Panay ang senyas sa akin ni Vince. Gusto niyang maramdaman ko na OK lang ang lahat, na kahit nasa loob kami ng principal's office, kasama ang Daddy niya at ang Papa ko, walang dapat ipagalala.Hindi naman talaga ako nagaalala. Kanina. Pero ngayon, ewan ko.
Maliban sa Daddy niya at sa Papa ko, naroon din syempre si Mr. Matias, ang principal naming panot, si Ma'am Venice na kanina pa tinititigan ng Daddy ni Vince dahil bakat na bakat na naman ang boobs sa blouse (may pinagmanahan naman pala si Vince ng kamanyakan), at mga teachers namin sa lahat ng subject na nagcutting kami kahapon, kabilang na si Sir Niccolo.
Tahimik lang siya na nakatingin sa akin. Sa buong panahon, mula nang pumasok siya sa principal's office at umupo, hindi na niya inalis ang tingin niya sa akin. Nakakailang. Parang ang mga titig niya ay sapat para makaramdam ako ng sobra sobrang guilt dahil sa ginawa ko, sa ginawa namin ni Vince.
"Masama po kasi ang pakiramdam ni Nathan." umpisa ni Vince ng alibi niya. Naplano na namin iyon sa chat. Ang sabi niya, siya na ang bahalang gumawa ng reason at sakyan ko na lang. "Nakatulog po siya sa desk niya noong time ng English dahil sa sama ng pakiramdam, tapos ginigising ko po siya noong recess time para kumain pero namumutla na po siya. Kaya niyaya ko na lang po siyang umuwi."
Tumango lang ako. Kung tutuusin, halos totoo ang lahat ng sinabi ni Vince. Masama naman talaga sa pakiramdam ang kulang sa tulog. Kung iisiping mabuti, hindi naman siya nagsinungaling sa ginawa niyang alibi.
"May clinic ang school natin." sabi ni Mr. Matias. "Hindi ba pumasok sa isip niyo na doon muna dumeretso sa halip na lumabas ng school at umuwi kahit oras pa ng klase?"
"Sarado pa po ang clinic ng ganoong oras." katwiran ni Vince. Tumango lang din ako. Alam na alam namin, palibhasa isa 'yang clinic na 'yan sa nagiging excuse namin kapag gusto naming tumakas sa klase. 10 AM na nabubuksan ang clinic dahil iyon ang oras ng pasok ng teacher na assigned. Mas maagang di hamak ang recess time namin.
"Anong oras ba dumadating ang clinic teacher natin?" tanong ni Mr. Matias sa kaharap na mga teachers. Ang lagay, mas alam pa namin ni Vince kaysa sa kanya? Pambihira.
"10 AM po Sir." sagot ni Sir Niccolo. Akalain mong siya ang pinakabago sa lahat ng teachers doon, pero siya ang nakasagot sa tanong. Nakasuot si Sir ng pulang polo na bumagay sa maputi niyang balat. Nakatuck-in iyon sa white na pants na maayos na maayos ang pagkakaplantsa. Ang linis linis niyang tignan. "Iyon po kasi ang start ng shift niya. Kaya 10 AM pa po nabubuksan ang clinic."
"Wala kayong school physician, o kahit nurse man lang?" tanong ng Daddy ni Vince. Lalong tumataba si Tito Mike at palaki nang palaki ang tiyan. Tulad ni Vince, maitim din ang kutis. Nakasuot siya ng Lacoste na polo shirt pero hindi nagmukhang mamahalin sa kanya. Kung titignan nga sila ni Papa, hindi mo iisipin na si Tito Mike ang maraming pera. Sinong magaakala na sa pormang iyon ni Papa (sinuot lang niya yung polo na nabili niya sa tiangge noon na tinernuhan ng itim na slacks, tapos sinuklay nang maayos ang may pagka-auburn na buhok. Ah grabe, ang sarap idisplay ng Papa ko) eh wala siyang kapera pera sa bulsa at maglalakad lang siya pauwi mamaya?
"Naniningil kayo ng clinic fee, tapos wala kayong nurse? Naka-assign sa teacher ang pagaasikaso sa nagkakasakit na estudyante? Anong ginagawa niya? Tagapisa ng Biogesic? Tagapahid ng Efficacent oil?"
Hindi nakakibo ang principal, o kahit sino sa mga teachers. Kung sabagay, may point si Tito Mike.
"Tapos 10 AM pumapasok? Paano kung 9AM, may maaksidenteng estudyante? Halimbawa, masaksak ng ballpen ng kaklase, o di kaya, makatapak ng pako? Anong gagawin niyo?"
Ah wala, uwian na. May nanalo na. Magpapatawag pa kayo ng magulang huh. Yung ineexpect nilang papagalitan nilang magulang, ayun, at sila ang tinatalakan.
BINABASA MO ANG
I Love You, Sir (Two Roads Part 5)
Ficção AdolescenteWhat happens when a young "straight" student suddenly falls in love... ...with his handsome and perfect teacher?