"Seryoso, P're?" gulat na tanong ni Vince habang kinukwento ko ang mga nangyari. Recess time namin at doon kami nakatambay sa third floor dahil may isang cute na babaeng Grade 9 na nakipagtitigan sa akin sa canteen. Sinundan namin siya. "Ang weird naman.""Weird talaga." sabi ko, habang pinuputol-putol ko ang laman ng sarado pang Skyflakes. "Akala ko talaga, iyon na ang hihingin niya sa aking kapalit, para hindi niya ako isumbong."
"Eh kung sakali nga na iyon, ibibigay mo, P're?"
Mabilis akong tumango. "Oo. Wala naman akong magagawa. Kaysa naman isumbong niya ako sa principal. Tang ina ka kasi eh."
"Bakit ako?"
"Eh sino nga ba? Gago ka eh. Di mo naisip na kung nagkahulihan, damay ka. Ano na lang ang mukhang ihaharap ni Tito Mike kung nagkataon? After niyang sabun-sabunin ang mga teachers. Tapos gano'n."
Hindi kumibo si Vince. Panay ang sunod niya ng tingin sa mga Grade 9 na babaeng nagpaparoo't parito. Ang iingay. Ang haharot. Dati tuwang tuwa ako sa mga babaeng ganoon. Hindi ko maintindihan bakit parang naiirita ako ngayon.
"Pero P're, kung nagkataon no, iyak ka kay Sir."
"Ha?"
"Hindi mo ba naririnig ang kwentuhan ng mga kaklase nating babae? Daks daw si Sir. Kakayanin mo kaya? Iyak ka pag nagkataon. Baka isang linggo kang hindi makatae."
Feeling ko, uminit ang mukha ko. Hindi ko makuhang matawa sa tirada ni Vince. Alam ko iyon, naririnig ko ang mga usap-usapan. Dahil doon, napapatingin na rin akong lagi sa bakat sa pantalon ni Sir, lalo pa't ang hilig hilig niyang magtuck-in. Naiilang ako sa idea pero may something sa akin na hindi ko maexplain sa pagkakabanggit ni Vince ng topic na iyon. Parang nacucurious ako na ewan.
"Hindi niya gagawin yun." sabi ko matapos ang ilang sandali. "Dahil hindi nga siya ganoon. Manahimik ka na P're."
**************************************
"After the short yet highly influential period of impressionism, of course, an outgrowth movement known as post-impressionism emerged." Nakasuot si Sir Niccolo ng aquamarine na short-sleeved polo, and as usual, naka tuck-in na naman ang polo niya sa itim na pantalon at bakat na naman kung ano mang treasure ang itinatago niya doon. Napansin kong panay ang senyas sa akin ni Vince. Hindi ko siya pinapansin.
"The European artists under this movement continued using the basic qualities of the impressionists before them - the vivid colors, heavy brush strokes, and true-to-life subjects." Bawat pindot ni Sir sa hawak na clicker ay nagfa-flash ang iba't ibang mga paintings at kahit hindi naman ako normally interesado sa ganoong mga bagay, hindi ko mapigilang maamaze sa mga nakikita ko.
"However, they expanded and experimented with these in bold new ways, like using a geometric approach, fragmenting objects and distorting people's faces and body parts, and applying colors that were not necessarily realistic or natural."
Sobrang professional talaga ni Sir. Wala, kahit kaunti, na parinig o clue man lang tungkol sa ginawa ko noong nagdaang araw. Para bang walang nangyari. Parang hindi niya ako nahuling nagnanakaw ng keyboard sa computer lab.
"So who were the artists under post-impressionism? There were two. One was Paul Cézanne, and who can guess the other one?"
Sari-saring mga sagot ang natanggap ni Sir nang sabay sabay, something na hindi niya ineencourage kaya naman nanahimik ang mga kaklase ko at paisa-isang nagtaas ng kamay.
Puro kalokohan yung iba, kabilang na si Vince, na ang sagot ay si Pintados daw ng Art Angel. Bagamat off at nakakairita, hindi pa rin na-shake si Sir at ngumiti at mahinahong sinabi na hindi iyon ang tamang sagot. Bwisit talaga 'tong si Vince.
BINABASA MO ANG
I Love You, Sir (Two Roads Part 5)
Teen FictionWhat happens when a young "straight" student suddenly falls in love... ...with his handsome and perfect teacher?