CHAPTER 17

2.6K 280 41
                                    


Mula sa taas ng canvas, sinilip ko siya. Extra gwapo si Sir Niccolo ngayong araw. Napansin kong bagong gupit siya kaya lalong luminis ang hitsura. Itim na itim ang kanyang buhok na lalo lamang bumagay sa maputi niyang balat.

Itinuon ko ang atensyon sa ginagawa ko. Ang bilis matuyo ng pintura. Dinutdot ko ang paintbrush sa palette at nagdagdag ng detalye sa canvas. Hindi ako makapag-focus. Laging bumabalik sa isip ko ang post ni Sir sa FB at kung paano niya hinashtag ang mga palayaw namin nang magkasama.

Muli akong nagnakaw ng tingin mula sa ibabaw ng canvas. Busy si Sir sa pagsusulat at hindi man lang tumitingin sa akin.

Hindi ako nakatiis ay inilapag ko ang palette at tumayo ako. Lumapit ako sa desk ni Sir.

"Sir."

Inilapag ni Sir ang ballpen at inangat ang gwapo niyang mukha sa akin. "Nathan?"

"I love you, Sir." nanginginig ang boses kong sinabi.

Napaupo si Sir Niccolo nang maayos. Bihira ang pagkakataon na nakita ko siyang nagsuot ng neck tie. Inayos niya ang pagkakahigpit ng neck tie niyang itim sa carnation pink niyang polo. Tumitig ang brown niyang mga mata sa akin.

"I love you too, Nathan, because you are my student."

"Pero Sir, mahal kita." Hinawakan ko ang malambot niyang mga kamay na mainit kahit ang lamig ng air-con. "Mahal kita bilang ikaw. Bilang lalaki. Bilang Coco Raphael Mar, hindi bilang teacher ko po. Mahal mo rin ba ako, Sir?"

Sandaling tumingin si Sir sa mga kamay kong nakahawak sa mga kamay niya at pagkatapos ay muling ibinalik ang paningin sa akin.

"What are you talking about, Nathan?"

"Sir, mahal po kita. In love po ako sa'yo."

Hindi nakapagsalita si Sir. Binawi niya ang mga kamay mula sa pagkakahawak ko at pagkatapos ay muling yumuko at tinangkang ituloy ang pagsusulat.

"Sir."

"Nathan, what do you want me to say?" Seryoso ang mukha ni Sir. Muli niyang binitawan ang ballpen at pagkatapos ay sumandal sa kanyang office chair.

"Please, sabihin mo pong mahal mo rin ako."

Natawa nang mahina si Sir. Ako naman ay tumulo ang luha sa hindi maipaliwanag na dahilan. Siguro, dahil naguumapaw ang emosyon sa puso ko na hindi ko mapigilan kundi lumabas. Naguumapaw ang nararamdaman ko para kay Sir, sapat para makalikha ako ng wildfire o ng tsunami.

"Didn't I tell you yet? I love you, Nathan. You are my student. It's normal that I feel this way because as your teacher, I care for you."

Umiling ako. Panay ang labas ng luha sa mga mata ko. "Hindi ganun, Sir. Alam ko na alam mo po kung ano ang tinutukoy ko. Mahal kita, Sir. At alam ko. Nararamdaman ko po na –"

"Stop." Bahagyang nagdilim ang expression ng mukha ni Sir. "Don't even go there, Nathan. Just don't."

"Ganun lang po ba yun, Sir? Stop? Yun lang ang sasabihin niyo po? Paano naman po ako? Paano po ang puso ko? Sasabihan ko lang din po ng 'Stop'?"

Tumayo si Sir at lumapit sa akin. Mula sa bulsa ay inilabas niya ang panyo niyang maayos na maayos ang pagkakatupi at pagkakaplantsa. Hinawakan niya ang ilalim ng mukha ko at dahan dahang pinunasan ang luha sa mukha ko.

Hindi ako kumilos pero naramdaman kong may panibago na namang luhang tumulo mula sa mga mata ko. Hinawakan ni Sir ang isa kong kamay at inilagay ang panyo niya doon. Muli siyang bumalik sa upuan niya.

"I could tell you a hundred – no, a thousand things to let you know that whatever you are telling me, Nathan, is crazy and that whatever it is that you think you are feeling is not real. But I'm not going to do that. So let me just say 'Stop'. Stay where you are, Nathan. Don't let yourself step any further. I am your teacher. You are my student. That alone should be enough to put a sharp line between me and your heart."

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon