Chapter 27
Jea’s POV
Nandito kami ngayon sa cafeteria, nagmi-merienda. Hindi ako nakapag-almusal kanina dahil maagang tumawag si Queency—pinapapunta niya kami sa school nang mas maaga. Masyado siyang excited, parang may malaking ibubunyag.
“Queency, ano bang meron? Siguraduhin mong maganda ‘yang chismis mo ha, para hindi ako mainis sa’yo,” reklamo ni Dorine habang kumakain.
“I-ready niyo na ang mga sarili niyo dahil very important ang sasabihin ko,” kinikilig na sabi niya.
“Ano ba kasi ‘yon? Para ka nang bulate diyan sa kakakilos mo,” puna ko.
Huminga siya nang malalim at ngumiti nang makahulugan. “Nikolo and I… we’re living in the same house.”
Bigla kaming pinagtinginan ng ibang estudyante, at may ilang sumama ang tingin kay Queency—pero hindi niya ito pinansin.
“Sus, living in the same house lang pala—” Napahinto ako. Halos mabulunan sa realization.
“Ha? Tama ba ang narinig ko? Live-in kayo? Paano nangyari ‘yon? Kailan pa? Binuntis ka ba niya nang hindi mo sinasabi sa amin?!”
Biglang bintukan ni Queency si Dorine. Natawa ako.
“Buntis agad? Alam mo minsan tinatanong ko sa sarili ko kung bakit kita naging kaibigan,” iritang sabi ni Queency.
“Mabuti na lang at hindi sumasagot ang other self mo!” pigil-tawang sagot ni Dorine.
Napailing ako habang tumatawa. “Tama na nga kayo. Baka mag-away pa kayo dito. Paano ba nangyari ‘yung sa inyo ni Nikolo?”
Sabay pa silang nag-“Ew!” nung sa kasal, pero alam naming lahat na si Queency, kunwari lang ‘yon para hindi mahalatang kinikilig.
“Dahil sa mga magulang namin…” seryoso niyang sabi. Napatingin kami sa kanya. “Akalain n’yo, matagal na pala kaming pinagkasundo. Kung iisipin, parang ang stupid kasi new generation na, tapos gasgas na ang ganyang set-up. Pero ito pala ang mag-uugnay sa amin.”
“I’m happy for you. Sa wakas, napasakamay mo na ang taong mahal mo. Congrats, friend,” nakangiting sabi ni Dorine sabay yakap kay Queency.
“Kaso mukhang hindi pa niya ako gusto.”
“Sus, magugustuhan ka din niyan.”
Tumayo ako at niyakap sila pareho. “Edi tatlo na tayong may love life.”
Sabay-sabay kaming nagtawanan.
Natigilan kaming tatlo nang may biglang humawak sa bewang ko. Paglingon ko—si Zean. Blanko ang mukha niya, parang walang pakialam. Ramdam kong nasa amin na ang lahat ng tingin.
Bahagya akong lumayo, pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa bewang ko.
“Hoy, lumayo ka nga. Pinagtitinginan na tayo, oh!”
Hindi siya sumagot.
Napalunok ako. Pakiramdam ko natuyo ang lalamunan ko, parang may nakabara roon. Hindi ko maialis ang tingin ko sa mga mata niyang nakakaakit—lalo na nang ngumiti siya. Iyong ngiting nakakatunaw.
“Bitawan mo na ako! Napakalapit mo,” naiilang kong sabi sabay tulak sa dibdib niya.
“Gusto kitang halikan,” bulong niya sa tenga ko—husky ang boses.
Sa gilid ng mata ko, nakita kong halos magtilian sa kilig sina Queency at Dorine.
Mas lalong uminit ang mukha ko. “Zean! Sumosobra ka na ha! Ilang beses mo na akong nahalikan. Bilang na bilang ko ‘yon. Three times na ata—hindi, teka, parang marami na! Isa na lang, tatamaan ka na sa’kin!”
Mas lalo siyang ngumisi. “You’re counting our sweet kisses, huh?”
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. “Hindi no! Sinisigurado ko lang na hindi ka umaabuso.”
“Abuso?” Bahagya siyang yumuko para magpantay ang mukha namin.
“So… does that mean there’s a limit?” he said with a teasing smile, testing my reaction.
Napaatras ako ng kalahating hakbang—pero hindi pa rin niya inalis ang kamay sa bewang ko.
“Zean…” babala ko, pero mahina.
Ngumiti siya, tila nananadya.
“Relax. I’m not going to kiss you here.” He glanced around for a moment, then lowered his gaze back to me. “Maybe next time… when it’s just the two of us.”
“Okay, pwede mo na siguro akong bitiwan?”
Lumayo siya sakin ng kunti at doon ko nakita may hawak siyang lunchbox. Inabot niya sakin ang dala niya.
“Here. You left so early this morning, and Daddy said you didn’t have breakfast—so he cooked this for you.”
Oo nga pala, nakauwi na sila galing sa honeymoon nila.
Kinuha ko iyon at inilapag sa mesa, saka muli siyang tinignan.
“Salamat. Umalis ka na, nahihiya na ako. Ang sama na ng tingin nila sa’kin.”
Bigla akong napadilat sa sobrang gulat nang sumigaw si Zean.
“Stop staring at us, all of you!”
Bago pa ako makapagsalita, marahan niya akong hinalikan sa noo. Hindi agad ako nakapag-react. Natigilan ako sa sobrang pagkabigla sa ginawa niya.
Tapos napalingon ang lahat ng estudyante sa amin. Hinampas ko siya nang mahina at pinandilatan, pero ngumiti lang siya—parang wala siyang pakialam sa paligid.
“Make sure you watch later, okay? We have a game against the other university. See you… I love you, baby.” at hinalikan niya ulit ako sa noo bago umalis.
Halos mapunit na ang uniform ko sa kakahila ng dalawa sa sobrang kilig .
“Make sure you watch later, okay? We have a game against the other university. See you… I love you, baby.” Ginaya pa ni Queency ang boses ni Zean at sabay akong hinahampas sa braso.
“Ang soft pala ni Zean kapag in love… Iba ka, Jea. Binago mo ang halimaw—kaya sayo ako eh,” panunukso ni Dorine.
Hinawi ko ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko at ngumiti. “Syempre, iba ang karisma ko.”
At nagtawanan kaming tatlo.
BINABASA MO ANG
Perfect in Bad BOOK 1
RomansaAng mahalin siya ay wala sa plano ko. He's chaos and dangerous. Katulad siya ng kidlat na hindi dapat hawakan. And yet... Sa bawat ngiti, sa bawat tingin at sa bawat haplos niya para akong hinihila papalapit sa kanya. Ang Love dapat hindi mapanganib...
