"Okay, batch picture taking muna." sabi ng emcee sa microphone. "We start with 10-Diamond. Up here on stage. Quickly!"Buti na lang at inuna ang section namin. Inip na inip na akong matapos ang ceremony na ito. Umakyat kaming magkakaklase sa stage at bago pa kami naayos ng photographer ay kumain na ng maraming oras. Ang gugulo kasi ng mga kaklase ko. Hirap na hirap sumunod sa simpleng instructions na ibinibigay.
"Vincent, ano ba 'yan?" sabi ni Ma'am Venice. Napatingin tuloy kaming lahat kay Vince. "Baligtad ang certificate mo."
Sus. Yun lang pala. Kala mo naman makikita pa iyon sa picture eh ang dami dami namin.
"Nathaniel, wag mong takpan ang medals mo." Sa akin naman nakatingin ang lahat ngayon. Inayos ko ang hawak sa certificate para hindi matakpan ang medals na nakasabit sa leeg ko. "Saka bakit ba nandiyan ka sa likod? Dito ka nga katabi ng mga kaklase mong may awards. Dito kayo sa gitna."
Pumunta ako sa pwestong itinuturo niya, sa tabi ni Vince. Nang sa wakas ay naayos na at wala nang nakita si Ma'am Venice na hindi maganda para sa kanya, bumilang na ang photographer.
Napatingin ako kay Sir Niccolo. Nagliligpit na siya ng gamit. Mukhang aalis na si Sir.
Napansin kong nagliwanag dahil sa flash ng camera.
"Isa pa po. Hindi nakatingin 'yun o." sabi ng photographer habang tinuturo ako.
"Saan ka ba tumitingin Nathaniel?" tanong ni Ma'am.
"Kanino pa ba? Eh di kay Sir Labo." sabi ni Vince. Siniko ko siya. Nagtawanan ang mga kaklase ko.
"Sino?" litong tanong ni Ma'am.
"Wala po, Ma'am. Sorry po." sagot ko para matapos na.
After ng ilang shots, sa wakas ay pinakawalan din kami.
"Next, 10-Gold."
Ayos. Hihilahin pa sana ako ni Vincent para magpicture sa gilid ng stage pero tumakbo na ako. Wala na sa paningin ko si Sir Niccolo. Nakaalis na yata siya. Hindi pwede. Ito na ang huli kong chance para makausap ko siya at maipaintindi ko nang malinaw kung ano ang nararamdaman ko.
Lalabas na sana ako ng function hall nang makita kong palabas siya ng restroom.
"SIR!" malakas kong sigaw. Napalingon siya sa akin.
"Nathan!" sabi niya sa malalim at maganda niyang boses.
Hindi ako nag-aksaya ng panahon. Pagkalapit na pagkalapit ko ay iniyapos ko ang buo kong katawan sa kanya. Niyakap ko siya nang sobrang higpit. Kumalansing ang mga medals na nakasabit sa leeg ko.
"Congratulations, Nathan." sabi niya, habang hinahagod ang likod ko.
Napaluha ako. Mamimiss ko nang sobra si Sir. Kumalas ako sa pagkakayakap at humarap ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin at litaw pa ang malalim niyang dimples sa magkabilang pisngi.
"I love you, Sir." sabi ko.
Muli siyang ngumiti. "You know that I love you too, Nathan."
Napaluha ako ulit. "You love me because I am your student."
Tumango siya. "Well technically, you're not my student anymore."
"I really do, love you, Sir Niccolo. I will grow up someday. I will show you." Pinunasan ko ang luha sa mukha ko at sinubukan kong hawakan ang pareho niyang kamay. Hinayaan lang ako ni Sir kahit alam niya na maraming pwedeng makakita sa amin. Nakangiti pa rin siya. "I will become a man like you are now. Will you wait for me?"
Hindi siya sumagot pero naramdaman kong idiniin niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Please wait for me, Sir."
Bumitaw siya at hinaplos niya pataas ang buhok ko. "I will. Please grow up soon, Nathan. I'm not getting any younger."
Muli akong yumakap sa kanya. Ayaw tumigil ng luha sa pagtulo mula sa mga mata ko. "It won't be long, Sir. I love you. I love you, Sir Niccolo."
"Keep in touch, Nathan. You take care, and have a good life."
BINABASA MO ANG
I Love You, Sir (Two Roads Part 5)
Novela JuvenilWhat happens when a young "straight" student suddenly falls in love... ...with his handsome and perfect teacher?