Lumipas ang mga araw at naging linggo. Ang mga linggo ay naging buwan. Bawat sandali ay walang saysay. Bawat tibok ng puso ay masakit at sobrang nakakalungkot.Dalawang buwan na mula nang huli kaming mag-usap ni Sir Niccolo sa office niya. Dalawang buwan ko na ring hindi nakikita ang mga ngiti niya.
Hindi ko rin alam kung paano ko kinaya yun. Alam mo yun, araw araw, pumapasok ako, nagsstay sa classroom, umuuwi... na parang invisible ako sa lahat ng tao. Para bang hindi nila ako nakikita. Parang hindi ako nageexist. Hindi ko alam kung nagkataon lang, pero yung dati'y mga random na bumabati at nagpapapansin sa akin sa school, pati yun, nawala rin lahat.
Walang Vince, walang Cathy... higit sa lahat, walang Sir Niccolo.
Ang masakit doon, araw araw ko silang nakikita. Hindi naman sila naglaho. At iyon ang mas mahirap. Ang hirap magmove on sa idea na nagiisa ako kahit hindi naman dapat.
Kung hindi nga lang dahil sa sponsor ko na magagalit at ihihinto ang suporta sa akin, titigil na talaga akong mag-aral eh. Nakakatamad pumasok. Nakakatamad mag-aral. Higit sa lahat, nakakatamad mabuhay.
Paano, hindi ko rin naman pipiliing mag-stay sa bahay kung sakali mang susukuan ko na nang tuluyan ang pag-aaral ko. Hindi naman ako nakakasumpong ng kapayapaan pag nasa bahay ako. Patagal nang patagal, lalo lamang lumalala ang pag-aaway nila Papa at Mama. Patagal nang patagal, lalo lang nagiging mahirap ang buhay namin. Hindi ko na rin alam kung ano ang dapat kong gawin. Naaawa ako sa mga kapatid kong sila Cielo at Harry dahil kung ako ay nahihirapan, alam kong lalo na sila. Mga bata pa sila masyado para mamulat sa uri ng buhay at pamilya mayroon kami.
December na. Every year, may year-end party lagi sa school bago magChristmas break. Pinagsasabay sabay ang Christmas party, Thanksgiving, saka socialization night.
Mula Grade 7 hanggang Grade 9, sobrang saya nun para sa akin. June pa lang, nilu-look forward na namin ni Vince dahil overnight iyon at lagi kaming pinapayagan ng parents namin dahil school event naman. Nagkakaroon kami ng pagkakataon na makipagsayaw kung kani-kaninong babae (si Vince, pati teachers - lalo na si Ma'am Venice kahit hindi pa namin teacher dati - ay isinasayaw niya) at minsan ay nakakapuslit pa kami (kapag medyo malalim na ang gabi at nagsimula nang antukin ang mga teachers at tinamad nang magbantay) at nakakapunta kami sa kung saan saang madilim na lugar sa school at gumawa ng mga kalokohan namin kasama ang mga malilibog na babae na willing na willing naman.
Ngayong taon, ayoko. Ayokong umattend. Lalo pa noong inannounce ni Ma'am Venice na ang theme ng year-end party ngayon ay Masquerade Ball. Parang prom night. Saan ako kukuha ng isusuot ko doon?
Nang magpadala ng support ko ang sponsor ko para sa November (nagbubukas na lang ako paminsan minsan ng FB sa piso net sa kapitbahay dahil nasira na nga ang cellphone ko), tinanong niya ako kung ano ang theme ng year-end party.
Inisip ko, siguro, interested lang siya dahil lagi akong nagkukwento at nagsesend ng picture noong nakaraang mga taon.
Noong Grade 7, Hawaiian ang theme. Naghubad-baro lang ako at nagsuot ng beach shorts na nabili ni Mama ng 50 pesos sa tiangge. Sinabitan lang kami sa leeg ng adviser namin ng kwintas na bulaklak na gawa sa plastic. Dahil nakahubad ako, mabilis akong gininaw kaya naman 10 pa lang yata ng gabi, nakajacket at pantalon na kami ni Vince. Hindi na namin napangatawanan ang costume.
Noong Grade 8 naman ay Arabian Nights ang theme. Nagkataon na sumali si Vince sa Mr. UN noong year na iyon at Saudi Arabia ang country na nirepresent niya. Dahil mayaman sila, hindi pumayag si Tito Mike na ulitin niya ang costume niya para sa year-end party kaya nagpatahi sila ng bago. Swerte, dahil doon, ako ang gumamit ng Arabian costume niya.
Last year, Superheroes ang theme. Akala ko noon, hindi ako makakasali at ilang weeks akong malungkot. Ang mahal ng costume kahit magrerent ka lang. Laking tuwa ko nang isang araw, biglang pumunta sa bahay si Vince.
BINABASA MO ANG
I Love You, Sir (Two Roads Part 5)
Подростковая литератураWhat happens when a young "straight" student suddenly falls in love... ...with his handsome and perfect teacher?