CHAPTER 9

2.4K 256 44
                                    


Bumukas ang gate ng school at nakipagunahan ako sa mga estudyanteng tulad ko ay late din kaya nasaraduhan ng gate at hindi nakasali sa flag ceremony.

Lunes na Lunes, late na naman ako. Ewan ko ba, kahit ano yatang motivation ang gawin ko sa sarili ko, hindi ko makuhang bumangon nang maaga. Isa pa, sabay sabay kaming nagpreprepare ng mga kapatid ko para sa pagpasok. Pangumaga rin kasi sila sa elementary school. Hindi lang iyon. Si Mama din. Napakatagal pa niyang maligo kaya kapag naunahan niya ako sa banyo, talaga namang aabutin ako ng siyam siyam.

Sigurado ako, gigil na gigil na naman sa akin si Ma'am Venice. Ang nakakatakot niyan, baka ibagsak niya ako. Yari ako sa sponsor ko.

Paakyat na ako ng hagdan nang maramdaman kong may biglang umakbay sa akin. Lumingon ako at nakita ko si Vince na nakangiti.

"P're." tipid kong sinabi. Bukod sa nagulat ako, hindi ko inaasahang gagawin niya iyon dahil ang alam ko, masama ang loob niya sa akin.

"Nangiiwan ka, P're." sabi niya. "Late na rin naman, wag ka nang magmadali."

"Hindi ko naman alam na late ka rin ngayon." sabi ko.

"Bakit, kailan ba ako naging maaga?" tumatawa niyang tanong. Lalo niyang hinigpitan ang akbay sa akin.

"Hindi ka na galit?" tanong ko.

Tumawa siya ulit. "Bakit naman ako magagalit? Ano ako, chicks?"

Tinanggal ko ang braso niya sa pagkaka-akbay sa akin at humarap ako sa kanya. "Eh kung hindi ka pala galit, bakit wala kang paramdam, P're? Tapos umabsent ka pa nung Friday. Ano yun? You needed space? Tapos sasabihin mong hindi ka chicks?"

"Gago. Kung may space man akong kailangan, P're, yun ay space na pagsasalpakan ko nitong malaking ratbu ko."

Mabilis akong napalingon sa paligid dahil marami kaming kasabay na paakyat sa hagdan. Gago talagang Vincent 'to. Walang pinipiling lugar.

Muli siyang umakbay sa akin. Nagumpisa na siyang maglakad paakyat kaya ganun din ang ginawa ko. "P're hindi ako nakapagchat kasi sobrang busy namin nitong mga nakaraang araw."

"Tae mo. Ikaw, magiging busy? Ulol, wag ako."

"Oo nga, ah parang tanga 'to." sabi naman niya, seryoso pa ang mukha. "Umuwi kasi si Kuya Leo galing sa Germany. Sinurprise kami. Kaya ayun, halos hindi ko nahawakan cellphone ko buong weekend, P're. Kung saan saan kami nagpunta nila Kuya. Kasama niya ang asawa niya at mga anak. Tang ina, P're. ang sexy ng asawa ni Kuya."

Kumikilos ang mga kamay ni Vince habang nagkukwento. Dinedemonstrate niya kung ano ang shape at kung gaano kalaki ang mga parte ng katawan na nakita niya sa asawa ng kuya niya. Sira ulo talaga. Sobra talagang attracted siya sa mga babaeng malaki ang agwat ng edad sa kanya.

"P're, asawa ng kuya mo 'yun, tapos pagnanasaan mo?"

"Eh ano naman?" Pulang pula ang mukha ni Vince at namumuo pa ang pawis sa ilong. "Mas nakakalibog nga iyon eh. Naku, P're, wag lang magkakamali ang babaeng yun na magpakita ng motibo sa akin, hindi talaga ako magdadalawang isip. Pansin ko, tingin nga ng tingin eh."

"Hoy, mahiya ka nga! Bakit ka naman papakitaan ng motibo nun? Eh si Kuya Leo, gwapo. Tapos malaki pa ang katawan?"

"Mas daks naman ako. At feeling ko, mas magaling ako sa kama."

"Kilabutan ka nga. Kadiri ka." Binilisan ko ang lakad. "Bilis na, yari na naman tayo nito eh."

Pagdating sa classroom ay agad akong sumilip sa pinto. Kasalukuyang nagsasalita si Ma'am sa unahan. Pero kung hindi ako nagkakamali, hindi tungkol sa lesson. Masaya sila at parang kinikilig pa ang mga babae.

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon