CHAPTER 49

2.3K 227 23
                                    


Pinahid ko ang basa kong mukha gamit ang panyo at pagkatapos ay binuksan ko ang pinto ng kotse sa side ko.

"Why are you here?"

Sandali muna siyang tumingin sa akin. Pagkatapos ay tumingin sa manibela. "Move over. I'll drive you home."

Hindi na ako nakipagtalo. Ewan ko kung bakit, pero para akong batang sumunod sa utos niya. Lumipat ako sa passenger seat.

"I'm sorry, Nathan." malungkot niyang sinabi habang nagmamaneho. Dahil doon ay napalingon ako sa kanya mula sa tahimik kong pagmumuni-muni habang pinagmamasdan ang mga billboard sa labas.

"For what?" sisinghot-singhot kong tanong. Feeling ko, ang liit liit ng mga mata ko. Magang maga dahil sa pag-iyak.

"For what you've found out. I'm really sorry."

"But you knew it, right? You said you knew it."

"Yeah. But really, they didn't tell me anything. I just... knew."

"How?"

"Probably because of Sir Lorenzo's actions. Ganoon din siya dati eh. When it was... when it was JB."

Masyadong mabilis ang paraan ng pagsasalita niya sa huling sentence pero nahagip ko pa rin kung ano yung sinabi niya.

"Is that why you didn't come up with us?" tanong ko. Sandaling napalingon sa akin si Tyron. "Who's JB? What happened to him? Did he have cancer too?"

"No." kunot noo niyang sagot. "It was worse."

"What could be worse than a cancer, Attorney?"

"Coma." sagot niya. "JB was in a coma, Nathan. He got into an accident and was seriously injured. I visited him every day, in that same hospital. Nagundergo ako ng disinfection every time na papasok ako sa ICU kung saan siya naroon. It went on for two months. Hindi nagising si JB. Until... until JB..."

Inihinto ni Tyron ang kotse sa gilid ng daan. Nakatulala siya at ramdam ko ang bigat. Pinipigil niya ang sarili niya pero ramdam kong tutulo na ang luha niya anytime.

"I'm sorry." sabi ko. "I shouldn't have asked."

"He's the only thing that mattered, and I've loved him from the very first day that I saw him." sabi niya, na parang hindi ako narinig. "Pero Nathan, I did not treat him well. Actually, the day he got into that accident, inaway ko siya at sinabihan ng kung ano ano. His friends were right. Walang ibang ginawa si JB kundi mahalin ako. But I was so stupid. I didn't even let him know how much he meant to me. At habangbuhay kong dadalhin sa konsensya ko that it was me who actually pushed him to die."

"Tyron." sabi ko, shocked na shocked sa narinig at sa idea na namatay si JB sa ganoong paraan. "Don't blame yourself. Hindi mo ginusto yun. Walang gugustuhin na mangyari iyon. Kung nasaan man si JB ngayon, for sure alam niya na hindi iyon ang gusto mong mangyari."

"No, Nathan." Hindi sapat ang liwanag pero nakita ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ni Tyron. "I didn't tell this to anyone before. But I actually told JB that it would be better if he's gone. I didn't mean it that way, though. Alam ng Diyos yan. Alam ng Diyos kung gaano ko kamahal si JB. Hindi ko lang alam noon kung paano ko ipakikita at ipaparamdam sa kanya."

Tulad ng hitsura ko kanina, yumuko rin si Tyron sa manibela at umiyak na parang bata. Atubili akong inilapit ang nanginginig kong kamay at ipinatong sa balikat niya. Mahina kong hinagod iyon.

"I am such a horrible person.."

"No. You're not." sabi ko.

Inangat ni Tyron ang mukha at hinubad ang salamin. Dumukot siya ng panyo mula sa bulsa ng pantalon at ipinunas sa basa niyang mukha.

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon