CHAPTER 52

2K 240 50
                                    


Nakatingin lang ako sa gwapong attorney habang may kausap siya sa cellphone. Alam ko na ang mga detalyeng iyon dati, pero hindi ko mapigilang hangaan ang tikas ng kanyang tindig, ang mahaba niyang mga binti, ang wavy niyang buhok at higit sa lahat, ang gwapo niyang mukha na lalong inenhance ng suot niyang salamin sa mata.

Lumingon ako kay Sir Niccolo at napansin kong tahimik siyang nakatingin sa akin. Ano kaya ang kanyang iniisip? Nahuli kaya niya ang mga sulyap ko kay Tyron?

Pero teka, bakit may guilt? Ano naman kung tignan ko si Tyron at hangaan? May masama ba doon? Hindi naman nangangahulugan na hinahangaan ko siya ay pinapalitan ko na si Sir Niccolo.

Pero bakit nga ba ako defensive?

Ay ewan.

"Wait, what?" Napatingin kami lahat kay Tyron dahil bahagyang tumaas ang tinig niya. "You mean, now? As in right now?"

Tumingin siya kay Sir Enzo at sumenyas na iabot sa kanya ang remote control ng TV. Agad namang dinampot iyon ni Sir Enzo at ibinigay sa kanya. Seryoso ang mukhang pinindot ni Tyron ang remote at nag-on na ang TV.

"It's on." kunot noo niyang sinabi. "What channel?"

Pumindot siya sa remote at lumitaw ang number 8 sa screen ng TV. Ilang saglit pa'y nagflash na sa TV screen ang kasalukuyang palabas. GMC (Good Morning Chikahan) with Lucy ang current program. After all these years, buhay pa rin pala ang show na iyan. Nakafocus ang camera kay Lucy Ferrer, ang host ng show. Kitang kita na ang laki na ng itinanda niya mula nang huli ko siyang mapanood, na hindi na magagawang takpan ng make-up, gaano man kakapal ang ilagay sa mukha niya.

Sa paglipat ng focus ng camera, nashock ako. Ang guest niya ay walang iba kundi ang dalawang taong isinusumpa ko sa mundong ito – si Oliver Riego at si Ronbito Cerrano (nalaman ko kay Tyron – naimbestigahan daw ng detectives niya – ang totoong pangalan ng impostor na nagpanggap bilang si Papa).

Lumingon sa amin si Tyron, bakas ang ngiti sa labi. "What a coincidence. Sa show na iyan nila sinimulan ang panloloko sa mga tao. At d'yan sa show na iyan din magtatapos ang lahat. Today."

Muli niyang itinapat ang cellphone sa tenga. "Prosecutor Jao, let's do it."

Shocks. Si Celine Jao. Yung babaeng nameet namin on the way sa coffee shop. Siya pala ang kausap ni Tyron. Mukhang after ng huling hearing, naging tandem na silang dalawa.

"So, Julio Donovan." Kikay pa rin ang way ng pagsasalita ni Lucy kahit na hindi na bagay sa hitsura niya. "Namimiss ka na namin. Kailan ba kami ulit makakaranas ng isang tulad ng Burnt Bridges?"

Ngumiti si Ronbito Cerrano. Napakapangit ng pangalan. Ang kapal ng mukhang dalhin ang pangalang Julio Donovan nang wala naman siyang kahit katiting na karapatan. Wala siyang pinagbago, maliban sa lalo siyang tumaba at nangitim – lalo na ang leeg.

Lumingon siya sa katabing direktor – ang hayop na si Oliver Riego na ngayon ay lalo nang nagmukhang kambing dahil sa haba ng balbas. Nakabandana pa rin siya sa ulo (ilang taon na pero basura pa rin ang fashion sense). Ang laki lalo ng tiyan na akala mo ay kabuwanan na sa pagbubuntis. Walang ginawa si Riego kundi ang ngumiti. Siguro, hindi niya rin alam ang isasagot.

"Well, I've been working on that." sabi ni Cerrano sa shaky niyang boses. "Malapit ko nang matapos ang novel na sinusulat ko." Muli siyang lumingon kay Riego na kitang kita namang napilitang ngumiti.

"Ano naman kayang novel ang sinasabi niyan?" tanong ni Sir Enzo. "Kanino kaya nila ninakaw this time?"

"Obviously there's none." sabi naman ni Sir Neil. "Nagiimbento lang sila. They've been giving people false hopes. Pero lagi, substandard na movies ang napapanood ng mga tao. Lagi nilang sinasabi that there's a big project coming, so people won't give up believing on them. Kasi, if they'll admit na naubusan na sila ng ideas, tatalikuran sila ng mga tao and mawawala sila sa spotlight."

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon