CHAPTER 15

2.4K 258 32
                                    


Bored na bored ako. Hindi na nakapagklase ang mga teachers dahil kanya kanya na ng pakulo ang mga estudyante. Maaga akong pumasok, tulad ng nakasanayan ko na nitong mga nagdaang araw pero nagulat ako dahil andami na kaagad tao sa room at nagaayos para sa teachers' day celebration. Nakagilid na ang mga upuan at pinagdugtong dugtong ang mga table sa gitna at tinakpan ng malaking tela. May mga lobo at pagkain. Lahat, maging ang mga tarantado kong kaklaseng lalaki (kabilang na si Vince) ay abalang abala.

Feeling ko, bumuo sila ng group chat at kasali ang lahat, maliban sa akin. Hindi ko alam kung madidismaya ako o ano. Totoo, wala akong pakialam sa ibang teachers at si Sir Niccolo lang ang gusto kong isurprise para sa teachers' day. Pero ampangit pa rin sa pakiramdam na echapwera ka sa plano.

Nang dumating si Ma'am Venice, hindi na nila pinayagang lumabas ng room, kaya naman hindi na nakapasok ang ibang mga teachers. Kung ano anong palabas ang ginawa ng mga kaklase ko. May mga kumanta, may mga sumayaw, may nagbigay ng message. Puro kaplastikan. Tuwang tuwa naman si Ma'am. Nagkainan, nagpalaro, tapos kantahan ulit, sayawan. Kakabored. Kung pwede lang lumabas. Tutal, wala rin naman akong naiambag para sa pasurprise nilang iyon kay Ma'am.

Pati si Cathy ay tila nageenjoy din at hindi ako kinakausap. Wala akong hinintay kundi ang uwian para makapunta na ako kay Sir Niccolo at maibigay ang regalo ko para sa kanya.

Walang advisory class si Sir. So kung lahat ng section ay ganito ang ginawa na nagfocus lang sa class adviser, kawawa naman yung mga teachers na walang advisory class. Ano kayang ginagawa ni Sir Niccolo? Sana lang hindi dinig sa office niya ang kabi-kabilang mga tugtugan.

"Okay, Diamond." malakas na sinabi ni Ma'am Venice. Pinatay ni Jordan ang speaker. Lahat ay nakatingin kay Ma'am. "Yung pinagusapan natin kahapon. Ready na kayo?"

Tumango ang grupo nila Eloisa. Parang excited na excited ang mga hitsura. Ano na naman kayang kalandian ang pinagkasunduan nilang gawin?

"Puntahan na po namin, Ma'am." sabi ni Jordan sabay akbay kay Samuel. May bitbit siyang panyo na parang nanlilimahid. Pinampunas niya yata sa libagin niyang leeg.

"Bakit kayo? Anong gagawin niyo? Naku, wag niyong iblindfold ha?" sabi ni Ma'am habang nakatingin sa panyo. "Hindi papayag yun."

"Hindi po, Ma'am." sabi ni Samuel. "Tatawagin lang po namin. Sasabihin po namin, tapos na tayong magcelebrate. Tapos wala po kaming teacher."

Tumingin ako sa relo. Halos MAPEH time na. Si Sir Niccolo kaya ang tinutukoy niya?

"Bakit kasi kayo?" tanong ni Naomi. "Hindi maniniwala yun sa inyo. Hindi bagay. Ano, mga gustong gustong mag-aral kaya susunduin pa si Sir?"

Nagtawanan ang mga kaklase ko. Tama nga na si Sir ang pinagpaplanuhan nilang dalhin sa room namin.

"Ako na nga lang." sabi ni Orwell.

"Sus, wag na ikaw." sabi ni Eloisa. "Sisilay ka lang sa jowa mo eh. Baka tapos na ang time, hindi mo pa nadadala si Sir dito."

"Eh sino kayang pwedeng pumunta na hindi mahahalata ni Sir?" tanong ni Ma'am.

"Si Nathan." sagot ni Vince na ikinagulat ko. Tumingin sa akin ang lahat.

"Anong plano niyo?" hindi ko napigil ay nagtanong na ako.

Ngumiti si Ma'am Venice. "Magsosorry ang mga kaklase mo kay Sir Mar. Kaya mo ba siyang papuntahin dito?"

"Mga kaklase ko po? Mga kaklase ko lang?"

Sinundot ni Janice ang tagiliran ni Ma'am. Napaliyad si Ma'am dahil sa gulat.

"Ano ba?"

Jusko. Pabebe talaga.

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon