"What did you expect? Magagalit talaga iyon sa iyo." sabi ni Vince habang panay ang kuha sa mga kaluluto lang na pork belly gamit ang chopsticks. "Kahit naman sino, P're. Two years. Wala kang paramdam. Akong best friend mo, hindi ko masagot yung mga nagtatanong sa akin kung anong nangyari sa iyo. Kung buhay ka pa ba o kinuha ka na lang basta ng mga alien. Tapos bigla kang lilitaw at ibabalita mong kasal ka na? Tang ina. Kung ako si Sir Labo, pinutol ko 'yang titi mo."
"Hoy! Mga salita mo." saway ni Cathy. "Lasing ka na ba? Hinay lang din sa pork, Hon. Mamaya, mahigh blood ka na naman."
"Hon?" gulat kong tanong. "You guys are a couple?"
"Surprise!" sarkastikong sinabi ni Vince. "Hindi lang ikaw ang may karapatang manggulat, P're."
"Will you stop?" muling saway ni Cathy habang ibinabaligtad ang mga pagkain na nasa lutuan para yung kabilang side naman ang maluto. Pinagmasdan ko ang mantikang mahinang tumatalsik-talsik. "Kanina mo pa binubully si Nathaniel. Hindi mo muna hayaang magexplain."
"Hayaan mo." sabi ko. "Masama talaga ang loob niyan at naiintindihan ko naman."
Hindi na kumibo si Vince at ipinagpatuloy lang ang pagkain. Naroon kami kina Cathy - sa poolside kung saan kami nagvictory party after ng completion day sa Junior High. Dalawang araw matapos ang Pasko ay tinawagan ko si Cathy (hindi ko makontak si Vince) at sinabi kong nasa Pilipinas ako at kung pwede ko silang makita bago man lang ako bumalik sa America. Siya na daw bahalang magsabi kay Vince. Hindi ko naman akalaing magjowa na pala silang dalawa.
Pinagmasdan ko sila. Si Vince ay bahagyang pumuti at gumanda nang sobra ang katawan. Nakasando lang siya kaya kitang kita ang development ng biceps niya. Wala sigurong ginawa kundi tumambay sa gym. Maliban doon, nakasalamin na siya. Hindi na tuloy masyadong halata ang malaki niyang mata.
Si Cathy lalo - sobrang laki ng pinagbago. Tinotoo niya yung sinabi niya sa speech niya noong moving up day namin. Ang sexy na niya! Hindi ko nga siya agad nakilala pagpunta ko at hinanap ko pa sa kanya kung nasaan si Cathy. Paano, maliban sa gumanda ang katawan, kuminis din ang mukha niya at nakapagpapustiso na rin siya ng ngipin. Tumangkad rin siya nang kaunti.
Hindi malabo na magustuhan nga siya ni Vince na mahilig sa magaganda at sexy na babae. Isa pa, pansin ko kung gaano kaalaga sa kanya si Cathy. Sa mga panahong wala ako at silang dalawa ang laging magkasama, malamang, nahulog sila sa isa't isa. At masaya ako para sa kanila.
Nagbukas si Vince ng isa pang bote ng vodka (Mule) at iniabot sa akin. "So babalik ka pa sa States niyan, P're?"
Tumango ako sabay inom deretso sa bote. "May isang taon pa ako sa college. Isa pa, kailangan kong asikasuhin ang papeles para sa divorce."
"Let me guess. Hindi nakikicooperate ang asawa mo 'no?" tanong ni Vince.
"Wag mong sabihin kay Sir." mabilis kong sinabi. "Hindi niya alam."
"Pucha naman o. Nathan, mahal mo ba si Sir? Anak ng tokwa, puro ka sikreto, P're eh."
"Boi, hindi naman sa ganun." desperado kong sagot. "Hindi naman kasi ganoon kadali iyon. Alangan namang sabihin ko pa sa kanya na ayaw akong pakawalan ng misis ko?"
"Oo, dapat talaga sinabi mo! Para malinaw sa kanya kung gaano katagal siyang maghihintay sa iyo, o kung may hihintayin pa ba siya."
"Meron, syempre!" mataas ang tinig kong sagot. Hindi ko alam kung dahil nakakalimang bote na ako o napikon talaga ako kay Vince. "Tang ina P're babalikan ko talaga si Sir. Kahit magkamatayan pa. Babalik at babalik ako."
"Fine. Bahala ka sa buhay mo. Malaki ka na. Saka bakit nga ba ako nagbibigay ng opinion ko eh hindi naman ako mahalaga? Nung nagpakasal ka nga, hindi mo naman ako naisip sabihan, hindi ba?"

BINABASA MO ANG
I Love You, Sir (Two Roads Part 5)
Fiksi RemajaWhat happens when a young "straight" student suddenly falls in love... ...with his handsome and perfect teacher?