CHAPTER 35

2.2K 255 49
                                    

Note: This is just a short chapter.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sobrang babaw ng naging tulog ko. Maya't maya akong nagigising hanggang sa tuluyan na akong hindi nakatulog. Maaga pa. Wala pa akong naririnig na ingay sa labas maliban sa tunog ng walis tingting ni Aling Fely. Tulog pa ang mga bata na karaniwang naghahabulan at nagkakaingay sa labas.

Bumangon ako at nagtungo sa banyo para umihi. Nang matapos ako ay parang wala sa sariling umupo ako sa may dining table. Ano na, NatNat? Ano nang gagawin mo ngayon?

Hindi ko alam ang sagot. Ni hindi ko nga alam kung paano ako maguumpisa. Bawat lingon ko sa bahay ay naaalala ko si Papa, at ngayon, pati si Sir Niccolo. Narito pa rin sa bahay ang lahat ng gamit na binili niya. Tama ako sa iniisip ko na wala naman siyang balak bawiin lahat ang mga ito.

Naisipan kong magpakulo ng tubig sa electric kettle at pagkatapos ay nagtimpla ako ng kape – kahit hindi naman ako umiinom ng kape at wala akong balak subukan. Humalo sa hangin ang amoy ng mabangong kape.

Kasabay nun, nagbalik ang napakaraming mga alaala na lalo lamang nagdagdag ng lungkot.

Ewan ko ba kung anong ginagawa ko sa sarili ko. Malungkot na nga, lalo ko pang pinalulungkot. Iniwan ko sa lamesa ang mug na umuusok pa sa init ang laman at muli akong bumalik sa kwarto. Umupo ako sa kama at itinakip sa hubad kong katawan ang makapal na kumot.

Napatingin ako sa pader sa tabi ng pinto kung saan ay nakasabit ang painting na ibinigay sa akin ni Sir noong nakaraang Pasko – noong birthday ko. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam kung anong eksakto kong nararamdaman ngayon. Basta ang alam ko lang, para bang deep inside, wala akong kalaman laman.

Hinawakan ko ang cellphone ko. Ilang beses ko nang tinangkang tawagan si Sir pero pinigil ko ang sarili ko. Anong oras kaya ang flight niya? Tutuloy kaya siya? Oo naman. Bakit kailangan kong tanungin ang sarili ko kung tutuloy siya? Pumapag-asa ba ako na hindi na lang, at sa halip ay magsstay na lang siya sa tabi ko at hindi na kami magkakalayo?

Bakit kaya hindi rin nagpaparamdam si Sir? Hindi man lang niya ako sabihan kung nakaalis na ba siya, kung nasa airport na ba, o kung ano nang ginagawa niya.

2 years. Kaya ko ba iyon? Hindi ba ako mababaliw? Samantalang 2 days nga lang kapag weekend, parang pakiramdam ko, sobrang haba na dahil hindi ko siya nakikita. Gustong gusto ko lagi na magMonday na para muli kong masilayan ang ngiti ni Sir Niccolo, marinig ang maganda niyang boses, makausap siya.

2 years pa kaya?

Dahil tahimik pa nga sa labas (bagamat maliwanag na) ay dinig na dinig ko ang motor na dumating at tumigil sa tapat ng bahay. Maya maya pa ay may kumakatok na sa pinto. Hindi kaya...?

Mabilis kong inalis ang kumot na nakabalot sa akin at tumayo ako. Muntik pa akong mauntog sa top bunk. Sa sobrang kasabikan ay hindi ko na nagawang magbihis ng t-shirt. Pumunta ako agad sa sala at binuksan ang pinto.

Si Vince. Siya lang pala. Parang naglahong bigla ang sigla ko.

"P're." sabi ko.

"P're bakit ganyan hitsura mo?" tanong niya, mataas ang pitch. Anong meron? "Anong ginagawa mo?"

"Bakit?" tanong ko. Binuksan ko nang tuluyan ang pinto para makapasok siya dahil napansin kong tumingin sa amin si Mang Conrado, yung matandang lalaki sa katabing bahay. Mukhang naabala namin ang pagsasagot niya ng crossword puzzle sa dyaryong Tiktik na babasahin naman niya mamaya sa CR para magparaos. "Galing ako sa higaan. Anong gusto mo, matulog ako nang nakapolo at naka-necktie?"

Natigilan si Vince na para bang ang sinabi ko ay isang malaking surpresa at hindi siya makapaniwala. "Nathan, seryoso ka ba talaga? Hindi ko ineexpect na dadatnan kita na ganito."

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon