CHAPTER 32

2.3K 262 35
                                    


"I'm so sorry, Nathan." sabi ni Sir Niccolo matapos malaman ang nangyari. Pumasok pa rin ako kinabukasan kahit parang nilalagnat ako at masakit ang ulo dahil siguro sa pagkakahila ni Kuya Uno sa buhok ko. Wala sana akong balak sabihin sa kanya pero pumasok rin si Vince na may black eye kaya wala na kaming nagawa kundi umamin nang magtanong si Sir. "I've been selfish. I knew that you were not safe with that man and that you're still grieving. I should have not left your side. I should have not thought of my own issues. Please forgive me."

Tumango ako at pinahid ko ang luha kong bigla na namang tumulo. "Ayos lang po, Sir. Kasalanan po talaga 'to ni Kuya Uno at saka ni Mama po."

"He's not coming back. Is he?"

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko po alam. Tumawag po si Lola sa akin kanina. Galit na galit nga po siya kay Kuya Uno. Hindi nga daw po umuwi doon so malamang, narito pa rin po siya sa Manila."

"You have to take extra care then. It's better kung ipa-blotter natin siya. Don't worry, I'll help you do it."

Muli akong tumango. "Salamat po, Sir."

"I actually have news." sabi ni Sir. "I heard from the SN people. They said the contract's ready. They want to meet you so you could sign it. Thing is, you don't look okay now. Shall I tell them to do it some other time?"

Bigla akong nabuhayan. Totoo ba? May kontrata na? Magkakatotoo na sa wakas ang matagal ko nang hinihintay.

"Okay lang po ako, Sir. Kailan po ba nila balak makipagkita?"

"They want to do it later today. Kaya mo na ba?"

Tumango ako.

Pinahiram ako ni Vince ng damit. Ang sabi ni Sir Niccolo, casual lang ang suotin ko kahit ineexpect niya na expensive restaurant ang pupuntahan namin dahil magpapaimpress ang SN sa amin. Nagpolo shirt lang ako (pero original na Lacoste) na kulay pink at maong pants (na Levi's) at white (Converse) sneakers. Narealize ko na ang mamahal pala talaga ng mga sinusuot lagi ni Vince. Nagkataon lang na hindi halata sa kanya. Pag magkasama kami, parang ako ang mamahalin ang suot kahit ang totoo ay sa tiangge lang nabibili lahat ng damit ko.

Tama si Sir Niccolo. Maganda ang restaurant na pinuntahan namin at mukhang mamahalin. Sobrang relaxing ng ambience at malapit sa Manila Bay. Tanaw ang mga ibong dagat na paroo't parito ng lipad mula sa di kalayuan. Spanish instrumentals pa ang music sa background.

Hindi ko alam kung dahil ba sa kinakabahan ako kung kaya hindi ako makakain o sadyang hindi ko lang gusto ang lasa ng pagkain. Ang tapang ng amoy at kung ano ang amoy, yun din ang lasa. Bumabalik sa alaala ko ang baktol ni Kuya Uno. Parang ganoon eh.

Napansin ko na si Sir Niccolo ay panay lang din ang hiwa sa karne niya sa maliliit na piraso at unti unti kung sumubo. Tumingin siya sa akin at nakita niya siguro ang kakaibang expression sa mukha ko.

"It's Mediterranean." bulong ni Sir sa akin habang busy sila Mr. Ong at Direk Riego na naguusap. "That's why it's like that."

Kaya naman pala. May dugo akong Spanish pero hindi ako nasanay sa pagkaing Mediterranean. In the first place, wala namang chance na makakain ako ng ganoon dati.

Nang matapos kaming kumain (ako, hindi ko inubos at bumawi na lang ako sa dessert na 'yogurt and honey olive oil cake' at maraming lemonade) ay nagsimula na silang ilabas ang kontrata na agad na binasa ni Sir Niccolo habang nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya ang dalawa. Nang masigurado niyang paulit ulit na niyang nabasa, ibinigay sa akin ni Sir at nagsimula na akong pumirma.

Nagprovide din ang SN ng sarili kong debit card kung saan daw papasok ang perang kikitain ko once ipalabas na ang movie.

"So that's it." sabi ni Sir Niccolo matapos mawala sa paningin namin ang kotseng sinakyan ng dalawa. "All you have to do is wait and watch the dream of your Dad come true in front of your eyes."

I Love You, Sir (Two Roads Part 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon