Ilang sandali siyang tumitig nang masama sa kotse ko. May nabago sa hitsura niya. Ah alam ko na. May eyeglasses na siya ngayon. Bumagay naman sa kanya. Lalo niyang ikinagwapo. Lalo siyang nagmukhang masungit at antipatiko. Nakatikom ang maganda niyang bibig. Ang wavy niyang buhok ay dahan dahang gumagalaw sa mahinang ihip ng hangin.Maya maya pa ay tumayo siya at naglakad palapit sa kotse ko, papunta sa window sa side ko. Mahina niyang kinatok iyon. Salubong pa rin ang kilay niya.
Ibinaba ko ang tinted na window at humarap sa kanya.
"What did you do that for?" masungit niyang tanong.
Inalis ko ang suot kong sunglasses at ngumiti sa kanya. Napansin kong namilog ang mga mata niya sa ilalim ng suot niyang salamin. Siguro, nakilala niya ako.
"Well," sabi ko, sabay tingin sa motor niyang nakaharang sa daan. "I had to do it. You're blocking my way. And this is a driveway, you know?"
Umiwas siya ng tingin. "Yeah. Right. Okay." sabi niya at pagkatapos ay tumalikod at bumalik sa motor niya. Hinawakan niya iyon sa magkabilang handlebar at dinala sa gilid ng daan. Hindi na siya muling tumingin sa akin.
Iyon lang iyon? Ni hindi man lang ba niya ako aawayin katulad ng ginawa ko sa kanya noong siya ang bumusina sa akin sa driveway ng Henderson Hotel?
Dahil maluwag na ang daan ay muli ko nang pinaandar ang D-Max at nilagpasan ko siya. Tumingin ako sa rearview mirror. Tuloy pa rin siya sa pagexamine sa motor niya pero mukhang hindi naman niya alam ang gagawin.
Iginilid ko ang sasakyan at inihinto. Pagkatapos ay bumaba ako at nilapitan ko siya.
"Need help?" tanong ko. Humarap siya sa akin at sandali siyang hindi nakapagsalita. Hindi niya yata inaasahan na bababain ko pa siya.
"I don't think you know what to do." sabi niya, nakalingon sa kanyang motor. "Tumirik na lang bigla eh. It's been acting weird lately. Kung sabagay, luma naman na kasi. High school pa ako, motor ko na 'to eh."
"I see." sabi ko, upu-upuan pa at tingin-tinginan pa kunwari sa motor pero tama naman siya, wala naman akong alam. "Hindi naman siguro sa battery? Or baka loose ang spark plug wire."
Ngumiti siya. Boy, ang gwapo. Mas gwapo siya kung ganyang nakangiti siya at hindi masungit. Yun nga lang, hindi ako sigurado kung ngumiti ba siya dahil natuwa siya sa akin o dahil nakakatawa ang mga pinagsasabi ko at halatang wala akong alam sa motor.
"It doesn't matter." sabi niya. "Iwanan ko na lang muna siguro ito dito at magtataxi na lang ako. I'll just send someone to get this later."
Lumapit ako sa likod na part ng motor niya. "Why bother? Halika, help me. Isakay na natin sa kotse ko."
Hindi siya agad tuminag at tumitig lang ang hindi gumagalaw na mga mata sa akin.
"Come on!" sabi ko at tinangka nang buhatin ang part na hawak ko. Wala siyang nagawa kundi lumapit at buhatin ang unahang part ng motor.
Dinala namin ang motor sa likod ng pickup car ko at isinakay sa cargo bed. "God, it's heavy." sabi ko. Feeling ko ay mapuputol ang braso ko. Pareho naming pinagpag ang mga kamay namin habang tinitignan ang sariling mga suot kung nadumihan ba.
"There." sabi ko, medyo naghahabol ng hininga dahil nabigla ako sa pagbubuhat. "You jump in, hatid na kita."
"You sure? Wag na." sabi niya. "Magtaxi na lang ako."
"OK ka lang?" tanong ko. "Para saan pa at isinakay natin 'yang motor mo dito? Where do you expect me to drop this kung hindi ka sasama?"
"Ah, yeah. Sorry." sabi niya. "OK then. Thank you."
BINABASA MO ANG
I Love You, Sir (Two Roads Part 5)
JugendliteraturWhat happens when a young "straight" student suddenly falls in love... ...with his handsome and perfect teacher?