CHAPTER 34

2.2K 264 45
                                    


"Nakapagdecide na po ako Sir. Hindi po ako uuwi sa Bicol."

Nakatayo ako sa gitna ng office ni Sir Niccolo, sa harap ng desk niya at nakatitig nang deretso sa kanya.

Ito na ang huling araw ng pasok namin sa school. Bukas, completion day na namin sa Junior High. Akalain mo yun? Dapat, sa mga panahong ito ay halos nagtatatalon ako sa tuwa. Tapos na ang klase. Bakasyon na! Nakatapos din ako ng Junior High School, sa wakas.

Maliban doon, inannounce ni Ma'am Venice na may matatanggap akong medals dahil sa loyalty award at ako rin daw ang 'Artist of the Year', isa sa mga awards na binibigay sa completing class kada taon (kasama ng 'Musician of the Year' – si Cathy ang napili, at 'Dancer of the Year' – na napunta naman kay Vince) at dahil si Sir Niccolo ang MAPEH Teacher ng JHS ngayong taon, siya ang namili ng awardees.

Nakakatuwa lang isipin na kahit bulakbol at sira ulo kami ni Vince, kasali kami sa may karangalan.

Masaya sana. Pero hindi ganoon ang nararamdaman ko.

Ilang gabi ko nang pinagiisipan ang mga bagay bagay at halos hindi ako nakakatulog. Isang beses ko lang binanggit kay Mama na kailangan ng magulang dahil may mga medalyang isasabit sa akin, at nang sinabi niyang hindi siya makakapunta dahil mahal ang pamasahe, hindi na ako nangulit.

Inisip ko, mabuti na rin iyon. Kasi, kapag lumuwas si Mama ng Maynila para umattend ng moving up ko, mapipilitan akong sumama sa kanya pabalik sa Bicol.

Kahit anong gawin kong pagkumbinse sa sarili ko, kahit namimiss ko sila Cielo at Harry, kahit alam ko na matanda na si Lola at kailangan ko nang ilaan ang nalalabing mga taon sa tabi niya, hindi ko maramdaman sa puso ko na gusto kong umuwi doon.

Higit pa sa galit ko kay Mama at kay Kuya Uno. Higit pa sa mahihiwalay ako sa 'bestest' best friend kong si Vince. Higit pa sa movie project ni Direk Riego na araw araw kong hinihintay kung may update na ba.

Ito, itong taong ito na nasa harapan ko. Na isipin ko pa lang na hindi ko na makikita ang kislap ng brown na mga mata sa ilalim ng salamin, ang matangos na ilong at manipis na labi, ang malalim na dimples; isipin ko pa lang na hindi ko na maririnig ang maganda niyang boses na tinatawag ang pangalan ko; isipin ko pa lang na hindi ko na mararamdaman ang dampi ng malambot niyang kamay sa ulo ko para haplusin ang buhok kong paboritong paborito niya... Isipin ko pa lang iyon lahat, nangungulila na ako.

Inilapag ni Sir Niccolo ang ballpen na ginagamit niya sa pagpirma sa mga certificates bago ako pumasok sa office niya at istorbohin siya. Napaupo siya nang maayos at deretsong tumitig sa akin.

"You should go home, Nathan. Don't you miss your family?"

Umiling ako. Hindi dahil sa hindi ko sila namimiss kundi dahil sabi ko nga, hindi 'strong' enough yun reason na 'yun para umuwi ako.

"You know, it's hard to be alone. No one likes that. I'm actually admiring you for lasting what, 2, 3 months?"

Hindi ako kumibo. Kinaya ko ang lahat kasi nandiyan siya. Araw araw ko siyang nakikita. Minsan, sa bahay pa siya natutulog. Hindi ba niya alam na siya ang pinakamalaking dahilan kung bakit ko kinaya, at kung bakit sa tingin ko ay kakayanin ko pa rin ang pag-iisa, hanggang sa dumating ang tamang panahon na pwede na, na pwede na kaming magsama?

"You mentioned to me a few days ago that your cousin, the one who tormented you, is back home where your mom and your brother and sister are. Tama ba?"

"Opo, Sir. Nasa Siruma na po ulit si Kuya Uno. Hindi po siya tinanggap sa mga inapplyan niyang trabaho dito sa Maynila. Pinadalhan po siya ni Lola ng pamasahe. Isa pa nga po iyon sa reasons kung bakit ayokong umuwi."

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon