Disclaimer: This chapter contains strong sexual language and explicit themes. Reader discretion is advised. If you are uncomfortable with such material, please proceed with caution.
Pinagmasdan ko si Sir Niccolo habang siya'y nagtuturo. Hindi ko naririnig ang mga sinasabi niya dahil busy ang utak ko sa pagiisip ng napakaraming mga bagay na may kinalaman sa kanya. Iniisip ko kung gaano siya kasarap pagmasdan, kung gaano siya kagaling sa napakaraming mga bagay, kung gaano siya kagawapo. Iniisip ko rin ang katotohanan na siya ang taong tatanawin ko na lang, at hindi ko kahit kailan maaangkin. Iniisip ko na sa kabila ng lahat ng hindi pwedeng mangyari, gusto ko talaga siya. Gustong gusto ko.
Ilang araw pa lang ang lumipas buhat ng gabing natulog ako sa bahay niya pero miss na miss ko na siya kaagad. Paano, iyon ang huling pagkakataon na naranasan kong maging malapit kay Sir. Iyon ang huling pagkakataon na nakatanggap ako ng ngiti mula sa kanya.
Nagising ako nang umagang iyon na nakahiga pa rin sa carpet, pero may unan na ako at kumot. Nilagyan ako ni Sir. Paano kong hindi naramdaman iyon? Siguro, dahil sa sobrang puyat nang nagdaang gabi kung kaya lumalim ang tulog ko.
Siya agad ang hinanap ng mga mata ko at dahil maliit lang ang unit niya, tanaw agad ang kusina mula sa sala. Naroon si Sir at busy sa paghahanda ng pagkain.
Barado ang ilong ko. Shet. May sipon ako. Dahil iyon sa pagpapaulan ko nang nagdaang gabi. Maya maya nga'y napabahing na ako. Dalawang magkasunod na beses pa. Tinakpan ko ng kamay ko ang ilong ko at bibig dahil baka malagyan ng sipon ang kumot at unan ni Sir.
Dahil sa nilikhang ingay ng pagbahing ko, napatingin sa akin si Sir.
"Nathan, you're awake." sabi niya habang hinuhugasan ang kamay sa lababo. Kumuha siya ng paper towels at tinuyo ang mga kamay at pagkatapos ay lumapit sa akin. "Ayan, sabi ko sa'yo magkakasakit ka eh. Bakit ka kasi natulog dito sa lapag? Noong nakita kita, gustong gusto kitang buhatin pabalik sa kama kaso baka maabala ko ang tulog mo."
Hinawakan niya ang noo ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. "Thank God, wala kang lagnat. Nalamigan ka lang masyado kagabi kaya ka sinipon. Halika, kumain ka na para makainom ka ng gamot. Mamaya na 'yan, ako na lang magliligpit niyan." sabi niya nang mapansing tinutupi ko ang kumot na pinagamit niya sa akin.
Bumalik siya sa kusina at sumunod lang ako. "Wash your hands, Nathan." sabi niya at tinanguan ang pwesto ng lababo. Ginawa ko ang sinabi niya.
Kumain kami. Typical na breakfast - hotdogs, bacon, fried eggs, fried rice, hot chocolate (kape kay Sir). Ininit din niya yung natira sa corn soup nang nagdaang gabi.
"Humigop ka ng marami nito. Para mainitan ka." sabi ni Sir habang nirerefill ang mangkok ko ng soup. "Uminom ka ng gamot, tapos bumalik ka sa tulog. Alam ko na kaunti lang ang itinulog mo. Anyway, hindi pa rin bumababa ang baha dahil magdamag pa ring umulan. May LPA pala. Kaya naman pala."
"Mamimiss po kita, Sir." sabi ko. Dahil doon ay napatingin si Sir sa akin. "Alam ko po na pag natapos ito, hindi ko na ulit mararanasan. Palalayuin mo na po ako sa'yo, di ba?"
Tumango si Sir. Dahil doon ay para bang nadurog ang puso ko. Hindi ko na naman napigilan ang pagpatak ng luha ko.
"Sir, pwede po bang matulog ka sa tabi ko? Makakatulog lang po ako kapag katabi kita, Sir. At kung pwede pong magrequest, pwede po ba kitang yakapin hanggang sa makatulog ako?"
Pinagbigyan ni Sir ang request ko. After naming kumain at nang makainom ako ng gamot, nahiga kami sa kama ni Sir. Yumakap ako sa kanya. Napakasarap sa pakiramdam. Nang mga sandaling iyon, humiling ako na sana wag nang matapos pa ang ulan, na sana wag na munang matapos ang nararanasan kong saya sa puso.
BINABASA MO ANG
I Love You, Sir (Two Roads Part 5)
Novela JuvenilWhat happens when a young "straight" student suddenly falls in love... ...with his handsome and perfect teacher?