CHAPTER 54

2.2K 243 75
                                    


Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para gawin iyon. Basta nang makita ko ang puting gitara sa kwarto ni JB, para bang may something sa akin na nagsabi na kailangang mahawakan ko iyon – kailangang matugtog ko. Nakailang tawag sa pangalan ko si Tyron pero hindi ko siya pinansin. Nakatuon ako sa objective ko na mahawakan ang gitarang kulay puti.

Ewan ko. Marunong naman akong tumugtog, pero hindi ko talaga hilig ang gitara. Nakailang bili na nga ako ng gitara para kay Cielo (at lately, si Harry, nakigaya na rin. Nagpabili – mamahalin pa ang pinili. Ipinasira lang naman sa mga kaklase. Hindi na siya makakaulit, maliban na lang kung magipon siya ng sarili niyang pera para ipambili ng gitara niya) pero hindi naman ako kahit kailan naattract sa idea na dapat ay may hawak akong gitara at tumutugtog. So ewan ko kung anong nangyari sa akin noong mga oras na iyon. Basta ang alam ko lang, hindi ako papayag na lumagpas ang pagkakataon na mapatugtog ko ang puting gitarang iyon sa kwarto ni JB.

Naging mabilis ang pangyayari. Nakaupo ako sa pasimano ng bintanang pagkalaki-laki (parang kasukat ng isang blackboard sa classroom) at tumutugtog nang bigla akong lapitan ni Tyron. Hinawakan niya ako sa likod ng ulo at hinalikan ang bibig ko!

Hinalikan ako ni Tyron Santillan!

Dahil sa pagkabigla ay halos mahulog ako sa bintana. Muntik ko na ring mabitawan ang gitara.

Sandaling sandali lang iyon dahil agad na parang natauhan si Tyron at humakbang paatras – palayo sa akin.

"I'm sorry. I'm sorry, Nathan." sabi niya. Putlang putla ang gwapo niyang mukha at gumagalaw ang mga mata niya (may mannerism siya na naobserve ko – madalas na steady ang mga mata ni Tyron kaya naman kakaibang makitang gumagalaw ang mga mata niya ngayon). Ano kayang ibig sabihin nun?

Bigla, parang may kung anong bumulong sa akin at bago ko pa mapagisipan, bumaba ako sa pasimano ng bintana, inilapag ko ang gitara sa carpeted na sahig, at lumapit ako kay Tyron.

Ako mismo ang humalik sa kanya.

Sa sobrang pagkabigla ay na-out balance siya at tumumba siya sa kama. Hindi ako nagsayang ng panahon. Agad akong pumaibabaw sa kanya at muli ko na namang inangkin ang mga labi niya. Sa pagkakataong ito, naramdaman kong sinabayan ni Tyron ang halik ko sa kanya. God. Nakakamiss ang pakiramdam na may mahalikan sa ganito kasidhi at nakakadarang na paraan.

"Nathan." pigil hiningang sinabi ni Tyron nang maghiwalay sandali ang mga bibig namin. Hindi ako sumagot. Sa halip ay pinakilos ko ang mga kamay ko sa wavy niyang buhok, at pagkatapos ay dahan dahan kong inalis ang suot niyang salamin.

Nang matanggal ko ang salamin ni Tyron ay umangat siya nang kaunti at hinawakan akong muli sa likod ng ulo at hinalikan niya ako ulit. Aaminin ko. Napakasarap. Isa sa best na halik na natikman ko sa buong buhay ko.

Naramdaman ko na lang na inaangat na ni Tyron ang t-shirt ko. Kusa kong itinaas ang mga kamay ko para tuluyan niya akong mahubaran. Pagkatapos ay sumubsob siya sa leeg ko at halos mangisay ako nang sinimulan niya akong halikan doon.

Itinulak ko siya sa kama at ako naman ang nagtanggal ng long-sleeved shirt niya. Lumantad, for the first time, sa harapan ko ang magandang katawan ni Tyron. Jusko. Sumingaw ang bango ng katawan niya. Lalo lamang akong nahumaling. Agad kong pinuntirya ang dibdib niya at hinalikan iyon (no, sinipsip ko at dinila-dilaan), habang ang isa kong kamay ay malikot na malikot at gumagapang na sa harapan niyang matigas na matigas na sa loob ng suot niyang jeans. Halos mapaliyad ang katawan niya dahil sa ginagawa ko.

Aakyat na sana ang mga halik ko pabalik sa bibig niya nang bigla akong mapatingin sa desk kung saan ko ipinatong ang violin ni Sir Niccolo – deretso sa picture ng singkit na binata sa 8x10 na photo frame. Para bang nang sandaling iyon, nakatingin siya sa akin.

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon