Sobrang simple ng venue ng kasal ni DJ Neil. Actually, pagpasok ko pa lang sa Henderson Hotel, para bang nafeel ko na wala ako sa Manila. Parang yung itim na gate na dinaanan ko ay portal papunta sa isang sanctuary na magpapalimot sa akin sandali ng ingay at stress na dulot ng Metro - bigla na lang naging calm at relaxing.Siguro, dahil pagpasok pa lang, sasalubong na agad sa'yo ang napakaraming green na dala ng mga puno at garden na enough para makaramdam ka ng peace at makalimutan mong galing ka sa magulong mundo sa labas na puro sasakyan at pollution.
Hindi mo ieexpect ang hitsura ng building - para bang isang malaking ancestral home sa probinsya na kulay puti ang pintura at may mga neighboring houses na very provincial din ang vibe. Nakakatuwa. What a cozy venue for a wedding.
Inilabas ko ang phone ko para picturan ang view - tutal maaga naman akong dumating at mamaya pa magsstart ang wedding. Siguro, busy pa sila sa mga photoshoot. Usually, ganoon naman eh.
Focused na focused ako sa pagtantya ng magandang angle nang biglang may bumusina sa likuran ko. "FUCKING HELL!" Halos mabitawan ko ang phone ko dahil sa sobrang gulat.
Humawak ako sa dibdib. Parang sumakit nang bahagya ang puso ko dahil doon. "Oh my god." sabi ko habang nakatingin sa pulang kotse na dumaan sa tapat ko.
Akala ko, dederetso lang ng andar ang kotse. Nagtaka ako nang bigla itong tumigil at bumaba ang bintana sa driver's side.
Sumilip ang lalaking wavy ang buhok. Matangos ang ilong at maganda ang shape ng lips. Hindi ako palapansin sa magandang katangian ng lalaki (kahit pa noong nasa America ako at talaga namang napakaraming gwapong lalaki ang araw araw kong nakakasalubong at nakakasalamuha) kung hindi naman sila si Sir Niccolo, pero hindi ko alam kung bakit napansin ko agad iyon sa lalaking ngayon ay nakapatong na ang kaliwang braso sa bintana. Nakasandong itim lang siya kaya kitang kita ang maputi niyang braso.
Pero teka, ano bang pake ko? Nilapitan ko siya.
"You don't have to say you're sorry." sabi ko. Inis pa rin kasi ako dahil nga nagulat ako nang sobra.
Hindi ko makita ang mga mata niya dahil nakasunglasses siya. "And who told you I was going to say I'm sorry?" sabi niya sa sing-song niyang tinig. Ngayon lang ako nakaencounter ng ganoon. Akala ko nga kakanta siya. "What is to be sorry for?"
"For honking like crazy, perhaps? You don't own this place, do you?"
"This is a driveway, in case you don't know." sabi niya sa maangas na paraan.
Tumingin ako sa paligid. Oo nga. Nakatuntong ako sa sementadong path na siguro nga, driveway mula sa entrance papunta sa building or whatsoever.
"I know that this is a driveway, Captain Obvious." sagot ko.
Ngumisi siya. "Then why is it that for a moment, you looked as though you're walking on the moon?"
"I did not."
Tumawa siya. "You did. You looked as though you're floating. Tell me, are you practicing walking on the aisle? What? Are you the bride or something? Or supermodel perhaps? Rehearsing your little catwalk routine on a runway?"
Nakakairita. Ang yabang niya, tang ina. Ang lakas pang mang-asar.
"Can you shut your mouth? You talk way too much."
"Then stay away from the driveway. You also don't own this place, do you?"
Hindi na ako nakasagot dahil tumaas na ang bintana ng kotse at pinaandar na niya iyon palayo.
"Asshole!" sigaw ko na nilunod lang ng sound ng kotse at ng usok na bumuga sa mukha ko.
Sino kaya ang lalaking iyon? Ang kapal ng mukha. Bwisit.
BINABASA MO ANG
I Love You, Sir (Two Roads Part 5)
Teen FictionWhat happens when a young "straight" student suddenly falls in love... ...with his handsome and perfect teacher?