CHAPTER 44

2.1K 238 19
                                    


"And... cut!"

Iniwan ng binata ang kaeksenang babae at lumapit sa akin para tignan sa monitor yung eksenang kakashoot lang namin. Bagong talent; nadiscover lang sa reality show na sinalihan niya last year. Gwapo, malakas ang dating. Kaya naman sikat na sikat lalo na sa mga pabebeng fans na karamihan ay kabataan. Marunong namang umarte kahit papaano, palibhasa ay nagundergo ng acting workshops. Medyo namromroblema lang ako dahil hirap kumabisado ng script at nakakailang take na kami. Ang awkward ng kissing scenes nila ng leading lady. Para bang hindi sila real-life lovers.

"What do you think?" tanong ko sa binatang nakahalukipkip at seryosong nakatitig sa monitor.

"OK naman, Direk." sagot niya, ang mga mata'y nakatuon pa rin sa pinapanuod na eksena. "Medyo nakukulangan lang ako. Parang... parang hindi convincing."

"You got it. We have to try again, Renz."

Bumuntong-hininga siya. Pagkatapos ay tumango. Pawisan na ang leeg at ilong niya. Halatang stressed na. "OK, Direk."

"What's wrong? Hindi naman ito ang first time na may kissing scene kayo ni Jen."

"Yeah, I know. I know Direk. Mahirap lang talaga to work with your ex."

"What? Break na kayo?" gulat kong tanong, halos pabulong. "Kailan pa? Did your managers know about this?"

Umiling si Renz. "Secret pa lang, Direk. Baka makaapekto sa rating kung malalaman ng fans namin."

Ako naman ang napabuntong-hininga. Kaya naman pala ang awkward ng mga eksena.

"But can you at least be professional? We don't want to mess it up."

"Opo, Direk. Wala pong problema."

"And please, just don't swing your arms too much. Look at that scene." Itinuro ko ang monitor kung saan ang eksena ay naglalakad siya palapit kay Jen. "It's distracting. And yung eye-contact mo, bumibitaw ka agad. That's why hindi convincing."

"Opo, Direk. Aayusin ko po."

Nagring ang phone ko. Tumatawag ang producer ng dramang shinushoot namin.

"Short break, everyone." sigaw ko sa lahat. Nagkanya kanya sila ng tayo at lakad palayo sa set. Tumingin ako kay Renz na nakatutok pa rin sa monitor. "Renz, magparetouch ka. And please, rehearse your dialogues. I'll just take this call."

"OK. Direk."

Lumakad na siya palayo at agad sinalubong ng kanyang make-up artist. Sinagot ko ang tawag.

"Mr. Chua."

"Kumusta ang shoot, Direk Hark?"

"Tapos na kami doon sa lahat ng outdoor scenes." sagot ko. "We are shooting indoor ones, particularly THE kiss. I think I can hand these out to the editor tonight, at kung magagawa niya, mahahabol natin para sa Monday episode next week."

"Great, great. That's good to know. Hindi ako nagkamali for choosing you. Alam kong you won't disappoint."

"Thank you, Mr. Chua."

"OK. I just checked on you. I have to meet with the CEO pa."

"Yeah. Take care."

In-end ko ang tawag at ibinulsa ko ang phone. Tinignan ko ang Shot List para masiguradong wala akong nakaligtaan nang mapansin kong may nakatingin sa akin at pinanonood ako sa ginagawa.

Lumingon ako at nakita ko sila Cathy at Vince na nakatayo sa di kalayuan. Kumakaway si Cathy sa akin at may bitbit na paper bag, habang si Vince naman ay may hawak na cups ng coffee.

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon