"Did you sleep well?" tanong ni Sir Enzo (sinabihan niya ako na huwag na siyang tawaging Chef, at ganoon din raw si Sir Neil - huwag ko na raw tawaging DJ. Masyado raw impersonal) habang nasa byahe kami. Tahimik lang ako na nakatingin sa labas ng bintana dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Naeexcite ako and at the same time, kinakabahan nang sobra.
"I was cold." sagot ni Tyron. Kaya pala siya yumakap sa akin. Hindi ko nga alam kung aware siya sa ginawa niya dahil nang magising ako kinaumagahan, gising na siya at nagseset up na ng table para sa almusal na pinrepare naman ni Sir Enzo.
"Then you should have worn warmer clothes."
Hindi kumibo si Tyron.
"What about you, Nathan?"
"I did." pagsisinungaling ko. "I was comfortable. And it was... warm."
Napansin kong lumingon sa akin ang gwapong lawyer. Nakasuot siya ng dilaw na shirt at ako naman ay black. Buti na lang at may mga damit si Sir Enzo na kumasya sa aming dalawa. Pareho naming hindi inexpect na aabutin ng umaga ang lakad namin. Yung kotse ko, iniwan ko muna sa parking lot ng building na tinitir'han ni Sir Enzo.
"That's good." sabi ni Sir Enzo. "Like what I've said, you'll be needing your strength."
"Why?" tanong ko.
"You'll know."
"Wait, where are we going?" Nagulat ako dahil biglang nagsalita si Tyron. Parang may tension sa boses niya. "Drive around, Sir. I don't want to be here."
"But this is where we should go." sagot ni Sir Enzo. "Believe me, Tyron, I don't want to be here too but we don't have a choice. Unless you don't want to see Basti and Coco, eh be my guest."
Tumingin sa akin si Tyron. Inalis niya ang salamin at pagkatapos ay pumikit at huminga nang malalim. "Alright, then."
Tumingin ako sa labas. Papalapit na kami sa isang malaking hospital. Parkview Medical Center. Ewan ko, pero mas lalong tumindi ang kaba ko. Bakit sa hospital kami pupunta? Sinong may sakit? Si Sir ba?
Sa entrance ay parang hindi hospital ang pinasok namin. Ang lawak ng lobby at parang hotel ang hitsura ng lugar, kung hindi rin lang may mga nurses at doctors na nagpaparoo't parito. Off-white ang meter squared-sized tiles ng floor na may outline na gold.
Lalapit pa lang sana kami sa nurse station nang kalabitin ni Tyron si Sir Enzo. Nakatingin siya sa entrance kung kaya ganoon din ang ginawa namin. Nakita ko si Sir Neil na papasok sa glass door. May hawak siyang paper cup. Nagiba ang hitsura niya dahil ang dating malinis na tubo ng stubble, ngayon ay parang hindi na naaahitan o natritrim man lang. Wala siyang idea na naroon kami at nakatingin sa kanya.
Umasa ako. Umasa ako na kasunod niya, papasok rin si Sir Niccolo. Pero wala. Walang tao sa likuran niya.
"Basti!" malakas na sinabi ni Sir Enzo kaya naman napatingin ang lalaki sa amin. Nanlaki ang mga mata niya at nagulat ako nang mabitawan niya ang cup ng kape at tumapon ang laman sa white na tiles. Napalingon ang mga tao sa paligid at napatingin ako sa guard na agad umalis sa pwesto para lapitan siya.
Pero mas mabilis si Sir Neil, agad siyang lumapit sa amin at hinablot si Sir Enzo sa collar ng suot nitong jacket at halos kaladkarin papunta sa isang tabi. Sumunod naman kami kaagad ni Tyron.
"What the hell are you thinking?" galit na galit na tanong ni Sir Neil pero pinipigilan ang sariling sumigaw. Tumayo si Tyron sa likuran niya para pumigil pero hindi pa rin binibitawan ni Sir Neil ang kwelyo ng jacket ni Sir Enzo. "What are you doing here with the boy?"
The boy. Ako yung tinutukoy niya.
Hindi nakasagot si Sir Enzo dahil nakalapit na sa amin ang guard. "Sir, may problema po ba?" Kasunod niya ay lalaking may hawak na mop at cleaning tools.
BINABASA MO ANG
I Love You, Sir (Two Roads Part 5)
Teen FictionWhat happens when a young "straight" student suddenly falls in love... ...with his handsome and perfect teacher?