CHAPTER 12

2.4K 236 84
                                    


Ilang araw na rin akong hindi nale-late. Mahirap, oo. Lalo na't mas lumalamig na ang panahon kung kaya mas masarap nang matulog. Kahit antok na antok pa ako, bumabangon na ako agad basta tumunog na yung alarm. Dahil doon, nauunahan ko ang lahat ng tao sa bahay sa pagligo. Sobrang aga ko tuloy nakakarating sa school.

Ayos naman, dahil maaga rin palang pumapasok si Cathy. At dahil close na kami, madalas niya akong napapahiram ng notes niya para kumopya kung may assignments man.

"Thank you." sabi ko habang ibinabalik kay Cathy ang Filipino notebook niya. Katatapos ko lang kopyahin ang buod ng Kabanata 16 ng El Fili. Minali-mali ko lang yung ibang salita at dinamihan ko ng bura para hindi halata.

"Wag ka masanay na kumokopya, Nathaniel." sabi niya habang binabalik sa bag ang kanyang notebook. "Hindi kita laging pahihiramin. Matuto ka rin mag-effort para sa sarili mo."

"Oo na. Aga aga mo namang manermon, Cathy."

"Good morning, everyone." Hindi na nakasagot si Cathy dahil narinig na sa speaker ang magandang boses ni Sir Niccolo. "You may now proceed to the school quadrangle for our flag ceremony."

"Eeeeew." Napatingin ako kay Pamela. Nagtawanan pa silang magkakaibigan. Bakit kailangan niyang magreact nang ganoon? Hindi ba niya nakilala ang boses ni Sir? Blanko rin ang expression ni Cathy. Siguro, pareho kaming nagtataka kung bakit ganoon ang ginawa ni Pamela at ng mga kaibigan niya.

Kumpulan ang mga kaklase kong babae pagbaba sa quadrangle. May kung sino silang pinaguusapan at pinagtatawanan. Una kong inisip na baka si Cathy (as usual) dahil maraming inggit sa kanya sa room dahil matalino siya at consistent Top 1 kaya naman doon sila umaatake sa physical niyang kapintasan.

"You guys fall in line. How can we start kung ganyan kayo? Daig pa kayo ng Grade 7." Hindi namin namalayan ang pagsulpot ni Sir sa pwesto namin. Nanahimik ang mga kaklase ko pero kitang kitang gustong tumawa, pinipigil lang. Nagpalitan pa sila ng makahulugang tinginan habang pumipila.

Naramdaman kong hinawakan ako ni Sir nang mahigpit sa balikat, at saka siya lumakad palayo para i-check ang ibang sections. Ang init sa puso. Nakakagaan ng pakiramdam ang hawak niyang iyon.

"You guys fall in line." sabi ni Janice sa malanding paraan. Tumitirik tirik pa ang mga mata niya. "So gay."

Tumawa siya at ganoon din ang ginawa ng iba. Nagpanting ang tenga ko. Bakit kailangan niyang ganunin si Sir? Ang kapal ng mukha niya ah.

Napatingin ako kay Cathy na tahimik lang din na nakatingin sa kanila. Nakasimangot ang mukhang humarap siya sa akin. "No idea?"

Umiling ako. "Anong meron?"

"Hindi mo nakikita ang posts ni Ma'am?"

"Ma'am?"

Umikot ang mga mata niya. "Adviser natin." halos pabulong niyang sagot.

"Ah hindi." sagot ko. Inunfollow ko kasi si Ma'am. Paano, nakakasawa nang makabasa ng posts niya tungkol kay Sir Niccolo. Kinikilabutan ako lagi sa idea. "Anong meron sa mga post niya?"

"Ewan ko rin kung bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin." mahinang sagot ni Cathy kaya lumapit lapit pa ako sa kanya. Naramdaman kong may tumulak sa akin kaya halos masubsob ako sa mukha ni Cathy.

"Tang ina, ano ba?" galit kong tanong. Paglingon ko, nakita ko si Vince. Himala yata na umabot siya sa flag ceremony.

Nakangisi siya. Pinagpalipat lipat niya ang tingin sa akin at kay Cathy at pagkatapos ay nakipila na sa iba kong kaklaseng lalaki na, tulad ng mga babae, may sarili rin topic at nakakapraning ang mga tawanan.

"Ayun na nga," pagpapatuloy ni Cathy na para bang walang nangyari. "Siguro binasted ni Sir Mar si Ma'am Magallanes."

"Binasted?" gulat na gulat kong tanong.

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon