Tumigil ako sa pagtugtog. Ibinaba ko ang bow at ang violin at tumitig ako kay Sir Niccolo. Ngayong wala nang music, narealize ko kung gaano katahimik sa loob ng room niya. Walang ibang naririnig maliban sa occasional na beeping sound na nanggagaling sa bedside (vital signs) monitor.Pinagmasdan ko ang natutulog kong teacher. Ang teacher kong sobrang perfect, sobrang galing, sobrang talino, sobrang gwapo. Ang teacher kong simula pa lang nang makita ko, hindi na nawala sa puso at isip ko.
Kung ako ang tatanungin, syempre, gwapo pa rin si Sir. Mananatili iyon at hinding hindi magbabago sa puso ko. Pero ang totoo, sa hitsura niya ngayon, wala na ang kagwapuhang iyon. Matagal nang ninakaw ng sakit niyang leukemia. Walang buhok, maputlang maputla ang kulay, nangingitim ang palibot ng mga mata, sugat sugat ang labi, sobrang payat ng katawan. Sari-saring tubo at machine ang nakaconnect sa katawan niya. Bakit kailangang magkaganito? Bakit kailangang danasin niya ang lahat ng ito?
"Sir..." sabi ko, kahit alam kong hindi naman niya ako naririnig. May itinurok sa kanya para makatulog siya dahil nagwawala siya kanina sa sobrang sakit. Bawat hiyaw niya, bawat iyak, dumederetso sa puso ko at para bang unti unti akong pinapatay. Kaya kahit sobrang nakakaawa siya, hinahayaan ko na lang ang mga doktor na turukan siya ng pampatulog.
"Sir, nakapurple ka today, Sir."
Of all colors. Of all colors ng hospital gown na ipasusuot sa kanya, bakit yung light purple pa ang napili nila? Hindi ba nila alam na ayaw na ayaw ni Sir ng kulay na iyon?
Purple, according to Sir Niccolo, is the color of death.
"Sir!" Napasigaw ako. "Sir, get up! Take that off, Sir. Ayaw mo 'yang kulay na 'yan di ba? Take that off at pagalitan mo silang lahat! They shouldn't be doing that to you."
Naipon ang luha sa ilalim ng mga mata ko at ilang saglit pa'y malaya nang tumulo. Hindi na bawal ngayon ang umiyak sa loob ng room ni Sir. Sila Sir Enzo at Sir Neil? Ilang beses nang umiyak sa loob ng room na ito - sa harap pa mismo ni Sir Niccolo. Hindi na nila kinaya pang panindigan ang rule na sila mismo ang gumawa.
Kung sabagay, bato lang ang hindi iiyak sa t'wing makikita ang sitwasyon ni Sir. Sobrang sakit kung titignan. Nakakabaliw. Nakakadurog ng puso.
"Kawawa naman si Coco." sabi kanina ni Sir Enzo, ilang sandali matapos magwala ni Sir Niccolo at maturukan ng sedatives. Mugtong mugto ang mga mata niya at panay ang singhot. Panay naman ang hagod sa likod niya ang kaibigang si Sir Neil, pero pulang pula rin ang mata dulot ng pag-iyak. "Hirap na hirap na siya."
"Should we tell his family?" tanong ni Sir Neil.
"Ayaw niya, Basti. Ang sabi niya, hindi na mahalagang malaman nila. Baka makarating pa sa Tatay niya. It's like aside from his Mom, no one else really matters to him anymore."
"Coco is fading, Enzo. Hindi ko alam kung kakayanin ko when it's time to -"
"Stop!" sigaw ko. Napatingin silang dalawa sa akin.
"Nathan." sabi ni Sir Enzo. "I -"
Umiling ako at itinaas ko ang isa kong kamay para ipakita sa kanilang wala akong balak pakinggan kung ano man ang gusto nilang sabihin. "Please leave me alone with Sir Niccolo, kahit sandali lang."
Pinagbigyan naman nila ako. At iyon ang dahilan kung bakit ako lang ang kasama ni Sir ngayon.
"Sir..." Inilibot ko ang paningin ko sa hospital room. "We're not really here, are we?'
Muli na namang pumatak ang luha ko. Bawat patak ay mas marami at mas masakit kaysa sa nauna.
"We're in school, like we were. I'm your tenth grade student who always gets in trouble, and you are my MAPEH teacher, the coolest and the most handsome teacher I've ever met. And after class, I'd visit you in your office to make up for the tests and requirements that I failed to complete. You'd share your food to me and it would be the most satisfying feeling to rest after we eat, while staring at the parakeet-painted walls."
BINABASA MO ANG
I Love You, Sir (Two Roads Part 5)
Novela JuvenilWhat happens when a young "straight" student suddenly falls in love... ...with his handsome and perfect teacher?