Itinigil ko ang pagtugtog. Parang may narinig akong kumatok sa pinto. Tumahimik ako at pinakinggan kong mabuti. Mukhang guni guni ko lang. Anyway, masyadong malayo ang pinto ng hotel room ko mula sa kinatatayuan ko kaya posibleng hindi nga katok mula sa pinto ko ang narinig ko.Muli kong ipinuwesto ang violin sa balikat ko. Nakatayo ako sa tapat ng malaking glass window kung saan sa labas ay tanaw ang Niagara Falls - Canadian side. Sobrang mesmerizing, and at the same time, nakakasenti ang view kaya naman hindi ko palalagpasin ang pagkakataon na sabayan ng malungkot na tugtog mula sa violin.
Pumikit ako at sinimulan ko nang pakilusin ang bow sa ibabaw ng strings nang marinig kong muli ang mahinang katok sa pinto. May kumakatok nga. Baka isa sa crew ng production. Tinahak ko ang hallway (madadaanan ang kitchen, ang bathroom, ang common area, bago pa makarating sa pinto. Masyadong malaki ang hotel room na ibinook ko para sa akin) para alamin kung sino iyon.
Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa nakita ko. Isang batang lalaki. Maliit lang siya - siguro, around 2 or 3 years old. Mukhang Asian pero hindi ako sure kung Filipino (or Chinese or Korean dahil singkit ang mata). Nasa Canada ako at hindi common na may nami-meet akong batang Filipino, not to mention sa pinto pa ng hotel room ko sa north tower ng Hilton Fallsview Hotel.
"Hey," medyo hesitant kong sinabi, pero sa pinakamalambing na kaya ko. Mabuti na lang at nasanay akong makipagusap sa bata dahil sa mga anak nila Vince at Cathy. "Can I help you?"
Ngiti ang naging tugon sa akin ng batang lalaki. Ang cute. Nakatago pa ang dalawang kamay niya sa likuran na parang isang grown-up na gentleman. Nakatingin siya sa hawak kong violin.
"You like this?" tanong ko. Tumango naman ang batang lalaki. So that means, nakakaintindi siya ng English. "Do you know how to play a violin?"
Umiling siya, pagkatapos ay itinuro ako.
"You want me to play?"
Tumango ang bata.
"OK." sabi ko. "But before I play it for you, can you tell me your name? Why are you alone? Where are your parents?"
"Benedict!" Nagulat ako at maging yung bata dahil sa lakas ng boses ng lalaking nanggaling sa katabing room. Agad siyang lumapit sa bata at hinawakan ito sa kamay. Nakabathrobe lang siya at halatang wala sanang planong lumabas kung hindi lang siya tinakasan ng batang tinawag niyang 'Benedict'. "How many times do I have to tell you not to leave our room? Wala tayo sa Pilipinas. Paano pag nawala ka, huh?"
Filipino pala sila. Dahil doon ay napatingin ako sa mukha ng lalaki. At hindi ko inaasahan ang nakita ko.
"Why did you bother this man?" Humarap siya sa akin. "I'm sorry a - Oh my god. Nathan?"
Gulat na gulat si Tyron Santillan. Kung sabagay, ako rin naman. Akalain mong pagkatapos ng maraming taon, dito pa kami magkikita sa mataas na part ng hotel sa Ontario Canada?
"Hi, Attorney." sabi ko, pinipilit na ngumiti kahit ang awkward sa pakiramdam. "Small world."
"Yeah." sabi naman niya, parang hindi pa rin makapaniwalang ako ang kaharap niya. "Indeed. What are you doing here?"
"Wasting my money. Masyadong marami eh. Wala akong mapaggamitan." biro ko.
Tumawa siya. Grabe. Napakagwapo pa rin kahit na ilang taon na ang lumipas. "Same, same. One of the perks of having a billionaire brother. Not everyone gets the chance to check in a room where you could see the full view of the famous Niagara Falls."
Tumawa na rin ako. "Kidding aside, I'm here kasi dito ishoo-shoot yung ibang scenes ng ginagawa kong movie."
Tumango tango siya. "I should have known. Kaharap ko nga pala ngayon ang best director of our time. Congrats nga pala Nathan, nabalitaan ko yung success ng Burnt Bridges. Ibang klase. Cannes Film Festival."
BINABASA MO ANG
I Love You, Sir (Two Roads Part 5)
Teen FictionWhat happens when a young "straight" student suddenly falls in love... ...with his handsome and perfect teacher?