Chapter 56

2.1K 72 14
                                        

Chapter 56

"Kung yayain kitang pumunta sa ibang bansa at takasan ang lahat ng ito, Jea... sasama ka ba sa'kin?"
Narinig ko ang pag-crack ng boses niya.

Pag-alis namin sa restaurant, dinala ako ni Zean sa condo niya. Nandito kami ngayon sa terrace, nakatayo at nakatingin sa kalangitan. Nakayakap siya sa'kin mula sa likod, parang natatakot na baka mawala ako kapag binitawan niya.

Hindi ako agad sumagot.
Ano ba ang dapat kong sabihin?
Nagdadalawang-isip ako. Nagtatalo ang puso at utak ko.
Sabi ng puso ko, sumama ako. Lumayo kami.

Pero sabi ng utak ko, mali.

Mahal ko si Zean-hindi 'yon magbabago-pero pakiramdam ko, hindi pagtakas ang solusyon.

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya, na parang hinihintay niya ang sagot ko.

"Ayaw mo ba? Natatakot ka ba sa'kin?" mahina niyang tanong.

Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap niya at hinarap siya. Doon ko nakita ang luhang tumutulo sa mga mata niya. Hindi ako sanay makita siyang ganito. Takot at desperado.

Marahan kong pinunasan ang luha niya at ngumiti.

"Kaya mong itapon ang lahat para sa'kin?" naiiyak kong tanong.

Tumango siya agad.

"I don't care about my family's properties or business! I don't need any of it. You're the only one who matters. You're the only one I want, Jea."

"Oo," sagot ko sa wakas, kahit nanginginig ang boses ko. "Diba sabi ko sa'yo? Sasamahan kita kahit saan."

Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Nilapit niya ang mukha niya at hinalikan ako sa noo.

"Kakausapin natin sila. Ipapaalam kita kay Tita."

Tumango ako at niyakap siya nang mahigpit.

Sa mga sandaling 'yon, pinili kong sundin ang puso ko. Pero sa ilalim ng mahigpit niyang yakap may takot akong naramdaman.

Hindi takot sa kanya, kundi takot sa kung ano ang magiging kapalit ng desisyon ng ginawa namin pareho.

Habang yakap niya ako, naririnig ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

Malinaw sa akin na handa niyang harapin ang buong mundo para sa'kin.

Pero ako? Kaya ko ba?

Paano kung hindi sapat ang pagmamahal namin sa isa't isa para talunin ang problema?

Paano kung sa pagtakas namin, mas lalo lang kaming masaktan?

Paano kung isang araw, sisihin ko siya?

Anuman iyon, handa ako sa anumang posibleng mangyari. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makasama siya.

***

Pinisil ni Zean ang kamay ko habang papunta kami ng elevator. Binigyan niya ako ng courage smile.

Nilingon ko siya. Tama ang desisyon ko, diba?

Basta kasama ko siya alam kung magiging okay ang lahat. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. Nakaka-panlambot ng tuhod ang lakas ng tibok ng puso ko. Iniisip ko paano kung hindi pumayag si Mama at Tito Greg?

"Wait. Tumatawag si Daddy sasagutin ko lang. Stay here." Sabi niya nang bumukas ang elevator.

Tumango lang ako at tinanaw ang papalayong si Zean.

Bakit kailangan pa niyang lumayo? Ayaw ba niyang marinig ko ang pag-uusapan nila?

Hinintay ko siya sa gilid ng elevator.

Perfect in Bad BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon