Sinindihan ni Sir Niccolo ang kandila sa ibabaw ng chocolate cake. Naguumapaw ang damdamin sa puso ko. Ito, sa buong buhay ko, ang unang pagkakataon na iihip ako ng candle sa cake dahil ito rin ang unang pagkakataon na nagkaroon ako ng cake para sa birthday ko.Dahil tulog na ang mga tao sa bahay, niyaya ako ni Sir Niccolo na maglakad lakad. Hinatid lang muna namin ng tanaw ang motor ni Vince at pagkatapos ay sinimulan na naming maglakad; si Sir, habang bitbit ang kahon ng cake na maayos ang pagkakaribbon, at ako, yung tatlong lobong kulay pula (yung may plastic na tangkay at hindi lumilipad). Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga, si Sir ang kasama ko.
Nakarating kami sa freedom park, kung saan ay maliwanag dahil sa Christmas lights sa mga puno ngunit tahimik na tahimik maliban sa mahinang tugtog na nanggagaling sa tindahan sa di kalayuan. Walang tao sa parke, palibhasa ay Noche Buena at nasa kani-kanilang mga bahay ang mga tao. Umupo kami ni Sir sa isa sa mga benches.
Bahagya akong yumuko at iniready ang sarili ko para hipan ang kandila. Nakakaconscious, kasi kaharap ko si Sir. Kailangan kong ayusin at baka mamaya ay may sumamang laway sa pagihip ko.
"Wait," sabi ni Sir habang nakatakip ang dalawang kamay sa apoy ng kandila. Medyo mahangin kasi sa parke at mahinang pinapagalaw ang mga buhok namin. "You make a wish first."
Ano nga ba ang wish ko?
"Ilan po ba dapat, Sir?"
Ngumiti si Sir. "Ikaw. Kahit ilan. Siguro naman, the greater force out there who will hear your wishes will be able to keep up."
"Greater force?"
"The one you're saying your prayers to."
"Si God po?"
"Could be. Basta kung sino man siya, alam kong mahal ka niya, Nathan. At nakikinig siya sa iyo. So go ahead."
Pumikit ako. Ang dami kong wishes. Ang dami kong gustong mangyari. Pero sinabi na lang ng puso ko kung ano ang pinakamatimbang sa lahat.
Sana po, maging maayos na ang pamilya ko at sana po mahal din ako ni Sir Niccolo.
Dumilat ako at dahan dahan kong hinipan ang kandila.
"There." sabi ng nakangiting si Sir. Litaw ang malalim niyang dimples at nakikita ko ang mga ilaw sa mga mata niya. "Happy birthday, Nathan, and Merry Christmas."
"Thank you po, Sir. Merry Christmas din po." Pinanood ko siya habang binabalik ang cake sa kahon. Isinara niya iyon at muling nilagyan ng ribbon.
"You bring this home to your family."
"Thank you po. Ngayon lang po ako nagkaroon ng cake para sa birthday ko. Salamat po, Sir."
Muling ngumiti si Sir at hinawakan ako sa ulo at ginulo ang buhok ko. "I like your hair like this. Yung tuyo at madulas, instead of waxed. Pero either way, you're beautiful, Nathan."
Feeling ko, namula ako. Uminit bigla ang mukha ko.
"Bakit po hindi ka umuwi, Sir, I mean, sa family mo po?"
Inilapag ni Sir Niccolo ang box ng cake sa space sa gitna namin at pagkatapos ay dume-quatro habang nakalatag ang dalawang kamay sa sandalan ng bench. Halos maakbayan na niya ako.
"There's no one to go home to. Now that Mom's gone, I doubt my siblings would still come home. They all have their own families now anyway. But I'll still go somewhere to spend the rest of the holidays. Maybe tomorrow, I'll leave for Baguio. Hinintay ko lang talaga ito..." Tumitig siya sa mga mata ko. "Itong birthday mo."
Iniwas ko ang tingin at tinignan ko na lang ang pulang mga lobo na binigay niya. "Sobrang special ko naman po yata, Sir. Hindi ko po akalain na magaabala pa po kayo na puntahan ako."
BINABASA MO ANG
I Love You, Sir (Two Roads Part 5)
Novela JuvenilWhat happens when a young "straight" student suddenly falls in love... ...with his handsome and perfect teacher?