Kinabukasan, balik sa normal si Vince.Kung umasta siya ay para bang hindi siya nagsalita ng kung ano ano sa akin nung nagdaang araw.
Pagkakita pa lang niya sa akin sa labas ng gate ay nagumpisa na siyang magkwento tungkol sa mga kalokohan niya, na sa totoo lang, kung noon ay interesado ako, ngayon ay parang wala akong kapaki-pakialam.
"Tang ina talaga P're. Ang lagkit talaga ng mga tinginan niya sa akin. Tapos, panay ang dila niya sa bibig niya. Nakakagigil talaga, P're."
"O, tapos?" sabi ko habang panay ang tanaw sa loob ng school. Kita ko ang mga estudyanteng nakapila at nagflaflag ceremony habang nasa likurang bahagi naman ng quadrangle ang mga teachers. Nakita ko si Sir Niccolo na nakasuot ng navy blue na polo at itim na pantalon. Lalong lumutang ang kaputian niya. Ang tikas tikas pa ng tindig. Sana, naroon din ako sa quadrangle kaysa pinagtyatyagaan ang mga walang kwentang istorya ni Vince. Promise talaga. Hinding hindi na talaga ako magpapalate.
"Ang ginawa ko P're, alam mo kung ano? Tinitigan ko rin siya at dinilaan ko rin ang palibot ng bibig ko. Tapos, pumunta ako sa banyo para umihi. Hindi ko sinara ang pinto. Alam ko, sinundan niya ako ng tingin."
"Paano niyong nagagawa ang mga kahalayan na 'yan? Nasaan ba si Kuya Leo?"
"Umalis nga, kasama si Daddy. Kaya lang, kung kailan init na init na ako at ready na akong aswangin yung asawa niya, bigla naman silang dumating. Tang ina, sayang. Andon na eh. Feeling ko matitikman ko na eh." Pulang pula ang mukha ni Vince. Hindi ko makuhang matuwa sa mga naririnig. Naaasiwa ako na ewan.
Buti na lang at natapos na ang flag ceremony at binuksan na ng guard ang malaki at mataas na gate. Nakipagsiksikan ako sa mga estudyante at pinilit ko talagang maunang makapasok. Gusto kong makasabay ang mga estudyante na galing sa quadrangle sa pagakyat. Higit pa doon, gusto kong makalayo kay Vince.
Nadaanan ko si Sir Niccolo na nakikipagusap kay Mr. Matias, ang principal namin. Bahagyang dumidilim ang suot niyang salamin dahil nasisikatan ng araw. Napakagwapo talaga ni Sir. Parang ang bango bango at ang linis linis kung titignan. Tipong mageenjoy kang yakap-yakapin at halikan nang halikan.
Napansin ko na papalapit si Ma'am Venice sa kanila at may balak pa yatang umepal sa usapan ng dalawa. Maige na rin yun. At least, malelate siya ng akyat sa amin.
Pagdating sa room ay agad akong umupo at inilabas ang AP notebook ko at nagpanggap na nagbabasa basa. Pumasok si Vince na nakasimangot at nakatingin sa akin.
"Bakit ka nangiiwan?" siga niyang tanong. Nakatayo siya sa harapan ko habang nakasabit ang bag sa balikat.
"Anong nangiiwan?" painosente kong tanong. "Akala ko kasunod lang kita. Malay ko ba na ang bagal mo palang maglakad?"
"Tang-ina P're. Ang pangit ng ugali mo."
"Hoy, wag nga kayo ditong mag-away." sabi ng seatmate kong si Cathy at sa kanya napatingin si Vince.
"Wag kang makialam dito. Intindihin mo 'yang tigidig mo, Cathy. Nadagdagan na naman yata. Ano yan, collection mo? Mukhang puputok na yung iba oh. Pag napisa na, paorder ako ha? Isang bote."
Yumuko si Cathy at tinakpan ng panyo ang mukha. Nagtawanan ang mga kaklase kong lalaki, ganun din ang ilan sa harot girls ng Diamond. Tumayo ako at itinulak ko si Vince.
"P're tumigil ka na nga. Pati ba naman babae papatulan mo pa." sabi ko.
"Woooooh!" Sigawan ang mga gago kong kaklase. "Suntukan na lang!"
"Ano na naman yan?" Nagulat ang lahat at nagtakbuhan sa kani-kanilang upuan. Extra pula ang lips ni Ma'am Venice at kahit malayo ang upuan ko sa pinto, amoy na amoy ko ang pabango niya na akala mo ipinangpaligo na. "Nalate lang ako nang kaunti dahil may kailangan akong asikasuhin sa baba, nagkagulo na kayo. Kunin ang modyul. Buksan sa pahina walumpu. Basahin. Tapos, sagutan ang mga tanong sa pahina walumpu't tatlo."
BINABASA MO ANG
I Love You, Sir (Two Roads Part 5)
Teen FictionWhat happens when a young "straight" student suddenly falls in love... ...with his handsome and perfect teacher?