CHAPTER 48

2.2K 236 45
                                    


"It's been a while." nakangiting sinabi sa akin ni Sir Niccolo. Bumangon siya at inalalayan siya ng dalawa niyang kaibigan. Naglagay sila ng unan sa likod niya para kanyang sandalan.

"I told you guys you don't have to bother that much." sabi ni Sir sa kanila, pinipilit maging masigla pero halatang basag ang boses. Nakita kong tipid na ngumiti sila Sir Enzo at Sir Neil. "But thanks, anyway. Nathan, how are you? It's been a while."

Ngumiti lang ako at muli kong hinawakan ang kamay niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. 4 years, at naipon ang mga kwentong pwede kong sabihin sa kanya, pero wala akong maisip sa mga oras na iyon. Mas malakas ang iyak ng puso ko. Mas malakas ang pakiramdam sa loob na parang pinupunit, hinihiwa sa maliliit na piraso. Gustong gusto kong ipaalam kay Sir kung gaano ko siya na-miss, pero hindi ko alam kung paano ko gagawin. Nakatingin ang dalawa niyang kaibigan sa akin. Halatang binabantayan ako.

"I watch your show." sabi ni Sir. Tumitig lang ako sa brown niyang mga mata. "You are doing a great job as a director."

"Thank you, Sir." sabi ko. "Nagmana lang naman ako ng husay sa'yo."

Tumawa siya at nagkaroon ng wrinkles ang gilid ng mga mata niya. "I'm really proud of you, Nathan."

Kung pwede lang sabihin kay Sir na manahimik na lang siya at huwag na munang magsalita. Bawat sandali na naririnig ko ang nanghihina niyang boses, nasasaktan ako nang sobra sobra.

"Coco, uuwi muna ako sandali." sabi ni Sir Neil habang nakatingin sa wristwatch niya. "Sandaling sandali lang. I'll just drop Allison to school at titignan ko lang if there are things needed to be done. Medyo masama kasi ang pakiramdam ni Alexa, you know, the thing women go through every month."

"Come on, Basti. Take your time." nakangiting sinabi ni Sir Niccolo sa kaibigan. "Please say hello to Allie for me. Miss na kamo siya ng ninong niya. And take care of your wife. I'll be fine. Besides," Tumingin sa akin si Sir at ngumiti. "I've got company. I couldn't wish for a better life than this."

"Basta, babalik ako agad." sabi ni Sir Neil. "Kayo na muna ang bahala kay Coco. Nathan."

Tumango ako. Pangalan ko lang ang binanggit pero alam ko na kasabay nun ang napakaraming bilin ni Sir Neil.

"Sabay na ako pababa sa'yo, Basti." sabi ni Sir Enzo. "I'll check on Tyron. Malaman kung anong plano niya. He's supposed to be working today."

Inihatid ko sila ng tanaw habang papalabas ng room ni Sir Niccolo. Ngayon, dalawa na lang kami ni Sir.

"Okay, Nathan. What's up?"

"Sir?"

"Come on. Dalawa na lang tayo. Tell me anything. You can tell me what you want. I know that you're dying to but you just can't because you are following my friends' orders. Now that we're alone, you can even get ugly with me. I know that I owe you an explanation."

Umiling ako at muli kong hinawakan ang kamay niya. Inilapit ko iyon sa pisngi ko (hindi ko alam kung safe ba sa part ni Sir kung hahalikan ko ang kamay niya kaya hindi ko ginawa – kahit gustong gusto ko). "I'll never get ugly with you. I just have this pressing question in mind."

"Go ahead. Tell me."

Sandali akong nanahimik. Hindi ko alam kung dapat ko bang ituloy.

"Go on, Nathan."

"Sir. I just want to ask, why I was the last to know."

Yumuko si Sir at binawi niya ang kamay sa pagkakahawak ko. "I'm sorry, Nathan."

"I looked for you. I looked for you everywhere, Sir. Halos mabaliw ako kakaisip kung anong dahilan bakit hindi kita mahanap. Kung ano anong inisip ko, but everytime I come up with an answer, nadadagdagan lang ang questions ko sa isip. Why didn't you let me know, Sir?"

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon