INTERLOGUE

2K 255 23
                                    

It's 9 AM here in Aspen. Pero sa Philippines, it's already midnight.

December 25th na sa Pilipinas. Pasko na. Birthday ko na, which means I'm already 18 years old.

Finally. Finally.

Tumunog ang phone ko. Nagvivideo call si Sir Niccolo. Matagal tagal na rin mula nang huli kaming nagvideo call. Laging puro voice calls lang, or chat.

"Hey, old man." nakangiti niyang sinabi. Napakagwapo pa rin. Hindi kumukupas. Halos mahulog ang puso ko. Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang Sir Niccolo ko. Lalo na't ganito, na ang layo layo ko sa lahat. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. "Merry Christmas. Happy birthday to you."

Pinilit kong ngumiti. Sana lang hindi kita sa video ang luha ko. "Merry Christmas, Sir. Miss na miss na po kita."

"It won't be long." sabi niya. "Kaunti na lang, Nathan. Wait for me to come home, okay?"

Muli na namang tumulo ang luha ko. Sa pagkakataong ito, napansin na iyon ni Sir.

"What's wrong?"

"Sir..."

"Yes, Nathan? Why are you crying?" Kumunot ang noo niya. "Hold on. Do I see... snow?"

Sinadya ko iyon. Sinadya kong tumayo sa may bintana kung saan ay tanaw ang buong paligid sa labas na puting puti dahil sa snow.

"Yes, Sir."

"But... how? Where are you, Nathan?"

"Aspen po, Sir."

"What?" gulat niyang tanong. "You mean Aspen Colorado? In the USA?"

"Yes, Sir."

"Nathan."

"Sorry po, Sir. Hindi ko sinabi agad. More than half a year na po ako dito. Isinama ako ng sponsor ko for me to continue my studies here."

Hindi agad nagsalita si Sir. Namagitan ang katahimikan sa amin.

"Sorry po, Sir." sabi ko ulit.

Tumango siya. Buti at mabilis ang internet dito kaya kitang kita ko ang lahat ng galaw niya, pati facial expressions.

"I am just wondering bakit hindi mo sinabi sa akin, Nathan. It feels bad."

"Sorry po, Sir. Hindi ko rin po alam kung paano ko sasabihin."

"I wouldn't stop you, you know?"

"Yun nga po, Sir. Siguro ayoko lang pong marinig mula sa iyo po na gusto mo pong umalis ako."

"I see. But what made you decide to go?"

"Gusto ko pong maabot ang mga pangarap ko para kay Papa, Sir. Gusto ko pong iganti si Papa kay Oliver Riego."

Hindi kumibo si Sir.

"Sir?"

"I'm sorry, Nathan, if you had to fight alone. Kung nasa Pilipinas lang sana ako."

"Sir, you've done well. Kung hindi po dahil sa paggabay niyo sa akin, malamang, mas malala pa po ang nangyari."

Kita kong sinubukan niyang ngumiti. "How are you? Buti nakapag-adjust ka? In Colorado, I know, it's more difficult to breathe. You know, higher altitude, less oxygen."

Natawa ako. "Bakit alam mo po ang lahat ng bagay, Sir?"

Tumawa siya. "Why do you still have that 'surprised' tone?"

"Will you wait for me, Sir?" tanong ko, habang pinipihit ang suot kong singsing – yung silver na singsing na iniwan niya sa akin kasama ng teddy bear na si TanTan.

Sandaling tumingin si Sir sa screen ng phone. Iniscreenshot ko iyon dahil ang gwapo gwapo niya talaga.

"Of course, Nathan. I'll wait for you. Even if it takes the rest of my life."

Muling tumulo ang luha ko. "It won't be long, Sir."

"That's my line." Tumawa siya ulit. "Anyway, Nathan, I'll call you again in 15 hours. I know that it's still around 9 of the 24th there. So binabawi ko yung birthday wishes ko. You're not 18 yet."

Pinilit kong ngumiti. "I love you, Sir."

"I love you, Nathan. Advanced happy birthday. See you when I see you. Until then, please be safe and have a good life."

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon