CHAPTER 6

2.5K 264 39
                                    


"Sir."

Dahil sa gulat at dahil sa taong hindi ko inaasahan na makakakita sa akin, of all people, hindi ko yata naitago ang guilt sa mukha ko. Ang masama pa, napalingon pa ako sa kahon ng keyboard na nakausli sa backpack kong hindi ko nagawang isara dahil nga mas mahabang di hamak ang kahon ng keyboard.

Sinundan iyon ni Sir ng tingin.

"Aren't you going to do anything?" Hindi mabait ang boses niya. Mababa, at kahit hindi tunog galit, hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. "You're supposed to be putting that thing back, Nathaniel Donovan."

Hindi niya ako tinawag na 'Nathan'. Malinaw na kung ano man ang damdamin ni Sir Niccolo nang mga oras na iyon para sa akin, hindi iyon yung tipong magiging komportable ako.

Pinihit niya ang doorknob at muling bumukas ang pinto ng computer lab. Nakatingin lamang siya sa akin nang deretso.

Putang ina. Saka lamang nag sink in sa akin ang idea. Nahuli ako na nangnanakaw ng keyboard sa computer lab. Nahuli ako ng isang teacher na nagnanakaw ng keyboard sa computer lab. NAHULI AKO NI SIR NICCOLO NA NAGNANAKAW NG KEYBOARD SA COMPUTER LAB! Shit. Patay na.

Deretso pa rin na nakatingin sa akin si Sir habang bahagyang nakataas ang isa niyang kilay. Mabigat ang mga hakbang na pumasok ulit ako sa computer lab at ibinalik ang keyboard kung saan ko iyon kinuha.

Dahan dahan akong lumakad palabas. Hindi pa rin inaalis sa akin ni Sir ang paningin niya. Nakakalungkot isipin na sobrang disappointed na siya sa akin. Hindi pa nga ako nakakabawi sa ginawa kong pagcucutting sa klase niya, nasundan na kaagad ang kaso ko.

"I didn't know you're capable of doing that, that you'd actually steal from your own school."

"Sir."

"Stealing is a crime. And it's a crime punishable by law."

Lumakad si Sir Niccolo palayo sa computer lab at sinundan ko siya.

"Sir, let me explain. Ginawa ko lang po iyon kase -"

"No, STOP!" malakas, halos pasigaw niyang sinabi. Salubong ang kilay niya at galit ang mga mata sa ilalim ng salamin. Lumitaw din ang dimples niya kahit hindi naman siya nakangiti. "Don't explain. I didn't ask you to. I don't need it either. It'll just make me angrier."

Shit. Galit nga si Sir. Anong gagawin ko na ngayon?

Tuloy tuloy pa rin siyang naglakad at sumabay lang ako, hanggang sa nadaanan namin ang school park kung saan nakatambay si Vince. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kami at sumenyas ako sa kanya na umalis na. Ayokong makita siya ni Sir. Iisipin ni Sir, magkasabwat kami (kahit totoo naman). Hindi ko maimagine ang mangyayari kapag nalaman ito ni Tito Mike. Baka palayuin na kami sa isa't isa at hindi na ako makatungtong sa bahay nila Vince kahit kailan.

Pinandilatan ko si Vince dahil ayaw pa rin umalis. Sumenyas ako ng 'call' para iparating na tatawagan ko na lang siya mamaya.

Tumigil si Sir sa paglalakad at deretso ulit na tumingin sa akin. Para akong malulusaw dahil sa mga mata niyang iyon na kulay brown na kahit hindi nanlilisik ay alam kong galit na galit, at magnanakaw ang tingin sa akin.

"The ends don't justify the means, you know?"

Tumango ako kahit hindi ko naintindihan.

"If it's unclear, let me give you an example." Inilagay niya ang dalawang kamay sa likuran. Umihip ang hangin at gumalaw ang malambot niyang buhok. Napakagwapo naman talaga nitong teacher kong ito. "Robin Hood just wanted to help the poor – that's the end. What were his means? He stole from the rich and used what he stole to help the poor. Though his objective was good, what he did to achieve it was wrong. Therefore, that end doesn't justify the means."

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon