CHAPTER 51

1.9K 236 34
                                    


Kasalukuyan kong tinutuyo ng towel ang buhok ko nang mapansin kong nagvavibrate ang cellphone kong nakapatong sa nightstand. Katatapos ko lang maligo at magreready na sana akong matulog. Tumingin ako sa relo. Pasado alas onse na ng gabi. Dinampot ko ang cellphone at inunlock habang tuloy pa rin sa pagpunas sa buhok ko ng towel gamit ang isang kamay.

Si Tyron. Hindi ko inaasahan iyon. May nangyari ba? Tungkol ba kay Sir Niccolo? Bigla akong kinabahan.

I mean, hindi niya ugaling tumawag sa akin – lalo sa ganitong oras ng gabi. Isa pa, isang linggo mahigit siyang hindi nagparamdam sa akin – mula nang matalo ang huling kasong hinawakan niya. Gustong gusto ko siyang puntahan at kumustahin, nauunahan lang ako ng hiya. Kung kailan naman decided na akong ituloy ang kaso laban kay Riego at sa lalaking nagpanggap bilang si Papa.

"Attorney?"

"Nagising ba kita, Nathan?" Hindi ko alam kung ako lang iyon, o parang malungkot ang boses ni Tyron.

"Hindi." sagot ko. Gamit ang parehong towel na ipinampunas ko sa buhok, pinunasan ko rin ang katawan ko at pagkatapos ay isinampay ko na iyon sa likod ng upuan sa desk ko. "Matutulog pa lang sana ako. Napatawag ka?"

"Oh. OK." sabi niya, mas lalong lumungkot ang boses. "Sige, matulog ka na. Next time na lang siguro."

Nakahinga ako nang maluwag. Ibig sabihin, kung ano man ang pakay ni Tyron, hindi iyon emergency. Umupo ako sa kama at sumandal sa unan. "What's wrong? Tell me. Makikinig ako."

"Wala." sabi niya. "Only this is a crazy night. I can't believe what just happened."

"So what happened?"

"I-I don't know, it's all too confusing, but my step dad came out nowhere, after so many years, at sinabing isasama niya si Terrence sa Japan."

"And?"

"Sumama si Terrence!" Rinig na rinig ko ang frustration at disappointment sa tinig ni Tyron sa kabilang linya. Hinayaan ko siyang magkwento dahil obviously, kaya siya tumawag ay dahil kailangan niya ng kausap. Hindi lang ako makapag-input dahil maliban sa nababanggit lang niya sa akin ang pangalan ng kapatid niya, iisang beses ko pa lang nakita si Terrence kaya hindi ko talaga siya kilala.

At dahil tama ako na kailangan nga ni Tyron ng makakausap, ang dami niyang naikwento sa akin – tungkol sa step father niya, kay JB, sa Mama niya, sa mga kapatid niyang sila Terrence at Timothy, maging ang kliyente niya sa katatapos lang niyang kaso – si Aldrin na ngayon ay nakakulong dahil sa panghahalay sa isang menor de edad na lalaki.

Nabanggit din sa akin ni Tyron na yung lalaking iyon ang naiisip niyang dahilan kung bakit nagpasya ang kapatid niyang si Terrence na magpunta sa Japan. In love si Terrence sa lalaking iyon. Sa madaling salita, tulad niya, tulad ko rin, at ni Sir Niccolo, ganoon din ang kapatid niyang si Terrence.

"Ang inaalala ko lang, hindi safe si Terrence na kasama ang taong iyon." sabi ni Tyron, pangatlong beses na yata. "Masyadong mabait ang kapatid ko. Parang kahit ipis, hindi niya kayang pumatay."

"Well, sa ngayon, wala tayong magagawa kundi ipagdasal ang safety niya." sabi ko, bahagya nang humihikab. Pasado alas dos na. Tatlong oras na pala kaming naguusap.

"Ewan ko ba kasi kung anong pumasok sa utak ng batang 'yon."

"Kung ano man ang plano ng kapatid mo, siya na lang ang nakakaalam." sabi ko. "Let's just hope na kayanin niya at sana alagaan din niya ang sarili niya. Mahirap ang mag-isa, lalo na sa ibang bansa. Malayo ka sa lahat. Kaya lang, minsan talaga, we choose to leave, lalo na kung sobra na and that's the only way out. Gano'n ang nangyari sa akin, when I decided to go to the States, dahil nasaktan ako nang sobra sa ginawa ni Oliver Riego."

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon