SPECIAL CHAPTER

2.9K 244 113
                                    

"NatNat." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Hindi ko alam kung nasaan ako at kung bakit ako nakarating sa lugar na iyon. Kung titignang mabuti, para akong nasa bahay namin dati - noong bata pa ako at mahirap pa ang buhay namin, pero walang mga gamit at sobrang liwanag ng paligid.

"Ang kapal naman ng mukha mong makipagusap sa akin." galit kong sinabi. Sa lahat ng taong pwedeng kumausap sa akin, bakit si Kuya Uno pa? Nakasuot siya ng puti (longsleeved polo at pants) pero wala siyang sapatos. Ang nakapagtataka, malinis na malinis siya, hindi tulad ng karaniwang hitsura niya na humuhulas siya sa pawis at kahit tignan mo pa lang, alam mo na agad na mabaho siya. Ngayon, maayos na nakahawi pataas ang buhok niya, bagong ahit ang palibot ng mukha, at parang mas pumuti siya kaysa dati. "Anong kailangan mo sa aking demonyo ka?"

Akala ko, makakatikim na naman ako ng pananakit mula sa kanya kung kaya inihanda ko ang sarili ko. Nagulat ako nang bigla niyang inalis sa akin ang paningin at sa halip ay yumuko at tumingin sa mga paa niya.

"Alam kong hindi mo na ako magagawang patawarin, NatNat, at hindi ko rin hihilingin sa'yo na gawin mo iyon. Alam ko. Alam ko na ikinatuwa mo pa nga ang pagkamatay ko. Hindi kita masisisi. Naging masama ako sa'yo noong nabubuhay pa ako."

Saka ko lang naalala na oo nga pala, patay na nga pala si Kuya Uno. Dahil doon, nagpanic ako. Ano't kausap ko ang taong patay na? Nasaan ako? Bakit ko siya nakakausap? Patay na rin ba ako?

"Pero kahit hindi mo na ako mapapatawad," Muling umangat ang mukha ni Kuya Uno at nagulat ako nang makita kong may luha sa mga mata niya habang nakatingin siya sa akin. "hindi ibig sabihin nun, na hindi na ako dapat magsorry, sa lahat ng nagawa ko... sa lahat lahat ng nagawa ko, NatNat."

Umadvance siya ng ilang hakbang, at ang ginawa ko'y umatras. Natatakot ako. Tulad ng takot na lagi kong naramdaman noong bata pa ako - sa tuwing nasa paligid siya, tulad ng takot na naramdaman ko noong tumira siya sa bahay namin at puro kababuyan ang ginawa niya sa akin.

Dahil umatras ako, tumigil siya sa paghakbang. Tumingin ang malungkot niyang mga mata sa akin.

"Sorry. NatNat. Sorry talaga."

Hindi ako makakibo. Gustong gusto kong itanong sa kanya kung paanong nangyari na nagkakausap kami ngayon. Gusto kong malaman kung nasaan ako at bakit ko siya kasama. Pero hindi ko magawang magsalita.

"Wag kang mag-alala." Tumawa siya pero hindi tulad ng mga tawa niya noon. Mabait ang tunog. Almost pwede akong papaniwalain na isa siyang kaibigan, o taong malapit sa puso ko dahil sa tunog ng tawa niya. Almost. "Hindi ka pa patay, NatNat."

So nananaginip lang ako? Bakit? Para saan? Bakit kailangan kong makita si Kuya Uno? Paano ba ako gigising? Kailangan kong gumising dahil baka kung saan mauwi ang panaginip kong ito.

"NatNat, malapit ko nang makasama si Lola." sabi niya, na ikinagulat ko.

"Anong sabi mo?" mataas ang pitch kong tanong.

"Si Lola, makakasama ko na."

"Tarantado ka ba?" galit kong tanong. "Bakit pati si Lola kailangan mong idamay sa kalokohan mo?"

Ngumiti siya at pagkatapos ay mahinang umiling. "Hindi, NatNat. Hindi magtatagal at malalaman din ng lahat yung sinasabi ko."

"Tumigil ka, Kuya Uno. Hindi magandang biro 'yan."

"Pag kasama ko na si Lola," sabi niya na parang walang narinig. "makakalapit na rin ako kay Angkel Julio."

Natigilan ako dahil sa pagkakabanggit ng pangalan ni Papa.

"Lagi kong nakikita si Papa mo, NatNat. Pero hiyang hiya ako sa kanya kaya hindi ko siya malapitan. Alam ko, galit din siya sa akin dahil sa mga ginawa ko sa'yo. Hindi ko siya masisisi."

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon