CHAPTER 8

2.7K 266 86
                                    


Kinabukasan, umabsent si Vince. 

Wala siyang chat or text sa akin kaya alam ko na hindi pa rin kami OK. Ayoko rin namang maunang magchat sa kanya. Hindi ako sanay na nagkakatampuhan kami ni Vince. Madalas, pinalalagpas lang namin ang isa't isa kahit inis na inis na kami. Ngayon lang nangyari ang ganito.

At dahil absent siya, hindi na rin ako lumabas para sa recess, kahit pa panay ang chat sa akin ng babaeng Grade 9 na ipinakilala sa akin ni Vince noong isang araw. Gustong magkita kami sa canteen.

Wala akong gana.

Mabagal na lumipas ang oras. Bawat subject ay nakakaburyong. Kahit wala namang kasalanan ang mga teachers namin sa nangyayari, sa isip ko, minura ko sila nang minura. Wala akong ibang hinintay kundi ang MAPEH time.

Sa wakas, nang makita kong papasok ang teacher kong nakasuot ng mustard-colored na polo (Hindi ako kahit kailan nagandahan sa mustard kasi parang kulay tae, pero bakit iba ang dating kay Sir? Parang bagay na bagay sa kanya.) na itinuck-in niya sa dark brown na pantalon, nabuhayan ako.

Pinagawa kami ni Sir ng sarili naming impressionist artwork. Bigla kong naalala na pinagdadala nga pala niya kami ng materials. Wala akong dala kahit illustration board man lang. Hindi niya pinayagan ang mga walang dalang materials para lumabas at bumili. Okay na rin iyon, kasi kung magkakataon, ako lang ang hindi makakabili dahil wala naman akong pera.

Ginawa na lang niyang by pair ang artwork at sinabing bayaran na lang namin yung may mga materials. Agad kong binulungan ang naassign sa aking partner, si Cathy, yung kaklase kong tahimik at madalas nabubully dahil bungi ang ngipin at maraming pimples, na next time ko na lang siya babayaran, sabay kindat. Mabilis naman siyang pumayag.

Siya lang din ang gumawa ng artwork. Nagkunwari lang akong pinihit pihit ang mga takip ng acrylic paints kapag napapadaan si Sir sa pwesto namin. Minsan, pinaglalaruan ko yung extrang paintbrush ni Cathy at pinagmimix ko yung mga kulay. Panay ang saway niya sa akin na mahal daw ang bili niya doon kaya wag kong aksayahin.

Impasto daw ang gagawin namin, sabi ni Sir. Wala akong kaide-idea kung ano iyon. Sure ako na naidiscuss niya iyon dahil magaling magturo si Sir. Ang problema ay ako. Mahina ang retention ko sa mga bagay na ganyan. Akala ko nga at ng iba kong loko-lokong kaklase na 'impatso' iyon. Paulit ulit pa ako. Pero noong napansin kong hindi na natutuwa si Sir at nakatingin lang nang seryoso sa akin, nanahimik na ako.

Nang sa wakas ay magbell, ipinatago na sa amin ni Sir ang ginagawa namin at sinabing sa bahay na lang tapusin.

"Pupunta ka sa bahay mamaya?" tanong ni Cathy.

"Hindi." mabilis kong sagot. "Ano namang gagawin ko doon? Wala naman akong maitutulong sa'yo."

Sumimangot siya at dumeretso na palabas ng room, bitbit ang bag niya at art materials.

Lumapit ako kay Sir Niccolo at hinawakan ko yung module at chalkbox niya sa ibabaw ng teacher's table.

"Nathan," mahinahon niyang sinabi. Nakatingin siya sa mga kamay ko na hawak ang gamit niya. "What are you doing?"

"Hatid na po kita, Sir. Sa office mo po."

"No need for that." sabi niya habang isinasara ang laptop bag. "Why don't you take your lunch first, then see me after you eat?"

Natahimik ako. Wala si Vince. Paano ako maglulunch?

Napansin iyon ni Sir. "What's wrong?"

Umiling ako. "Hindi na po ako maglalunch, Sir."

"Why not? Baka magutom ka, Nathan." Bigla niyang inilapit ang mukha sa akin. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. "Wala kang pera?"

Nakakabaliw. Alam mo yung ganoong mga titig ni Sir, sapat para mataranta ka at mag-isip ng kung ano ano. Sari-saring ideas na kaagad ang pumasok sa isip ko sa tanong niyang iyon.

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon