwan akong nag-isa, nakatingin sa kawalan. Makailang ulit akong napabuntong-hininga. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang ginawa ni Scarleth kanina.

Inayos ko ang mga gamit ko para makauwi na rin. Habang naglalakad palabas, naroon pa rin ang mga tingin at bulungan sa akin. Napayuko ako. Denedma ko na lang sila.

Pagdating ko sa waiting area umupo ako. Ang tagal ni Zean, saan na kaya yon?

Napatingala ako sa langit. Ang kulimlim nito, parang uulan na. Parang nakikisabay sa nararamdaman ko, unti-unting pumapatak ang ulan. Gusto kong pakawalan ang mga luha ko gaya ng sa ulan—para mabawasan kahit konti ang sakit at bigat sa dibdib ko.

“Tumayo ka na diyan! Mukha kang tanga!”

Nang umangat ako ng tingin, naroroon siya—nakasunget ang mukha, basang-basa sa ulan, nakatayo mismo sa harap ko. Inirapan ko siya.

“Kung kotse mo pa yang dala mo, hindi tayo mababasa,” naiirit kong sabi.

“Ang arte mo. Tara na nga! Uuwi na tayo!”

Hinila niya ako para makatayo. Sinuot niya sa akin ang helmet at inalalayan ako upang umangkas sa motor. Mabilis niyang pinatakbo ang motor. Gusto kong ihinto ang oras—nasa ganitong posisyon kami, yakap ko siya habang umuulan.

Hindi dapat ako mag-alala sa pweding gawin ni Scarleth o ng lolo niya.. Dahil alam kong hindi niya ako bibitawan.

Nagulat ako nang huminto kami sa tapat ng condo unit niya. Bigla akong kinabahan.

“B-Bakit tayo n-nandito?” nanginginig kong tanong, bigla akong gininaw.

“Obvious ba?” masunget niyang sagot. Tapos tinawag niya ang isang lalaki para igarahe ang motor sa parking lot.

“Dapat sa bahay tayo dumiretso!” sabi ko.

Ano ba ang pumapasok sa utak niya at dito niya ako dinala? Paano kung may gawin siya sakin? Ayoko! Uuwi ako!

“Bakit aangal ka?” hinarap niya ako habang nakataas ang kilay.

“Oo! May angal ako? Ewan! Uuwi na ko, diyan ka na!” Tatalikod na sana ako nang hinawakan niya ang kamay ko.

“How are you going to get home in such heavy rain, huh?”

“Edi mag-aabang ng taxi!” tinalikuran ko ulit siya, pero hinila niya ulit ako.

“Sira ka ba! Eh ang taas ng baha doon oh! Dito na muna tayo matulog! Pumasok na tayo, unless gusto mong magkasakit.” Hindi na ako nakaaangal pa—bigla niya akong hinigit papasok ng condo.

Pagkapasok sa unit, kumuha agad siya ng towel. Lumapit siya sakin at pinunasan ang ulo ko. Napapangiti ako sa ginagawa niya. Ang sweet niya. Hindi niya madalas ipakita sakin pero may iba siyang paraan para iparamdam yon.

“Go take a shower before you catch a cold.”

“Wala akong damit.” naka-pout kong sabi.

“Well then, that’s perfect — we’ll be like Adam and Eve.” He laughed out loud.

Hinubad ko ang sapatos ko at binato sa kanya. Tumama iyon sa paa niya tapos pinandilatan niya ako ng mata. Nginisian ko lang siya bago pumasok sa banyo.

Nagstart na akong maligo. Nagbabad ako ng ilang minuto sa bath tub, nagmumuni-muni, ang sarap sa pakiramdam ng tubig parang pinapawi ang bigat na nararamdaman ko.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon